S E V E N

1.6K 76 0
                                    

Year 2012 (PAST) - Part III

1 Day to go before Valentine's Day!

Pagdating ni Maymay sa classroom nila ay may ibinigay sakanyang maliit na pink envelope ang kaklase niya. Nakita niya daw itong nakalagay sa upuan ni Maymay kahapon ng uwian habang siya ay naglilinis. Mas minabuti nalang niyang itago muna ito dahil baka may kumuhang iba, at dahil din nakaalis na si Maymay ng mga oras na yun.

Sa wakas ay nakapasok na din sa klase si Tanner. Lagi kasi siyang ine-excuse ng mga teacher. Kahit naman hindi siya pumasok, alam niya parin ang pinag-aaralan nila. Madalas pa nga, pumapangalawa siya kay Maymay​ sa mga pagsusulit nila.

"Heyy! Aren't you glad to see me, Dale?"

"Hala, of course yes naman! Nako, drama."

"Kinda. Oh. Try the Valentine booths tomorrow okay? I'll be in the Science club's and the Student Council's. Hope to see you!"

"Syempre naman, ako pa! Tsaka isusupport kita diyan!"

"Thank you so much. Anyway, can I ask you out tomorrow night?"

Natulala si Maymay. Ang unang pumasok sa isip niya ay si Edward, na naka-oo na siya dito, nga lang hindi niya pwede ipaalam sa iba tulad nadin ng napagkasunduan nila. Napatagal ang pagsagot niya sa tanong dahil hindi niya naman alam kung paano sasabihin. Winner! Ang haba ng hair!

"Ay halaaa!"

"Why? Is there something wrong?"

"Naku problema ata yan. Hindi ako sure kung-"

"We'll just have a dinner, dinner date? if it's okay?"

"May prior commitment kasi ako eh."

"You already have I date, then?"

"Hindi naman. Hindi date. Parang reunion, ganun."

"Oh I see. So I guess Valentine's would be a hard time for me this year, huh?"

"Hala siyaaa! Ang dami naman diyan oh. There's​ a lot of fish in the sea! Beautiful fishes! Hahaha"

"But they're not you."

"Bushaaaaaaak! Juskolored! Nako, saan mo naman nakuha mga yan! Naloloka ako sainyo ah! Hahaha"

"What do you mean 'sainyo'? Is there anyone else?"

"Nahhh grabe bai! Wala uy! Kalimutan mo na yun. Sorry talaga ha? Bawi nalang ako sa'yo through my support for tomorrow's events."

"Alright. Thank you!"

Nagtataka lang si Maymay sa sarili niya, kasi pareho lang naman ng tinanong si Edward at Tanner, pero bakit ganun magkaiba ang naramdaman niya? Nung tinanong siya ni Edward, bumilis ang tibok ng puso niya na halos di na siya makahinga. Nung si Tanner ang nagtanong kanina, bakit ganun, walang konting kaba? Kinailangan niya pa tuloy magsinungaling para lang hindi siya mabisto na may date na siya, at si Edward ito.

Nag-aabang na si Edward at Marco sa labas ng classroom ni Maymay para sunduin siya. Hindi nanaman makakasabay so Tanner dahil may lunch meeting sila para sa event bukas.

[Marco]
"Maymay! Namiss kita ah!"

[Maymay]
"Ay ako din. Busy busy ka kasi. Ano bang pinagkaabalahan mo?"

[Edward]
"Girls, as usual."

[Marco]
"What? Bro stop. Chill. Hahaha somehow, yes, but not with an 's.' Just singular. Hahaha"

Back For You (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon