Julio tamad

5 0 0
                                    

Napabangon si Julio dahil sa katok ng kapatid

"Julio! Bumangon ka na diyan at tumulong ka dito sa baba" napakamot ng ulo si Julio
"oo! Sandali lang" aniya nito

"Ano ba naman to, ke aga aga nambubulabog, andiyan naman sila nanay at tatay para magtulungan! Alam naman nilang ang pinaka-aayaw ko eh yung inuutusan ako" sa isip niya

Ngunit kakadada nito sa isipin bumangon na ito sa pagkakahiga. Pagbaba niya nadatnan nadatnan niya ang sala na napakarumi at nagkakalat ang iba't ibang klase na luman damit

"Ano ba yan! Ang dumi dumi naman dito!" Julio
"Eh kung tumulong ka kaya para naman malinis na ito ano?" Kapatid niya

Si Julia ang kanyang kapatid o ang kambal niya. Magkasalungat ang kanilang pag-uugali. Kung baga si Julio ay matigas ang ulo, tamad at walang respeto, eto namang si Julia at mahinhin, matulungin sa mga magulang at lalo na ay may respeto ito.

Sa kalagitnaan ng pag-aayos biglang may kumatok sa galing sa labas.

"Julio! Tara maglaro tayo sa may park, andun na din sila Marissa at John"
"Sino yan?" Aniya ng nanay niya

Hindi nito pinansin ang nanay at derederetsong lumabas ng bahay para matakasan lang ang paglilinis.

2oras ng lumipas hindi pa rin umuuwi si Julio

"Nay! Puntahan ko lang po si Julio, at siya na po ang paghuhugasin ko ng mga pinagkainan para naman po may maitulong siya sa atin" Julia
"Sige anak! Pakainin mo muna yun, diba pa yun naghapunan" nanay niya

Lumabas si Julia upang hanapin ang matigas na ulong kapatid. Nadatnan na lamang niya ang kambal may inaaway.

"Hoy! Halika dito at isusumbong kita kay tatay, wala ka na ngang ginawang mabuto nagawa mo pang makipag basag-ulo diyan!"
"Wala kang pakialam dito! Hindi mo alam ang pakiramdam ko tuwing inuutusan niyo ako! Hindi niyo alam kung ano sa pakiramdam na hindi ko mapawi" julio

Ngunit sa pagmamatigas. Ito nagawa niya paring sumunod sa kambal

"Hindi kita isusumbong kila nanay kung gagawa ka ng gawaing pambahay" julia

Walang nagawa si julio at sumunod na lang. pagkauwi ng bahay agad agad pinaglamay ng pagkain ng ina si Julio.

"Anak, pagkatapos mong kumain diyan maghugas ka ng pinggan, magwalis ka na rin ng lapag. Aalis kami saglit ng nanay mo" aniya ng tatay
"Sige po tay" labas sa ilong na sinabi ni Julio

Ngunit sa katigasan ng ulo, hindi niya sinunod ang magulang at lumabas nanaman ng bahay para makipaglaro sa mga kaibigan.

"Oh pre! Napagalitan ka nanaman ni Julia no? Yan kasi makipag-away pa!" Anito ni John
"Tss! Wala akong paki sa kanila! Ang alam lang naman nila ay mag-utos, wala silang ginawa kundi utos dun utos dito" julio

Napaisip siya kung nagiging bastos na ba siya o magpapauto nanaman.
Umuwi siya ng bahay pagkalopas ng tatlong oras at nakita niyang inaabangan siya ng kapatid at magulang.

"Wala ka na bang ginawang maganda kindi mag lakwatsa at maglakwatsa! Simpleng utos ko ni hindi mo masunod" aniya ng tatay niya
"Anong magagawa ko kung ayaw ko talaga!" Julio
"Aba at bastos kang bata ka ah. Wala kaming hinangad sayo kundi ang kabutihan!" Nanay niya

Tumingin siya sa kapatid upang sumaksi ng saklolo ngunit ang pagkadismaya na lamang ang nakita sa kambal.

"Pwes kung ayaw niyo sakin at kinamumuhian niyo na lang ako aalis na ako sa pamamahay na ito! Tutal naman walang nagmamahal at katulong naman ang turing nila sa akin" sa isip niya

Naghintay si Julio ng madaling araw at siguraduhing tulog na ang kapatid at magulang nito. Dali dali siya kumupit sa wallet ng ama at kumuha ng 300.
Yun lamang ang kinita ng ama sa pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay.

Lumipas ang 5 araw naubos niya ang pera niya dahil sa gutom. Kung saan saan na siyang napadpad hanggang sa nawalan ng malay.

"Iho, iho? Gising ka na" aniya ng isang estranghero

Nagmulat ito ng mata at may nakita siyang dalawang tao na sa tingin niya ay mag-asawa, sosyal ito at may mga mamahaling alahas na suot.

"S-sino po kayo? W-wag niyo po akong saktan! Maawa kayo sakin! Aniya ni Julio
"Iho! Uminahon ka, mabubuti kaming tao" aniya ng matandang babae

Tila bumalik sa realidad ang pag-iisip ni Julio.
Tumitingin tingin siya sa hindi pamilyar na bahay.

"Asan po ako? Bakit ako nandito!"
"Dinala ka namin sa pamamahay namin dahil nakita ka naming nakahandusay sa kalsada" sabi ng lalaki
"Ako nga bala si Doña Mercedita at ito pala ang aking asawa na si Don Jacinto. Kinuha ka namin dahil alam kong mabuti ka tao. Gustihin ka sana naming alagaan, ngunit baka may magulang ka at may naghahanap sayo" Doña Mercedita
"Wala po akong pamilya" julio

Tinignan siya ng mag-asawa na may awa sa mga mata.

"Iho, kung okay sayo aampunin ka namin." Don Jacinto

Tila namuhay ang pag-asa ni Julio upang makaranas na kaginhawaan at walang nag-uutos sa ka yan.

"Pero saan po itong lugar na ito?" Julio
"Maynila ito, bakit? Saan ka ba nakarating?" Don Jacinto
"Ang layo pala ng narating ko"  bulong niya sa sarili

Si Julio ay orihinal na nakatira sa Binangonan, Rizal.

"Dad, may toblerone pa po ba?"
" oo naman, inside the ref" Don Jacinto

Simula ng inampon siya pinatawag na siya ng mag-asawa ng Dad and Mum.

Makalipas ng 2 taon, nakaramdam na siya nagpangungulila sa pamilya.

"Miss na miss ko na ang nanay, tatay ay ang kambal ko. Kulang padin pala kahit ang sarap sarap na ng buhay ko dito alam kong may kulang pa"

"Siguro oras na to para magsabi na ng totoo, at humingi ng patawad kila Doña Marcedita" lakas loob niyang isatinig

"Anong totoo iho?"

Muntik ng mapatalon si Julio sa gulat.
Naglakas loob na siyang isatinig ang gustong sabihin.

"Don Jacinto, gusto ko po sanang makausap kayo ni Doña Mercedita ng tapat" yumuko ito
"Ano yun Julio?" Singit ni Doña Mercedita

Tila nanigas siya kinakatayuan dahil sa nerbyos.

"A-ang totoo po kasi... may pamilya po ako" huminto siya saglit
"L-lumayas po ako sa bahay, upang makawala sa pang-uutos nila" hikbing sabi nito

Hindi na nagulat ang mag-asawa sa rebelasyon na iyon.

"Julio anak, alam namin ngunit hindi na kami

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Julio tamadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon