One-Shot-A Day of Romantic Time Travel

69 4 2
                                    

-Marky-

Nag-inat ako pagkatapos kong magawa ang lahat ng assignments ko para sa araw na ito. Isa akong masipag na mag-aaral at sanay ako mag-aral. Sa katunayan ito ang paborito kong gawin. Hobby ko na ang pagbabasa ng libro at ang pagsasaliksik sa mga bagay-bagay. In short, I'm a certified nerd. And I am very proud of it.

Hindi naman kasi ako ang tipo ng nerd na binubully ng mga bullies. Ako iyong nerd na niluluharan ng mga tao para lang tulungan silang mag-aral. I'm that kind of man.

Pumuwesto na ako sa kama ko. Humilata ako at hinayaan ko ang sarili ko na hilahin na ng antok. Kailangan ko ng magpahinga.

Kasisimula ko pa lang sa panaginip ko ng may maramdaman akong mabigat na bagay na bumagsak sa kalamnan ko. Napangiwi ako sa sakit at napakunot-noo ako. Napilitan akong magmulat ng mata.

Gan'on na lang ang gilalas ko ng makita ko ang isang babae na nakaupo sa ibabaw ng tiyan ko. Nakatingin siya sa akin at tila gulat na gulat din siya.

"Sino ka?!"

"Sino ka?!"

Sabay na sabay iyong lumabas sa mga bibig namin.

"Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" I demanded.

"Kwarto mo?" tanong niya saka inilibot ang tingin sa paligid. "Kung gan'on sa maling location ako napadpad," bulong pa niya.

"Ano bang pinagsasabi mo? At pwede ba, umalis ka nga sa ibabaw ko!"

Imbes na tumalima, nagulat ako ng haklitin niya ang suot kong T-shirt at sapilitang ibinangon ako. Nagkalapit ng husto ang mga mukha namin. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sabihin mo kung nasaan ako at anong petsa na!" mariing utos niya.

"What?"

Nairita siya. Marahas na binitiwan niya ang T-shirt ko saka tumayo at bumaba sa kama ko. Luminga-linga siya sa paligid. Bumangon ako at pinanood siya. Nawi-weird-ohan na ako sa kanya.

Pero hindi ko naiwasang pagmasdan siya. Maganda siya. Mahaba ang buhok niya na umaabot hanggang dibdib niya. Nakatirintas ang ilang hibla niyon sa may harapan. Maputi siya at maliit. Nakasuot siya ng asul na sando na pinatungan niya ng dark blue mini jacket na maong. Denim shorts at pink doll shoes ang tinerno niya roon. May suot din siyang weird na wristwatch.

Mayamaya ay dinampot niya ang mini calendar ko sa study table ko. Sinipat niya ang date doon saka siya tumingin sa wall clock ko na nakasabit sa dingding.

"Mayroon na lang pala akong four hours bago mangyari iyon," sabi niya.

Napakunot-noo ako. "Sino ka ba? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?"

Hindi naman siguro siya magnanakaw. Wala sa hitsura niya.

Napatingin siya sa akin. "Ako si Snow Aldeguer, isa akong time traveller at nanggaling pa ako sa future. Kung sino ka man, kailangan ko ng tulong mo."

Napanganga ako. Literally.

*****

-Snow-

"Naka-drugs ka ba?" tanong ng lalaki sa akin. Halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Hindi ko siya masisisi. Mahirap nga naman paniwalaan ang mga sinabi ko. Pero wala na akong oras para ipaliwanag sa kanya ang lahat. Kailangan ko ng magpunta roon. Magiging walang silbi ang paglalakbay ko sa nakaraan kung hindi ako makakarating doon. Kung bakit ba naman kasi nagkaroon ng aksidente noong mag-time travel ako. Sa ibang time warp tuloy ako lumabas dahilan para sa ibang location ako napunta salungat sa ini-record ko sa program.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-Shot-A Day of Romantic Time TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon