Chapter 5: Dean

113 20 8
                                    

Nandito kami sa classroom ngayon. Umattend ng klase yung mga nagpa-practice sa auditorium para sa acquaintance party kahapon para raw hindi sila mahirapan maghabol sa lessons. Mamayang uwian na sila magpa-practice.

Nagdi-discuss yung teacher namin nang tumunog yung speaker kaya napahinto siya sa pagtuturo at natahimik kami. Lahat ng classroom dito may speakers pati sa hallway for announcements.

"Calling Kelsie and Sabrina of Class A, Business Administration. Proceed to the Principal's Office. Now."

Napatingin naman samin lahat ng mga kaklase ko pati teacher namin. Tumayo na ako pero napansin kong parang ayaw tumayo ni Sab.

"No freaking way!" Pagmamaktol niya.

"Yes freaking way! OA mo naman, pinapatawag lang naman tayo."

"Don't you know na kapag pinapatawag sa Principal's Office ibig sabihin may ginawang kasalanan." Nagaalangang sabi ni Sab.

"Be proud! Napansin ka ng principal, sikat ka na. Haha." Pang-aasar ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Fyi, matagal na akong sikat." Pagmamayabang niya sakin.

"Dun na kayo sa office magsagutan. Ginugulo niyo klase ko e." Singit nung teacher namin. Ang sungit naman.

Napilitan na ring tumayo si Sab kaya lumabas na ko, hindi ko na siya hinintay kasi susunod naman yun.

Nang makarating na kami sa tapat ng office, nagtalo pa kami ni Sab kung sino ang kakatok. In the end, sumuko na ko dahil mukhang hindi magpapatalo 'tong kasama ko. Tsss.

Pagkakatok ko ay binuksan ko na ang pinto at pumasok kami.

"Good morning, Ms. Reyes." Bati namin ni Sab.

"Good morning, Kelsie and Sab. Take your seat." Sumunod naman kami at umulo sa upuan dun sa tapat ng table niya.

"B-Bakit niyo po kami pinatawag?" Kinakabahang tanong ni Sab. Natatakot din pala 'tong babaeng 'to haha.

"Well, two days lang naman akong nawala at may nabalitaan akong away. At kayo 'yon. Nung isang araw sa cafeteria. Anong nangyari?" Mahinahon niyang sabi.

Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Sab.

"Tinapunan niya po ako ng tubig sa mukha." She accused me.

"Is that true, Kelsie?"

"Yes. Well, that's just a water."

"But what you did is still not right. Why did you do that?" Napakastrict naman pala dito sa school namin.

"Tinapon po kasi niya yung pagkain ko. Ang ayaw ko po sa lahat ay yung ginugulo ako sa pagkain ko, hindi naman po yatang tama na itapon nila pagkain ko. Tapos ayaw pa po nilang paltan."

"Yes, hindi nga tama 'yon but hindi rin tama yung ginawa mo kay Sab. At bakit mo naman tinapon ang pagkain niya?" Pagtatanong niya kay Sab.

"Kasi naka-ilang tawag na kami sa kanya. Hindi niya man lang kami pinapansin, parang wala siyang naririnig."

"Hindi ko po sila pinansin kasi alam kong once na pinansin ko sila magkakaroon pa rin ng away, umiwas lang ako sa gulo. Kaso masyado po talaga silang papansin kaya pati yung nananahimik kong pagkain dinamay nila." Depensa ko sa sarili ko.

"Hindi kami papansin!" Inis na sabi ni Sab.

"Stop! Can you hear what you two are saying? Para kayong mga bata! Siguraduhin niyong hindi na ito mauulit." Tumango na lang kami dahil galit na si Ms. Reyes, baka isumbong pa ako kay na daddy.

Friendly DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon