My Love

13 0 0
                                    


"Ilayo mo nga yan sa akin."inis na sabi nya."Ayoko nyan."

"Babe kailangan mo ito para gumaling ka na agad."nanunuyo na sabi ko sa kanya.

"Jade ilang beses ko bang sasabihin sayo na di na ako gagaling,ang payat payat ko na kaya dapat wala ka na dito at pinandidirihan mo na ako kasi ang panget ko na."umiiyak na sabi nya kaya napatulo din ang luha ko.

"Babe wag mo sabihin yan."sabi ko sa kanya at niyakap sya."Babe mabubuhay ka pa ng mahabang panahon kasi nalaban pa tayo nandyan si God para sayo at wag mo sabihin na panget ka kasi sa buong buhay ko ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko."sabi ko at hinalikan sya sa noo.

"Bakit ba ayaw mo pa akong iwan alam ko naman na tinitiis mo lang ako."sabi nya kaya napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Hindi kita tinitis kasi gusto ko na lagi kitang kasama kaya lagi akong nandito at mahal kita,alam mo yan."

"Umalis ka na nga dito kasi pupunta na rin si mama."

"Babe wala naman akong gagawin kaya aalagaan lang kita buong maghapon sa ayaw at sa gusto mo."nakangiting sabi ko at naupo na ako sa sofa."Sige magpahinga ka na at babantayan kita."

"Jade umuwi ka na kasi di mo naman kailangang gawin 'to eh."

"Anong di kailangang gawin ka dyan,kailangan ko tong gawin kasi boyfriend mo ako."

"Ano ba Jade matagal na tayong wala...ikaw lang tong makulit na pumupunta dito para alagaan ako."sabi nya at bumuntong hininga.

"Eh ito ang gusto kong gawin sa buhay ko,gusto kong lagi kang nakikita at inaalagaan."sabi ko at nginitan sya ng malapad."Sige na magpahinga ka na para lumakas ka."pagkasabi ko nun ay pinikit na nya ang mata nya tumayo naman ako para ayusin ang kumot nya.

Matagal na kaming wala ni Karyl kasi simula nung malaman ko na may sakit sya sa puso ay nakipag break na sya sa akin kasi masasayang lang daw ang buhay ko pag minahal ko pa sya kasi mamamatay na rin daw naman sya pero di pa run ako tumigil kasi anong magagawa ko makulit ang puso ko eh lagi nyang sinasabi na "mahal na mahal ko sya"...

Matagal na rin sila naghahanap ng mag d-donate ng puso sa kanila pero wala silang mahanap....Kung pwede nga lang ako na lang kaso iniisip ko rin ang mga kapatid ko...wala na kasi kaming magulang kaya ako nalang ang nagaalaga at bumubuhay sa kanila.

"Jade magpahinga ka na,kami na ang magbabantay kay Karyl,baka iniintay ka na ng mga kapatid mo."sabi sa akin ng mama ni Karyl.

"Ah sige po tita bantayan nyo po si Karyl maige,pakisabi na rin po na umuwi na ako,salamat po tita alis na po ako."sabi ko at niyakap ako ng mama ni Karyl.

"Wag ka sa akin magpasalamat kasi ako dapat ang nagsasabi sayo nyan,alam ko ang mga kasungitan na pinapakita sayo ni Karyl pero nandyan ka pa rin sa para kanya,salamat sayo Jade."sabi ni tita at kumalas na sa pagkakayapos sa akin.

"Ganun po kasi tita pag mahal mo ang isang tao lahat gagawin mo para sa kanya kahit na nasasaktan ka na."sabi ko habang nakatingin kay Karyl at tumulo ang luha ko at pinunasan ko agad ito."Sige na po tita alis na po ako salamat po."sabi ko at pumunta muna kay Karyl para magpaalam kahit tulog na ito."Alis na ako inumin mi ang mga gamot mo ha."bulong ko sa kanya at hinalikan sya sa noo at umalis na.

Kinabukasan maaga akong nagayos kasi dadalawin ko ulit si Karyl.

"Kuya kamusta na po si ate Karyl?"tanong ni Mark bunso kong kapatid.

"Ayos lang si ate Karyl mo."sabi ko habang nakangiti sa kanya.

"Pag galing po ba ni ate Karyl pede na tayong sumakay sa roller coaster?"nakangiting tanong nya,pangarap kasi nila parehas ni Karyl na makasakay sa roller coaster.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Me Till The EndWhere stories live. Discover now