Chapter 21 - Moment of Truth
Ilang buwan na ang nakalipas. Madaming nangyari. Madaming naganap. Madaming nagbago. Madaming umalis at madami ring dumating.
Ilang buwan na rin ng simula akong ligawan ni Xzyr. Sabihin na nating magaan ang loob ko sa kaniya. Lalo na't mas lalo ko siyang nakikilala.
Nalaman kong mahilig siya sa bata. Mahilig siyang mag-alaga ng bata. Gusto niya sanang magkapatid na bunso pero hindi na siya nasundan.
Mahilig din siya sa mga hayop pero dahil weird siya, mas gusto niya ang mga wild animals.
Katulad na lang ng tigre, leon, bears o baboy ramo. Ganung hayop ang gusto niyang alagaan.
Pwede naman yung Patrisha na lang yung alagaan niya. Hayop din naman 'yun. Yung higad na umaaligid sa kaniya sa campus.
Hindi siya sporty. Hindi siya katulad ng iba na mahilig sa basketball, volleyball, baseball at kung ano-ano pa.
Ang sabi niya pa. Ang mahalaga may dalawa siyang balls.
Alam niyo tawag sa dalawang balls? Edi ball ball.
Hindi kagandahan boses niya pero napagtyatyagaan ko naman.
Clingy siya kapag kaming dalawa na lang pero sobra niyang seryoso kapag sa ibang tao.
Seloso siya. Kahit manliligaw pa lang siya dapat siya lang daw ang manliligaw ko. Kung magpapaligaw daw ako sa iba dapat mas gwapo sa kaniya.
Madami na akong alam sa kaniya. Sobrang alam ko na kung kailan siya mabbadtrip o kailan siya good mood.
Pero may dalawa akong pinagtataka.
Hindi niya pa binabanggit sa akin si Kyros. Nag try akong itanong pero sabi niya. Sasabihin niya kapag sinagot ko na siya.
Mas lalo lang akong na curious. Parang may something. Sumasakit lang ang ulo ko kapag iniisip pa 'yun.
Ang pangalawa, hindi ko alam kung ilang beses na nangyari pero minsan nakikita ko siyang nakikipagtalo sa sarili and guess what. Nababanggit niya ang pangalang Kyros.
Confusing, right?
Kaya naisip kong sagutin ko na siya and that day is today.
May plano kaming umakyat ng bundok ngayon. Naka schedule na kami. Balak ko siyang sagutin sa tuktok ng bundok.
Yes. I know. I'm romantic.
"Make sure na walang may sakit sa puso o buntis na aakyat!" rinig kong sabi ng tour guide na nasa unahan.
Hawak hawak ko ang string bag ko na naglalaman ng tubig at pamalit. Ganun din ang mga kasama naming aakyat.
Medyo marami rin ang tao ngayon sa paanan ng bundok. May ilang walang dala maski isa, may iba namang may nakasabit na camera sa leeg nila, merong iba na mag ka holding hands at may iba namang mag-isa lang.
Nagbigay lang ng ilang trivia at mga rules and regulations sa bundok yung guide namin pataas at nagsimula na kaming pumanik.
Tahimik lang kaming naglalakad. Dinadama ang malamig na simoy ng hangin at ang ganda ng view na nakikita namin. Naeexcited na akong makapunta sa tuktok. Lalo na't papalubog na ang araw.
Ilang saglit lang nasa tuktok na kami. Sobrang ganda. Presko. Hindi mawawala ang picture taking. First time ko lang mag hiking kaya sobrang naaamaze ako sa nakikita ko.
Ilang beses pa kaming nag picture ni Xzyr. Ito ang una naming gala na kaming dalawa lang.
Nasa tabi ko siya. Lahat kami na umakyat nanonood sa paglubog ng araw.
BINABASA MO ANG
Move on na, Tanga!(COMPLETED)
RomanceThere was a girl named Dana Kim Dela Rosa who can't let go her feelings toward his ex named Airon Gomez and there is a weird guy who will enter to her cliché story. Dana and the weird guy will pretend that they have a relationship. She will depends...