Shout Out sa Nanay ng Ex ko!!
Know yourself tita... Oo, bilog ang mundo... Naghiwalay kami ng anak mo di dahil may iba siya... Dahil sa ayaw mo ako para sa anak mo... Hindi ba lahat ng lakad namin pinipigilan mo? Kasi ayaw mong gumagastos siya sa walang kwentang bagay... Sinabi mo pa yan sa harap ko... Tinanggap ko lahat dahil love ko anak mo at alam ko na hindi niya kayang mawala ako... I tried na hindi pansinin ang mga tsismis mo tungkol saakin... I tried to laugh kahit na iniinsulto mo na ako para sa anak mo... But you pushed me in my limitations... Dinamay mo pa ang pamilya ko... Iniwan ko ang anak niyo dahil hindi ko na kaya... Sinabi niya na sasama siya saakin pero hindi ako pumayag dahil hindi ako ganon kasama para papiliin siya kung ako ba o kayo... Alam kong masaya ka na sa ginawa ko... Tapos kagabi bigla kang nagtext, nagmamakaawa na balikan ko ang anak mo... Diba ayaw niyo na ako nung una? Bakit? Dahil nakita niyo na happy ako kahit wala ang anak niyo? Na hindi ako miserable, di tulad ng sinabi niyo na hindi ko kakayanin kung mawawala ang anak niyo... Sorry ha... Hindi na ako papayag na tapak tapakan ang pagkatao ko... Hindi niyo alam ang feeling na maawa ka na lang sa sarili mo... At salamat sa anak niyo na hindi ako pinagtanggol... Salamat sa inyo natauhan ako... Sorry dahil hindi ko ugaling mag recycle ng basura!!..Tapos na kami!!... Tapos na tayo!!...
~~~~~~~~~~~~
Done!!
~~~~~~~~~~~~