The One That Promised Me "FOREVER"

34 1 0
                                    

PROLOGUE :

Siya lang naman yung minahal ko ng ganito.

Siya lang yung nagbigay ng liwanag sa madilim na mundo ko.

Siya lang yung nakapagbigay sigla sa boring na buhay ko.

At..

Siya lang ang nagbigay ng sakit sa inosenteng puso ko.

Minahal naman kita ng higit sa buhay ko pero bakit ganito? Bakit  pagkatapos kitang mahalin, pasayahin at ibigay lahat sa’yo, bigla ka na lang mang iiwan. Bigla ka na lang mawawala. Bigla ka na lang naglaho. Hindi mo man lang nilinaw ang lahat bago ka umalis.. bago ka lumayo. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa atin sana pala hindi na lang ikaw ang minahal ko. Sana pala hindi na lang kita pinapasok sa mundo ko. Sana pala.. hindi ako naniwala sa “Boss Forever” mo. At sana pala hindi ko hinayaan na paglaruan mo lang ako.

Pero ngayon, wala naman na din akong magagawa. Kahit magsisi at magalit ako sa’yo wala naman na ding magbabago. Nasaktan mo na din ako. At pagkatapos ng lahat eto pa rin ako ngayon umaasa na sana.. na sana magbago ulit ang ikot ng mundo at mahalin mo ulit ako.  Dahil kahit itanggi ko, hanggang ngayon ikaw pa din ang mahal ko. Ikaw pa rin ang paulit ulit na minamahal ko.. paulit ulit na tinitibok ng puso ko.

A/N.:

..> Magandang Araw mga ka’watty. J Medyo weak ba yung prologue? Sarre.. hindi pa kasi ako bihasa sa pagsusulat ee. Pero sana suportahan natin to. Salamat po. GOD BLESS US!! VOTE, LIKE, SHARE are much appreciated. :**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The One That Promised Me "FOREVER"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon