Prolouge

8 0 0
                                    

"Van! Tara na! Masyado ka namang maarte eh!" sigaw ko habang hila hila ko sya sa pulsuhan.

"Emily naman! I don't want to! Sa iba na lang tayo. Let's go." sabi nya sabay hila pabalik.

"Ano ka ba? Lalaki ka ba talaga? Tara na sabi eh! Sayang naman binayad natin dito kung di tayo sasakay!" giit ko.

Alam ko na sa mata ng ibang tao, mukha na kaming tanga ditong dalawa dahil panay ang hilaan namin dalawa sa isat isa.

Eh eto naman kasing Elliot Avan na to! Kalalaking tao pero saksakan ng duwag.

"Oo. Lalaki ako. Lalaking lalaki." ngumisi sya sabay lapit ng mukha nya. Putangina, bigla naman akong napaatras. Eh ang bango nya, nananapak yung amoy. Bwiset! "Want me to prove it?"

Nagulat ako. Mabilis ko syang tinulak palayo. "Syempre hindi! Kadiri ka ba? Tara na nga kase!"

"Promise me that after this, no more scary rides, okay?" sabi nya na naninigurado na huli na to.

Agad naman akong tumalima ng tango. Eto kasi yung pinahuli kong ride para hindi na sya makahindi. Plus, alam ko naman na hindi nya ko matitiis. Kahit pa sobrang badtrip na sya sakin.

Napangiti naman ako sa sinagot nya. Dali dali ko syang hinili papunta sa pila pasakay ng Space Shuttle.

Eto ang pinaka hate at isumpa sumpa nyang ride sa EK. Kaya nagpumilit akong sakyan namin to.

Ilang beses na kaming pumunta at namasyal dito, at ilang beses nya na din ako tinanggihan. Kaya all smile ako habang pasakay na kami. Habang sya, di maipinta ang mukha. Nakasimangot sya to the highest level. Well.

Ikinabit na namin yung seatbelts at habang sinasabi nila yung mga safety precautions during the ride. Bla bla bla.

Buong ride, tawa lang ako ng tawa, all smile pa din, habang sya nakahawak lang ng mahigpit yung isang kamay sa braso ko at nakapikit. I tried really hard to fish my phone out of my pocket. At tsaka ako kumuha ng picture namin dalawa. Ako, nakangiti. At sya, nakapikit.

Natatawa tawa pa din ako pagtapos ng ride hanggang sa makababa kami.

Napasandal pa sya saglit habang hawak yung dibdib nya. Alam nyo yung parang inaatake sa puso? Yan. Ganyang itsura nya ngayon.

"Van, you okay?" tanong ko sabay hawak sa balikat nya.

He shoot daggers at me. I raised my eyebrow at him. "Soooo, how do you feel?" tanong ko na inuuyam sya.

Di pa rin sya makasagot dahil habol nya pa rin yung hininga nya.

Di ko akalain na ang isang Elliot Avan Law, takot sa Space Shuttle.

Dahan dahan akong naglakad para makahabol sya sakin tukad ng ginagawa nyang paghabol sa hininga nya.

Nagulat ako dahil may pabalyang umakbay sakin.

"Tha-that was the last time I'm going to ride that thing again. Ever!" nilingon ko sya at sa tingin ko ay tapos na syang makimarathon sa hininga nya.

"Come on Van, you're such a baby. Space Shuttle lang yon. Marami pa tayong di nasasakyan."

"No! You promised me that was the last one. And that we're going to eat after. So let's go. I'm starving." Hinila nya na ko.

He ordered a whole pizza just for the two of us. I was unconsciously staring at him while he was busy eating his pizza.

And right now, I still can't believe that for the past year, I've been inlove with this man.

I'm Emily Kirsten Stanford, who is secretly inlove with my bestfriend, Elliot Avan Law.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SECRETLY FALLINGWhere stories live. Discover now