Chapter 1

33 0 0
                                    

February 10, 2013 | Monday

Magvavalentines na naman.

3 years na kong ganito ? Wala man lang bang may balak na manligaw saken. Sa pagkaka-alam ko hindi naman ako pangit. Hmp :(

"Janine!" Tawag saken

Ay oo nga pala, may nanliligaw saken, iisa. Hindi naman sa choosy ako pero ayoko naman sagutin siya dahil gusto ko lang may date ako.

Siya nga pala si Pedro, ang janitor/classmate/manliligaw ko.

"Oh bakit ?" Tanong ko

"Sa room ka ba pupunta ?" Tanong niya

"Obvious ba ? Syempre mag aalas syete palan kaya malamang sa room talaga ang punta ko" pabalang kong sagot, ang kulit kase eh.

Simula first year niya pa ko kinukulit. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako mataray eh. Pag hindi mo kasi siya tinarayan nag aasume siya na gusto mo rin siya. Haay ! Ewan ko ba sa kanya. At ito pang isa huh, hindi lang ako ang nililigawan niya. Kundi lahat ng sumali sa Ms. Campus 2013. Oo kasali ako dun, wala naman kasing maganda sa section namin. Kumbaga ako ang pinakamaganda sa section namin, haay ! Parang sinabi ko na rin na ako ang pinakamaganda sa lahat ng pangit. Hmmmmmff . Kaya siguro hindi ako nanalo

Hindi naman sa panghuhusga huh, pero kahit ganyan ang itsura niyan, super playboy. Lipat dito lipat doon, basta kung sino mang makita niya na sumali nung pageant.

"Sabay na tayo ah" sabi niya

Tumango na lang ako

Habang naglalakad na kami pataas ng hagdan.

Aba nauna siya saken ng mga ilang hakbang.

"Hi angelica!" Bati niya dun sa first runner up nung Ms. Campus

Oh diba? Speaking ? Super playboy ! Pero mas ok nga yun, atleast hindi na siya nakabuntot saken :)

Pagkarating sa 2nd floor, itong si Pedro nakasunod pa rin kay angelica.

Haay, ang engot talaga nitong si pedro, bat dun siya lumiko sa kabila eh dito naman sa kaliwa yubg room namin

Nakatingin lang ako sa kanila habang naglalakad papasok sa room, nakakatuwa talaga tong si Pedro, dinaig pa yung aso kung sumunod eh :)

"Ah-aray !" Napasigaw ako

Nauntog kasi ako.

Ewan ko ba kung sa pinto o sa pader.

Pagtingin ko, Ayy mali, sa tao pala. :)

Nung tinitigan ko.

Tao nga ba ? O anghel ?

Ang tangkad, siguro nasa mga 5'7 eh kasi naman 5'2 lang ako ;) grabe ang puti niya at chinito. Eto pa huh, malupet brown eyes, nakakatunaw siya kung tumingin. Yaaaayy !

"Ah s-soorry" nauutal ako

Pag ganito naman ang kaharap mo ewan ko lang kung hindi ka mautal.

Hindi siya kumibo o nagsalita man lang.

Siguro kase, were so much closer to each other.

Dumistansya ako.

Akala ko magsasalita na siya pero ...

Bwisheet , nilagpasan lang ako ??

Haaaaay ! Pumasok na lang ako sa loob ng room at naupo sa silya ko..

"Oh janine, nakita mo na ba yung transferee ?" Tanong agad saken ni cheska, bestfriend ko since elementary

"Haaah ?? Sino si pogi ? Ah este yung chinitong maputi na matangkad?" Tanong ko din para di masyadong obvious na Oo.

Mr. Valentine <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon