13 - B.Wolves' First Fight

52 0 0
                                    

[Jong In]

"Suho! Suho! Suho! Sige na!" sigaw ni Tao.

"Anong problema?" tanong ni Luhan.

"Ngayon kasi ang Birthday ni Suho. Gusto ni Tao na pumunta sa bahay nila dahil maraming pagkain sina Suho." sagot ko.

"Hindi kaya pagkain ang pinupunta ko doon. Teka, ano nga ba ang handa mo?" sabi ni Tao

"'Wag mo na lang sila pansinin. Simula nung highschool pa kami, ganito na palagi." kwento ni Baekhyun.

"At palaging si Tao ang nasusunod" dugtong ni Chen.

"Ah... sige na nga.... pero gusto ko kasama ang girlfriend ni KAI.. Yeon Ji punta ka rin ha.." sabi ni Suho.

"Ilang beses ko bang sinabi sa inyo na hindi nga kami. Dati lang iyon." nahihiyang kong sinabi.Napangiti ako sa sinabi ni Suho. Yumuko na lamang ako para walang makapansin.

"Sige sabi mo e. Sa huli, magkakabalikan din naman kayo " sabi ni Sehun.

"Nako, mukhang malabong mangyari yun." sabi ni YeonJi. Nagulat ako sa sinabi niya dahil noong highschool pa kami, naaalala ko na sinabi niya sa akin na ako lang ang una at huli niyang mamahalin. At kung magkahiwalay man kami gagawa at gagawa daw siya ng paraan para kami parin hanggang sa huli.

"Sabi mo nung highschool..." naudlot na sabi ni Luhan. Tinakpan ni YeonJi ang bibig niya. Kinuwento rin pala niya iyon kay Luhan.

"Paano mo naman nasabi na wala na siyang pag-asa? Bakit may mga nanliligaw ba sa iyo ngayon?" tanong ni Chanyeol.

Siyempre wala. Alam ko naman na ayaw ni YeonJi magpaligaw sa iba. Teka, wala nga ba?

"M...... meron." sagot ni YeonJi.

"May pag-asa ba yung mga manliligaw mo?" nakangiting tanong ni DO.

"Bakit ba napunta dito ang usapan? Suho anong oras ba sa inyo mamaya?" pag-iwas ni Yeon Ji.

"Sabay sabay naman tayo eh. Gusto niyo ba ngayon na? Ako na ang bahala sa mga professors." sabi ni Suho. Grabe talaga ang kapangyarihan ni Suho. Isang sabi lang niya ay sinusunod na agad ng mga tauhan dito sa school.

"Kakatapos pa lang natin kumain ng lunch. Pagkatapos na lang ng klase tayo dumiretso sa inyo." sabi ni Xiumin.

"Bakit ba tayo pupunta kina Suho mamaya?" tanong ni Lay. Ilang buwan ko pa lang sila nakakasama pero sanay na sanay na ako sa mga ugali nila. Si Lay ang makakalimutin sa grupo. Hindi ko talaga inaakala na sila ay isang gang na kinakatakutan dito sa school.

...

"Tara na! Gutom na ako." aya ni Tao.

"Susunod na lang kami ni Luhan. Sasamahan ko pa kasi siya sa faculty room. May mga requirements kasi siya na kailangan pa isubmit." sabi ni YeonJi.

"Kai, samahan mo na sila. Baka mamaya makikipagkita lang iyan sa manliligaw niya." sabi ni Baekhyun.

"Sasamahan ko na rin kayo. Hindi niyo pa alam kung saan ang bahay ni Suho e." sabi ni DO.

"Sigurahin niyong susunod kayo ha." sabi ni Suho.

...

"Ang tagal naman ni Luhan." reklamo ni YeonJi.

"Pupunta lang ako sa restroom." sabi ni DO

Kaming dalawa lang ni YeonJi ang naiwan sa tapat ng faculty room. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon, ang tahimik. Dati palagi niya akong kinukulit.

"Uhmm.... Yeon.... Ji.... tungkol dun sa kanina...."

"Kanina? Ah ..... uhmm... Teka asan na rin ba si DO?" pagiwas niya. Humarap ako sa kanya at sinandal ko siya sa pader. Hinawakan ko ang mga balikat niya.

Back Away from Her! (엑소)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon