The Bestfriend Lovers
By Complicated_16
(Author's Note)
Pasensya na po sa grammar ko...Enjoy na lang po..Maraming salamat sa magbabasa nito..Sana magustuhan niyo po kahit na hindi masyadong mahaba..First ko po tong story sana suportahan niyo po ito..Yun lang po..Salamat
~PROLOGUE~
He's my bestfriend. He is the cutest of all among the boys i've met. Masayahin, mabait, simple, pogi, sweet and mapagkakatiwalaan. Pero lahat, lahat nagbago pati friendship namin nung sinabi niya sa akin na-- ep, ep, ep bawal pa tsaka basahin niyo muna story namin ni Kent.
Chapter One (First Chapter♥)
Blaire's POV
(Kaway-kaway) Hello po sa inyo, I'm Kiesha Blaire Morez, a 4th year student of a private school na wala namang ka kwenta-kwenta. Eh maarte kasi mga babae dun buti na lang at nang dun si bestfriend Kent kaya may kaibigan ako. Well speaking of Kent, andito kami ngayon sa paboritong tambayan namin. Syempre sa ilalim ng puno at property din namin tong puno na ito. Naka-ukit pa nga pangalan namin sa puno eh. Sabi kasi niya na maganda daw pag may nakalagay sa puno para hindi kami maunahan ng iba. Kaya eto, tambay lang kami with matching sound trip sa paborito naming kanta. At si Kent, naku, naku, naku feel na feel ang moment. Akalain niyo sa akin nakasandal hindi sa puno. Well aminin ko, kinilig din ako no, sa totoo lang may gusto talaga ako kay Kent kaya lang takot ako na masaktan kasi baka sabihin lang niya na hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Kaya sumandal din ako at nag study dahil may quiz kami ngayon ehh. Kaya we need to study para malaki grades namin.
"RRRIIINNNNGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" - ay tumunog na ang mahiwagang bell kaya punta na sa classroom ULIT at mag quiquiz na..Sayang naman ang moment namin..Pero ok lang ang importante ay ang makapasa kami.
"Good luck sa atin Bestfriend! - sabi ni Kent sa akin sabay akbay..Kya!!!kilig din nuh ^_^.
Kent's POV
(Search niyo po sa YouTube- You and I tonight ng Faber Drive.)
~What if I stay forever~
What if theirs no goodbye
Frozen for a moment here inside yeah
If you tell me the sky is falling
We'll see that the stars collide
The only thing that matters in my life
~Is you and I tonight~
Ang ganda talaga ng favorite song namin ni Bestfriend Blaire.. Syempre, maganda kaming pumili ng songs eh. Kaya wag makulit. Finifeel ko ang moment ngayon dahil nakasandal ako kay Blaire. Tss, oo na sasabihin ko na, may gusto ako kay Blaire noon pa. Oo noon pa. Takot kasi ako na baka hindi din niya ako mahal. Na kaibigan lang talaga kami kaya secret lang to ah. Shhhhhhhhhh.....Ay nakalimutan ko, I'm Aisler Kent Santos. 4th year student and magaling na soccer and basketball player ako. Wag niyo na tanungin kung paano ako pipili pag sabay practice ko. Alalahanin natin ngayon na may quiz kami..
"RRRIIINNNGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!" - nag ring na!!! Panira talaga sa moment oh..Pero ok lang may bukas pa naman ehh...Kaya pumasok na kami sa classroom.
"Good luck sa atin Bestfriend! - sabi ko kay Blaire sabay akbay. Galing ko talaga maka tansing!! He he he. At salamat nakadating na din kami sa room. Kaya nag start na ang quiz. Teneneng!!! (sound effect??)
"Congratulations to Mr. Aisler Kent Santos and to Ms. Kiesha Blaire Mores. Nakakuha kayo ng perfect score sa exam. Teka?? Nag cheat kayo noh? - tanong ni Mam Lena sa amin.
"Hindi po mam!. Nag-aral po kami kanina! - sabay naming sagot ni Blaire. Eh sa seat mate ko si Blaire pero hindi kami nag cheat..Quiz kaya??!
"Kayo hah?? Sabay pa talaga kung sasagot. Teka?? Pwede mag tanong? Mag bestfriend ba talaga kayo o mag jowa? Nakakalito kasi kayo ehh. - tanong ni mam at nag kabit balikat pa talaga. Mam naman oh napaka tsismosa. At sumigaw pa ng "ayieh!!!" ang mga classmates ko..ANG INGAY NILA HAH!!!
"Mag bestfriends po. - sagot ni Blaire sabay tago sa likod ko dahil nagblublush siya. Ayy si Bestfriend...
"Bakit hindi ba pwede kayong lumevel-up? Hindi lang bestfriends kung hindi yung sinasabi nilang more than friends???? - pang-aasar na tanong ni mam sa amin. Si mam talaga. Alam ba niyang nakakahiya kay Blaire.
"Siguro hindi muna sa ngayon mam. Sa takdang panahon pa siguro. - sabi ni Blaire sabay tingin sa kung saan-saan.. Teka?? She means?! Gusto din niya ako?? Hindi siguro?? Ay Ewan??
"Ahh...Alam niyo naalala ko ang aking Love Story din noon.. Ay nakakakilig!!. -sabi ni mam na grabe ang imagination parang nakahiga lang sa cloud nine.
"Sige na nga. Tapusin na natin to at maka-uwi na kayo.- sabi ni mam at naglakad ay mali nagsasayaw na umupo sa kanyang upuan.
"Bestfriend, bili tayo ng ice cream mamaya? - tanong ni Blaire sa akin paglabas namin sa room
"Oo, basta libre mo din ako, please??- pagmamakaawa ko sa kanya. Puppy eyes with pout lips..Sana gumana......
"Ok!. Malakas ka kasi sa akin Best!.- sabi niya sabay kirot sa cheeks ko..Nag Fiefiesta na ang aking puso..Parang heart attack lang..
"OK! :-). - sabi ko na lang. Mahirap talaga kung kinikilig ka nuh.. Parang naiihi na parang Ewan..Sa paglalakad namin ni Blaire, huminto na kami sa "ice cream dito". Kaya kain na!!.. Vanilla sa akin sa kanya chocolate. At itong babaeng to, kung kumain parang baboy. May dumi sa labi niya kaya.
"Hinay-hinay lang kasi bestfriend. - sabi ko sa kanya sabay alis sa dumi sa tabi ng labi niya..Wow!!! Kissable Lips!! ^_^
"Ahh., Thank you!!! - sabi niya. Nagkwentuhan lang kami pauwi. Ang saya nga ehh. Kahit ang sakit na ng paa ko.
"Sa Treehouse ka matutulog Best? - tanong ko kay Blaire dahil dun ako matutulog ehh. Actually, sa aming dalawa ang Treehouse na tinutukoy ko. Sa likuran ng bahay nila at unahan sa amin.
"Sige dun na lang ako para may kasama ka. - sabi niya sabay doorbell sa bahay nila. Lumabas naman ang guard at pinagbuksan kami ng gate. Ang yaman nila no?? Kami naman din siguro. Pero sakto lang. Kaya dumiretso na kami sa Treehouse. Hindi naman magagalit si Mommy eh. Si Mom pa nga nag sabi sa akin na dun matulog. Yehey! Saturday na bukas walang pasok. Makakapagpahinga talaga ako..
(Kamusta po ang first chapter ko.. Ok lang po ba?..Ano kaya ang mangyayari sa Treehouse??...Abangan sa Next Chapter)