Note : Sorry po kung may mga mali, Phone lang po kasi gamit ko. :)
Thanks ×)
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
<Prolouge>
Naranasan mo na bang mainlove?
Yung tipong pag makikita mo siya, bumibilis yung tibok ng puso mo na tila ba'y may mga kabayong nagkakarera o di kaya ay feel mo may mga kung anung paru-paro sa tiyan mo.
Yung tipong di mo maintindihan yung nararamdaman mo, na may halong kaba, tuwa, takot, hiya, or whatsoever pag nakikita mo siya or pag dumating yung time na nakatabi mo siya or naka usap. :">
Yung tipong aantayin mo siyang mag online, tapos iistalkin mo yung account niya sa Facebook, Twitter, o ma pa Instagram pa man yan.
Yung tipong di mo maiwasang di tumitig sakanya, na tila ba'y walang tao sa paligid mo at tila nag s-slow motion ang bawat galaw niya. Na hindi mo na pala alam na OMG, nakakahiya kasi tulala kang nakatingin sakanya at nakatitig na rin pala siya sayo at naka ngiti... at ang mga ngiting iyon ay SUPER NAKAKA TURN-ON at baon mo hanggang sa pagtulog.
Yung tipong aantayin mong mag 11:11, para lang makapag wish. Kung minsan pa nga mag aantay ka pa na may dumaang falling star para magwish din, o di kaya'y magwish sa mga dandelion, o di kaya'y gumising nang maaga sa Disyembre upang makumpleto lamang ang hiling mo.
That Wish... "Mapansin na Sana niya ako."
Lahat naman siguro tayo ay dumaan sa ganyang mga stage. ×) At ang mga experiences mong ito ay di mo malilimutan kumbaga parang it-treasure mo ito ng pang habang buhay.
Pero paano kung dumating sa point na oo, minahal mo siya pero... Di mo rin naman mamamalayang, PAGOD ka narin pala.
Hindi naman kasi lahat ng tao ay kayang maghinay ng matagal. At hindi mo alam, may iba talagang nakatakda sayo...
Tingin niyo ba, Mananatili ba akong aasa na mapansin niya o sumuko ako at bigyang pansin ang taong mas kaya akong pahalagahan at mahalin?
This is my Story.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
03.10.14