7.Bad boys

6.3K 121 0
                                    



Luna's POV

Hay ang sakit ng ulo ko, nawindang ako sa nakita ko kahapon! Namamalikmata ka lang talaga Luna. Tutal sabado naman magpapahinga muna ako sa loob ng room ko.

Nagmuni muni muna ako habang nakahiga sa aking kama, tahimik dito kaya wala akong masyadong gagawin. Ang sarap sa feeling ng walang ginagawa!

"Luna gumising ka na diyan, hinihintay ka na ng mga kaklase mo!" Bigla akong napabangon sa pagkakahiga ko, ano? Ako? Hinihintay ng mga kaklase ko, patawa.

Wait?! Tsk, si mama talaga ang daming alam! Bubulabugin pa ang weekend ko ehh?

"Best friend na miss na kita." Bigla akong napatalon kasi nga nandito yang mokong na yan, hindi ko na malayan na nasa loob na pala siya ng room ko.

"Hoy papaano ka naka pasok ng room ko?" Napatingin lang siya sa akin na para bang naguguluhan siya. Seryoso? -_-

Itinuro niya ang aking pintuan na naka bukas lang. " Pumasok ako sa pamamagitan niyan, malamang!" Tsk, namimilosopo pa ehh! Napakunot lang ako ng noo at ngumiti naman ng mapang asar si Mark

"Mark? Bat ka nandito?" Biglang kumunot yung noo niya, tss bipolar ka rin ehh.

"Pupunta tayo sa EK bilis maligo ka na, baho mo na rin ehh." Sabay takip ng ilong, bastusan?

"Hoy! Ano yan? Yuck kalaswaan." Nabigla ako pati si Kurt nandito rin?!

"Joke lang Kurt ito naman masyadong territorial." Anong pinagsasabi netong lalake na toh?

"Labas na Mark!" Lumabas naman agad si Mark, napatitig ako kay Kurt na unti unting lumalapit sa aking gawi. "H-hoy ano yan?" Ngumisi lang siya.

Step..

Step..

Step..

"Luna, what if I kiss you right now?" Nakangising ani ni Kurt, agad naman akong namula sa sinabi niya.

"Hoy anong kabaliwan ang pinagsasabi mo?" Napa atras ako kasi nga sobrang lapit niya na sa akin, naramdaman ko naman agad ang pader na nasa likuran ko na pala.

He cornered me, kaya napapikit na lang ako.

"Hehehe.." Napamulat ako sa tunog na narinig ko at nakita ko si Kurt na nagpipigil ng tawa niya. " Tama nga si Mark, ang baho mo na nga! Ahahaha!" Biglang kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya, itinulak ko siya paalis ng aking room.

Maliligo na ako kasi tama naman talaga sila ehh! Mbaho na nga ako! Ehehehe. Binilisan ko ng ligo at nagbihis agad.

Pagkababa ko ng hagdan ehh halos lahat ng classmate ko ay nasa loob ng bahay namin. Anong meon?

"Tara na bestfriend!" Hinila ako ni Mark papunta sa kanya at palabas ng bahay namin sumunod naman ang mga kaklase ko kaya nagkabungguan kami lahat, ay ang gulo!

Meron pa talagang mini buss.

Lahat na sila nakasakay except sa akin, pagpasok ko ng mini buss puno na! -_-

"Nerd dito!" Napatingin ako sa direksyon kung saan ko narinig yung sigaw, si Kurt?

Lumapit lang ako.

"Upo!" A-ano sa lap niya ako uupo?

Napatitig lang ako sa kanya ng blangko ang mukha.

Last first kiss [COMPLETE] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon