Flame's POV
It's been a hella week for me. I am so exhausted because of the Sports Week plus the Exams. I can't focus on the Basketball team because I also need to study.
I am Flame Gavin Park. The leader of the Dragon Aces. A Dance group. Captain din ako ng Basketball team sa JA.
Elementary pa lang ako ng mabuo namin ang Dragon Aces. We're all Bestfriends since then. Walang nadagdag o umalis sa grupo namin.
Sila yung nakakasama ko kapag may problema ako sa pamilya ko. Dito sa JA, may sarili kaming room ng Dragon Aces. Dahil nga si Aries ang anak ng may-ari ng school, madali kaming nagkaroon ng sariling tambayan. Sa tambayan kami laging nagpa-practice kapag may competition kami na sasalihan.
Kasali rin sila Kuya Skye atsaka si Scarlett sa group namin. Pero hindi close si Scarlett sa amin. Parang sumali lang siya kasi sobrang hilig niya ang pagsasayaw.
Though, sumasali siya sa amin sa competitions. Siya lang ang babae sa Dragon Aces. Siya ang tinuturing namin na Princess. Pero sobrang mailap siya sa amin kaya nahihirapan kaming makipag-kaibigan sa kanya. Minsan lang siya pumunta ng practice kasi gusto niya kapag pupunta siya nandun din si Kuya Skye.
Nung una, nahirapan akong balansehin ang oras ko para sa team, sa pagsasayaw, sa pag-aaral at sa mga kaibigan ko. Pero ngayon sanay na ako at parang normal na sa akin ang ganito.
~~
Nasa tambayan kami ngayon ng Dragon Aces at nagpa-practice ng bagong choreography kasi may sasalihan kaming bagong contest. Nandito rin sina Kuya Skye.
Wala na kaming klase kaya pwede kaming practice ng matagal.
"Princess, baka may gagawin ka pa? Okay lang kahit hindi ka mag-practice ngayon." Sabi ni Clyde kay Princess. Ganyan talaga tawag nila sa kanya.
"Clyde, please wag niyo akong tawagin princess. Scarlett na lang. Tsaka magpa-practice ako ngayon." Sabay alis niya. Lumapit siya dun sa bag niya at kinuha ang towel niya.
"Princ---" Magsasalita pa sana si Quest. "Pwede ba?? Ayoko nga na tawagin niyo akong Princess eh." Nagalit na talaga siya.
Bakit ganun? Ang cold niya sa amin, pero kapag kasama niya ang Team Certified lagi siyang naka-smile?
Natapos ang practice namin ng tahimik. Dahil na rin sa aura ni Princess kaya ganun.
Nag-aayos na ako ng gamit ko ngayon. Sina Kuya Skye umalis na.
"Bakit kaya ganun yung treatment sa atin ni Princess? Eh kapag kasama naman niya yung mga kaibigan niya lagi siyang masaya." Napansin din pala ni Kyle yun. Pinsan niya si Princess pero ganun din yung pakikitungo niya dito. "May galit ba siya sa atin?"
Kinuha ko na ang gamit ko at umalis.
~~
I am known as the cold guy here in JA. Hindi naman talaga ako ganito eh. Maybe because of her.
Ang babaeng sobrang mahal ko. Sinubukan ko na kalimutan siya, pero hindi ko talaga magawa eh.
Madami akong naging girlfriends, para lang makalimutan siya.Sa umaga ginagawa kong sobrang busy ang sarili ko, pero kapag matutulog na ako siya pa rin ang nasa isip ko.
Lahat ginagawa ko para mapansin siya.
Nasa tapat ako ng room nila ngayon para sunduin siya.
Napatayo ako ng makita siyang palabas ng pinto.
"Nicole" Napatingin siya sakin wearing cold eyes.
"Pwede ba, Flame? Tigilan mo na ako. Wala kang mapapala sa kasusunod mo sa akin. Gusto ka ng kaibigan ko at may mahal akong iba. Layuan mo na ako. Nakikita ko na nahihirapan ang kaibigan ko dahil sayo. Iniiyakan ka niya kasi alam niya na may mahal kang iba, pero hindi niya alam na ako yun. Ayokong sabihin sa kanya kasi baka iwasan na niya ako." Tapos tumakbo na siya.
Tama, alam ko na may gusto sa akin ni Princess. Pero anong magagawa ko? Kaibigan niya ang nagustuhan ko.
~~

YOU ARE READING
The One Who Stole My Heart
Short StoryDo you ever wish to be that person's special someone? Or to be just his friend? Yung tipong kahit kaibigan lang talaga. Yung kaibigan na nag- uusap, nagtatawanan. Just what normal friends do. Kahit wala nang something sa inyong dalawa. Basta may l...