Truth Hurts

0 0 0
                                    


Noon pa man wala na akong interes sa mga bagay bagay mas lalo na nung nagkaboyfriend ako, oo tama ang pagkakabasa nyo na nagkaboyfriend ako pero nung nag break kami nawala lahat ng pagtitiwala ko sa mga lalaki, simula nung break na yun di ko na alam ang gagawin ko..

Simula na din niyan ang pagbabago ko, halos lahat ng tao nagtataka kung bakit ako nagbago, kahit nga mismo ang mga kaibigan ko..

Umabot ang isang taon pero ganun parin ako yung tipong lahat ng mga lalaki pinagsisiraan ko..

Dumating ang araw na may kinuwento sa akin ng mga kaibigan ko ang tungkol sa isang lalaki, nung unang pagkakarinig ko ng pangalan nya nagkainteres akong basahin ang tungkol sa kanya hanggang sa nagtagal nagbago ako ,walang oras na hindi ako nakangiti, tumatawa laging nakikisali makipagchismisan tungkol sa lalaking kinikilala ko, simula niyan lahat ng mga kaibigan ko ay nagtaka at nagulat sa mga nangyayari sa akin kahit nga mismong ako nagtaka na din sa sarili ko kasi noon simula ng break up namin ng EX ko naging masungit na ako ,kapag may nababanggit na kahit na sinong lalaki sa akin umiinit na ang dugo ko, minsan nga kapag may mga lalaking kumakausap sa akin halos lahat sila napapanga kasi lagi ko silang sinisigawan pero ngayon ibang iba na sa dating ganyan na tao..

Kapag dating ko galing school binubuksan ko agad ang cellphone ko at nagsimula na ulit akong magbasa, alam nyo lahat halos ng gusto ko na ugali sa isang lalaki ay nasa kanya na, nagulat nga ako eh kasi halos perfect na sya, nakakatuwa pala kapag nalalaman mo na pwede rin palang maging perfect ang tao pero minsan naiisip ko na di yun totoo pero di ko alam na kapag naiisip ko pangalan niya lagi ng pumapasok sa isip ko na meron taong perpekto pero mahirap lang hanapin, kapag nababasa ko yung mga ginagawa niya napapangiti ako, minsan naman kapag nagjojoke siya di ko mapigilang matawa kaya minsan napapagalitan ako ng mommy ko ,minsan naman kapag nababasa ko ang sad part niya naiiyak nalang ako bigla..

Isang araw pumunta ako sa isang park at kumuha ako ng paper and ballpen sa bag ko at nagsimula ng magsulat.

Dear My Dearest love,

Aaminin ko nung una ko palang narinig ang pangalan mo bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko, sobrang saya ko nun, ewan ko ba kung bakit ganun agad ang naramdaman ko? Kahit ang pagikot ng mundo ko ay biglang tumigil at paulit ulit kang pumapasok sa isip ko, nung oras na yun na curious ako bigla noon kaya inistalk ko yung story mo, nung una kong basa ng story mo napangiti mo agad ako kasi naman kahit na masungit ka naramdaman ko agad yung kabaitan mo, haha nakakatawa nga eh kasi sa dinami dami ng tao dun na pwede kong makitaan ng kabaitan ikaw agad yung tao dun na napansin ko, kapag binabasa ko araw araw story mo feeling ko araw araw din akong na iinlove sayo, bawat tawa mo ,ngiti at galit napapasabay ako, for me you're almost perfect, Nung nabasa ko yung part na may isa babae na nagpainlove sa iyo nagalit ako kay cupid nun kasi bakit siya pa? di ba pwedeng ako nalang? Naiinis ako na nagagalit na nagseselos kasi buti pa siya naramdaman niya yung pagmamahal mo na kahit kailan di ko mararamdaman yun galing sayo kasi imposible talaga mangyari kaya wala akong magawa kundi maramdaman yung mga emosyon na dapat di ko maramdaman, Nung nabasa ko yung part na masaya ka kapag kasama mo siya naiinis ulit ako sa sarili ko at kay cupid, sa sarili ko dahil di ako yung taong nagpapasaya sayo at si cupid kasi bakit ganun? Bakit ang unfair nya? Bakit iba yung pinili nya na mamahalin mo? Pero ano nga ba ang magagawa ko wala ako sa mundo mo eh.

Nung nabasa ko naman yung part na nasaktan ka, alam mo? Nasaktan din ako, iba't ibang emosyon ang naramdaman ko, una nagalit kasi wala ako para icomfort ka pangalawa nasaktan kasi sa dinami dami ng tao diyan ikaw pa tong nasasaktan pangatlo naiinis kasi yung babaeng minahal mo di ka magawang tulungan naiinis ako sa kanya, sana nga talaga andyan ako para ako nalang minahal mo edi sana hindi ka nasasaktan at hihigitan ko pa ang mga ginawa niya na pagpapasaya sayo, sana minahal mo rin ako, sana kahit minsan makasama manlang kita, naiinis ako sa sarili ko kasi nabuhay ako dito sa mundo ko kung san wala yung taong pinapangarap ko, kapag umiiyak ka? Pati ako umiiyak kasi yun lang ang nagagawa ko yun yung sabayan ka sa pagiyak, Minsan nga humiling ako na sana andyan ako para mabigyan manlang kita ng mga pangcomfort word.. Sana minahal mo rin ako katulad ng pagmamahal mo sa kanya yung kaya mong isakripisyo ang buhay mo para lang sa kanya kaso anlabo kasi mangyari ang sinasabi ko eh kasi ikaw sa story ka lang nageexist dyan kalang nabubuhay ,eh ako? Sa reality kung san wala ka,  ang buhay na kahit kailan di ka dito mageexist kasi you're just a fictional character sana katulad mo rin ako na sa isa lang ding fictional character para naman kahit minsan makasama kita..

From Your Reader

Sana bigyan ako ng pagkakataon na maibigay ang sulat ko para sayo, para malaman mo kung gaano kita hinahangaan. Unti unti nang bumabagsak ang luha ko, ang hirap tanggapin na ang taong mahal mo ay imposible mong makita at makasama dahil isa lang siyang fictional character..

"Huy bestfriend wag ka nga iiyak iyak tanggapin mo nalang ang totoo " nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko kaya napatingin agad ako sa nagsalita nga may tingin na 'kanina ka pa ba dyan? ' look.

"Oo nabasa ko lahat" umupo siya sa tabi ko, ako naman bumalik ng tingin sa natebook ko.

"Bestfriend TRUTH HURTS talaga " at saka umiyak na ako ng umiyak ,inakbayan nya ako at hinayaan lang na umiiyak.


---END---

Truth Hurts(Reality)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon