Thirty-three

2 0 0
                                    

Rose Martin's P. O. V.

Tama ba ang ginawa ko? Hindi ko na alam sa sarili ko ang mga pinag gagawa ko. Pero siguro tama na rin yun para matauhan siya. Sana nga Tama ang aking desisyon.

Mahirap na bitawan ang pinakamatalik mong kaibigan.. Pero wala akong magagawa eh, hindi pwedeng umabot ito sa mas malala.

Halos isang taon narin simula nung na-ospital siya. Kamusta na kaya siya? Sana okay na siya.

Gusto ko siyang tawagan pero di ko kaya.

Alam kong nagiging mataas ang pride ko sa ganitong sitwasyon. Pero kasi naman eh... May mali rin siya, dapat siya ang lumapit. Pero may mali rin naman ako, sinaktan ko siya kaya siya nagkaganyan. Kaso di ko naman ginustong masaktan siya.

"Rose.... Rose.... Rose...." Pagtawag sa akin mula sa pinto ng kwarto ko.

Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag sa akin..

"Oh, Paul... Ang aga mo naman ata..." Sabi ko sa kaniya na medyo nagtataka.

"Kakain tayo sa labas." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Huh? Bakit naman sa labas pa? Pwede naman dito." Naguguluhang sabi ko sa kaniya.

"Basta... tsaka may pupuntahan tayo.." pag tapos niyang sabihin yun lumabas na siya sa kwarto ko.

"Sige sige. Magbibihis na ako..." Ganito ang naging buhay namin simula nung maging kami, mahilig siya mag aya kumain sa labas. Buti nga lagi siyang may time para sa akin.

Si Paasa at si Umaasa (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon