"Tara na Rufio!" sabi ni Topi.
"Oo cge, panu tong Elch??"pag aalalang sabi ni Rufio.
"Cge isama mo na yan, ikaw ang may responsibilidad jan ah! siguruhin mo lang di sya magiging hadlang sa laban natin" masungit na sambit ni Topi.
"Oo na, sa ganda nya di ko sya pede iwan sa kagubatan baka may dumaan ulit na mapapanget na orcs"
Nang makarating sila sa entrance ng Vanguards...
...Bumungad sa kanila ang mga taong nag tatakbuhan.
"Mga Halimaw!!! Pinatay nila ang mag-iina ko"
"Umalis kayo jan! aalis na ako dito, ayoko pang mamatay!!"
"Nanay?? Tatay??(hagulgol ng batang babae na may hawak pang manika)"
Mga sigawan at mga katagang ito ang bumungad sa kanila,habang ang mga ibang taong ay nag papanic sa kasalakuyang nang yayari.
May mga dumadating din na ibang jobs at tila wala pa silang Rank, gusto rin nila magpakitang gilas at ang iba ay nagtataka kung ito na ba ang Raid Mission.
"BASH!!!"
"TERROR!!"
"STUN!!!"
Sabay sabay na tira ng mga orcs, ni raid ng mga orc ang mga dumating na humans.
"Aggggrhhh"
"Waaaaa---"
"Di ko ma kontrol ang katawan ko!!"
"Ughh!! Bakit A-K----O..."
At yung iba na nakaligtas ay lumaban at inatake nila ang mga nang raid na orcs, halos maubos na ang mga ito...
...At yung dalawa ay tila ginagahan pa sa kanilang mga nakikita.
Ng biglang may sumabog sa isang pulutong ng orcs...
"Woah!!!" napakalakas na atake yun ah! sinong?!" pagkamangha ni Rufio.
"Anlupet!" dagdag pa nito.
"Tss..Boring..." pagkainip na sabi ni Topi..
Sa lakas ng pag atake gumawa ito na maapoy at malakas na usok, halos mawasak na rin ang lupa dahil dito.
... At Nang mawala ang usok ay lumabas ang lalaking naka-kapa.
May mga lumusob sa kanya na isang pulutong na orcs.
"HINDI SYA MANANALO KUNG SABAY SABAY TAYO LULUSOB!"
"TAMA!! TARA NA IPULUTAN NATIN ANG YAN MAMAYA!!"
"LUSOB!!!"
Gumawa ng tila pabilog na formation ang mga orcs at pinalibutan nila ang lalake.
"......"
"VERMILLION!!" sigaw ng babae
Sabay apoy na hugis bilog na pentagram ang lumabas kung titingnan mo ito sa paitaas ay mamangha ka dahil pantay na pantay ang pagkakahugis nito....
....Sunog, Abo, na lang ang lahat na nakabilog sa lalaki.
"Wooaaah!!!" sigaw ni Rufio..
Di makapaniwala si Topi at Rufio sa kanilang nakita..
".... Valencia" bigkas ng lalake, na tila may barrier na transparent na lumabas pagkatapos mawala ng apoy..
"hihi, alam kong hindi ka basta basta mapupuruhan sa mga ganung mahika tama ba Badort? ang Rank 2 ng Vanguards.."sabi ng babae na natatawa at nag mamayabang.
BINABASA MO ANG
Ark
AdventureSa mundong tinatawag nilang Obleish kinakatawan ito ng mga races ng Humans, Elves, Dwarfs, Orcs at Undead. Isa lang ang pakay nila, ang makuha ang Ark...