First, I don't know how to start this. Isa lang ang alam ko, I miss Terrence. Terrence was one of my favorite wattpad fictional character. Para siyang magnet, pag nakilala mo siya, maho-hook up ka sakanya. I was having fun reading "A Place In Time". Kapag binabasa ko yun, ang nasa isip ko, "Daig pa ni Terrence ang babaeng tinotopak kung makapagchange ng mood". Name palang, Terrence, nakakaadik na. Kapag narinig ko ang pangalang Terrence, Terrence Kelvin Quintero kaagad ako naiisip ko. I don't know kung anong meron kay Terrence at nahook-up ako sakanya.
I was a bit disappointed--no, sad lang naman. I was sad nung nabasa ko ang ending. When I read the book, alam ko nang mamamatay si Terrence dahil sa seatmate ko. Kinuha niya kasi yung libro at binasa yung epilogue, at nung nakabalik na 'ko sa upuan ko, sinabi niya sa'kin na "It's been a month since Terrence died". At first, hindi ako naniwala. Sabi ko "Weh? Pinagtritripan mo 'ko e! Amin na nga yang libro!" tapos kinuha ko sakanya. When I reached the ending, I cried. Naiyak ako dahil namatay si Terrence. I have always wanted a happy ending, kung sad ending naman ay okay lang as long as matatanggap mo na namatay ang cast. But in Terrence case, It was hard for me to move on. Parang ako yung namatayan dahil sa sakit ng kalooban ko. When I was at the "church" part kung saan magkatabi si Terrence at Shaylie at malapit nang mamatay si Terrence, My heart was heavy. Ang bigat ng pakiramdam ko at parang hindi ko kayang tapusin ang storya. Pero dahil gusto kong malaman and ending, binasa ko and I ended up crying.
Hindi ako nakamove on matapos kong mabasa ang epilogue. Hindi ako nakaparticipate nun sa klase dahil lutang ako kakaisip kay Terrence. Tinatanong nga ako ng ibang kaklase ko kung okay lang daw ba 'ko dahil lutang na lutang daw ako. Hindi, hindi ako okay sa panahong iyon. Masakit na masakit sa puso yung pagkamatay ni Terrence. Siguro dahil KathNiel yung nagpoportray nun at naiimagine ko sila. But no, Hindi lang dahil KathNiel siya kaya nalungkot ako sa ending. Nalungkot din ako dahil sa takbo ng story. I wasn't expecting that kind of ending. Akala ko kasi magugustuhan ni t-cup si Shay at magiging happy ending, but it was the opposite and its sad.
Labag sa kalooban kong gawin pero binasa ko ang book two dahil sa curiosity. I thought buhay pa si Terrence at magiging sila ni Shaylie sa book two kaya binasa ko iyon. Pero again, It was the opposite. Patay na talaga si Terrence at si Jiroh ang nakatuluyan ni Shaylie.
I cried again. Team Terrence-Shaylie ako e. Hindi ko feel si Jiroh. Ewan ko kung bakit pero hindi ko siya feel. Super Mabigat ang pakiramdam ko after reading book 2. Mas lalo kong namiss si Terrence. Mas lalo kong gustong basahin ulit yung story pero ayoko rin dahil masasaktan ako sa huli.
Ate Jessica, kahit hindi man Shay-Terrence ang endgame, I'm still happy that I found and read your story. Hanggang ngayon mabigat parin ang pakiramdam ko, can't move on kay Terrence e. I know, that's the plot of the story and I'm not questioning you kung bakit ganun ending ng APIT but I wanted to ask WHATS WITH TERRENCE at nahook-up ako sakanya?!
Ate Jess, more blessings to come. Thanks for sharing the wonderful story of Shaylie And Terrence. I loved you for making APIT :"> Book two and book one, for me, patas lang. They're both great, both wonderful. Kung may difference man, it's between Jiroh and Terrence :P
Please say HI to Terrence and Shaylie for me ^_^
T.y!
I miss you Terrence,
ivulniuqihc