Till When?

1.5K 29 1
                                    



"Please wait right here," ani Kyle sa delivery boy na may dalang dalawang bouquet ng flowers. Pumasok siya ng kuwarto at pagbukas ng kanyang bedside drawer may nakita siya. Ang wallet na ginamit niya noong nasa Pilipinas pa siya, ang wallet na pinaglagyan niya ng sahod sa pagiging delivery boy sa shop ng misis niya.

Sari-saring emosyon ang kumawala sa puso niya. Sa bandang huli tumambad ang magandang mukha ng kabiyak.

Ang maliit nitong mukha ay nakangiti. Her eyes were sparkling in merriment. Ang mga labi ni Swan, glossy dahil sa peach lipstick na suot. At ang malambot nitong buhok, parang pangkasal na veil na yumayakap sa mga pisngi nitong mapupula.

The image was so vivid, so clear, that he wanted to pull her close to his side and give her an eternal kiss. It was the sad result of having a deep longingness.

Bigla na lang niyang narinig na nagsalita ito.

"Kyle? Kyle?"

Ang akala niya nananaginip lang siya. Totoo pala. Pero hindi si Swan ang nagsasalita kundi ang Tiya Lenny niya. 'Di na niya namalayan na naiwan niyang bukas ang kanyang pinto. Kanina pa naghihintay ang delivery boy.

"These are Azaleas Kyle," wika nito matapos niyang maibigay ang mga bulaklak na in-order para sa kaarawan ng ginang. Hindi na siya nagpunta sa flower shop, maaalala lang niya kasi ang asawa. Ang problema, wala sa sarili niyang binili ang paboritong bulaklak ng asawa para sa kanyang tiyahin.

Tatlong buwan na ang nakalipas, pero nakaukit pa rin sa utak niya ang romantic scene nito at ni Steve sa airport. How could he ever forget that wide smile from Swan's lips habang niyayakap ni Steve ang asawa ng sobrang higpit.

"Sigurado ka bang para sa akin ito at hindi kay Swan?" Her eyes were endearing.

Naupo siya bigla sa may gilid ng kama na para bang nawalan ng lakas.

"Tita, para na yata akong mababaliw. Hanggang sa ikaapat na buwan ba mananatili pa rin ang lalim ng sugat sa damdamin ko?" nahihirapan niyang wika. He had both of his palms at the sides of his head. "Kahit anong pilit kong gawin na kalimutan siya, walang nangyayari."

Marami na siyang mga acquaintances ngayon, mga pinagkakaabalahan, pero hayun, her memory just keeps coming back.

"Kyle," anito sabay pisil ng isa niyang kamay. Matagal siya nitong tiningnan bago muling nagsalita. "Alam kong alam ng puso mo kung ba't nahihirapan kang kalimutan ang iyong asawa."

Hindi siya kumibo.

"...Dahil alam mo kahit balibaligtarin man ang mundo, siya pa rin ang mahal mo."

Umalingaw ang mga salitang iyon sa kanyang puso. Iyon ang masakit na katotohanan para sa kanya. No matter what happens, he will always love his wife...for better or for worse. Kahit na si Steve ang huli nitong nakasama, oo baliw na kung baliw pero nangangarap pa rin siya, nananalangin na isang umaga babalik si Swan sa buhay niya at mananatiling isang bangungot ang lahat ng pangit na nangyari sa pagitan nila. It may be insanity but yes, if she would want to come back into his life at any moment now, he would still receive her passionately.

"T-tita, why does l-love hurt so much?" hirap na hirap niyang wika. Sa sobrang bigat ng damdamin ay napayakap siya sa ginang at doon binuhos ang buong bigat ng kanyang katawan at nararamdaman. The foot of his bed had visible tears.

"'Yang nararamdaman mong pag-ibig kay Swan ay tulad ng pag-ibig na ibinigay sa atin ng Diyos, ni Jesu-Kristo. Na kahit ano pa mang kasalanan ng tao ang humarang sa paglapit niya sa Panginoon, sa isang iglap ay mawawala sa pamamagitan ng pagsisisi at pagnanais na makapanumbalik sa yakap ng Panginoon."

"P-pero Tita, I-I don't think Swan regrets what she has done... P-paano maire-restore ang marriage namin kung mas mahal niya si...s-si Steve kaysa sa akin?" Mugto ang mga mata niya sa mga oras na iyon.

Hindi na sumagot ang ginang. Hinaplos lang nito ang malago niyang buhok saka tumingala sa kisame at napapikit. Alam niyang nananalangin na ito ngayon.

He was hoping that it would reach God's ears.

Magmula noong malaman nito na may cancer ang sarili, naging bukas ito sa pagkakaroon ng mga Bible Studies doon pa lamang sa loob ng ospital. At magmula noon, na-realize nito lahat ng nagawang kasalanan sa buhay. Pati na ang kasalanan nito sa kanyang asawa, ang madalas nitong pag-provoke na maghiwalay silang dalawa, ang pagtsismis nito na may third party ang asawa niya at marami pang iba.

This time, bumabawi ang kanyang tiyahin sa pananalangin, upang maisalba ang anumang kaya pang isalba sa marriage life nila. Pero nahihirapan talaga siyang umasa pa, na manampalataya na puwede pang magkabalikan muli sila ni Swan, lalo na kung si Steve na ang pinili nito.

His phone suddenly rang. Pinahid niya ng ilang beses ang mga mata dahil sa pagkagulat sa pangalang nakita.

"R-rose...?"


My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon