Chapy 50: Saviour

33 0 0
                                    

(((Sky's POV)))

Alas dyes na ng umaga ng magising kami, pano pagod kakatawa, kakaiyak at kakakwentuhan kagabi. Kaya nagdecide na lang kami na after lunch na umalis.

Si Sam ang driver namin, si Charms naman ang nasa tabi nya, sa likod nila ay si Ken at Aris, at nasa dulo kami ni Kei na ngayon ay tulog na.

Her eye glasses were on top of her head at mahimbing na natutulog habang nakacross arms at nakasandal sa bintana. She's wearing a white tees and a faded denim shorts that fits her perfectly. Napaayos sya ng upo kaya napatingin ulit ako sa mukha nya, hindi matangos ang ilong nya, pero mahaba ang itim at makapal nyang pilik mata, sobrang ganda nya pa rin kahit tulog.

"Sky?" tawag ni Sam sakin habang nakatingin sa rear view mirror,

"Hmm?" gulat ko namang tugon.

"Baka matunaw naman nyan si Kei " he teasingly said,

"Shut up Sam, eyes on the road" I said in an authoritarian tone na kinatawa nilang dalawa ni Charms na nasa harap. Mabuti na lang tulog sila Ken at Aris dahil kung hindi, nakisali na rin sila sa pang-aasar nitong dalawa.

"Tulog ka na lang Sky" sabi ni Sam na my halong pang-aasar pa rin.

"Oo nga, sandal ka na lang sa balikat ni Kei" sabi namn ni Charms at sabay na naman silang tumawa.

***

"Sky, wake up" rinig kong sabi ng katabi ko habang tinatapik ang braso ko. "Nandito na tayo" she added when I finally open my eyes and look at her, kaya tinanguan ko na lang sya.

"Guys, dito na kayo mag dinner, I'll cook" aya ni Ken na hindi naman na namin tinanggihang tatlo.

Sabay sabay kaming pumasok sa gate dala ang mga gamit namin ng biglang huminto si Ken sa tapat ng main door kaya napaatras ako at nauntog pa sa likod ni Sam.

"Aray Sam!" reklamo ko,

"Sorry bro, ito kasing si Ken, bigla biglang humihinto!" turo naman nito sa pinsan nya na nagtatakang nakatingin sa katabi kong si Kei.

"Bakit?" nagtatakang tanong naman ni Kei.

"Nakalimutan mo i-lock tong pinto" sermon nya agad na kinagulat nya, dahil sure syang nailock nya yun bago kami umalis.

"No, nilock ko yan bago kami umalis" protesta nya, pero bigla itong bumukas kahit hindi pa binubuksan ng susi.

"See?" sabi naman ni Ken,

"But I'm really sure na nilock ko yan" nagtataka pa ring sabi ni Kei,

"Alam nyo, tama na yan, check nyo kaya muna yung loob" suggestion naman ni Aris, kaya nagsipasok na kami.

Doon namin napansin na may mga tao pala sa loob.

"Tita, nandito po pala kayo, akala namin nakalimutan ni Kei i-lock yung door, eh!" sabi ni Charms na bumeso sa isang babae.

Actually, hawig sya ni Kei, mama nya?

"May mga bisita pala kayo" sabi naman nung lalaking katabi lang nung babaeng kahawig ni Kei.

"Opo, nag out of town po kami" magalang na sabi ni Ken na bumeso rin sa dalawa. "Mga friends po pala namin, si Aris, at Sky, si Sam naman po pinsan ko" pakilala pa ni Ken samin.

"Mom ni Kei yan, bumeso kayo" pabulong na sabi ni Charms na ginawa naman namin, at kinamayan yung lalaking katabi nya.

Nang matapos kaming bumeso, si Kei naman ang bumeso at lumapit sa mom nya.

"Hi Keira, it's nice to see you again" biglang sabi ng lalaking nasa harap ng mama nya na naging dahilan para mapaatras sya at matapakan ang paa ni Ken na nasa likod nya.

"Aw, Kei" mahinang saway ni Ken sa kaibigan.

Hindi ko alam, pero bigla akong napatingin kay Kei, namumutla sya, mukha syang takot, gulat na gulat at kabado. Hindi ko alam na makikita ko ang lahat ng ekspresyon na yan sa mukha at mata ng iisang tao.

Matagal nyang tinignan yung lalaking bumati sa kanya bago sya makapag-salita, "I-ikaw?" she said with her voice shaking.

Halata sa mata ni Kei ang magkahalong galit at takot habang nakatingin sya sa lalaki.

Sino ba sya?

Bakit parang ayaw ni Kei na nandito sya?

"Kei, naalala mo pa ba ang tito Jonas mo?" masayang tanong ng mama nya, "Kakauwi nya lang galing Italy, at may mga pasalubong sya for you, kaya sinama na namin sya dito, gusto ka na rin daw kasi nyang makita" Her mom continued, "And, anak, do you still remember when you were still a kid, sya ang laging sumusundo sayo sa school" She added.

I saw Kei's fist formed into ball. Kaya ininspeksyon ko yung lalaki. Maganda ang tindig nya, dalang dala nito ang long sleeves sky blue polo nya na nakatupi hanggang siko at ang black slacks nya. Kung titignan mukhang magka-edad sila ng mom ni Kei. Medyo maputi at may maganda rin itong ngiti. Pero ang nakapagtataka, kakaiba yung ngiti nya, maging ang mga tingin nya kay Kei.

Tumayo sya, "Hija, namiss mo ba ang tito Jonas?" he asked with an open arms na parang ready na syang yakapin si Kei, palapit ito sa kanya, pero malayo pa man ay umatras na si Kei. Then realization hits me,

"Hindi kaya...... sya yun?" lumapit ako kay Kei at pasimpleng hinagod ang likod nya, saka sya pasimpleng binulongan, "Come with me", nakita kong nawala yung takot sa mga mata nya dahil sa sinabi ko.

Tinignan ko yung lalaki na nasa harap namin at mukhang nagtataka sa mga kinikilos ko, humarang ako sa harap ni Kei at tinignan ang mama nya.

"Ahm, tita, excuse me po, hihiramin ko po muna si Kei, importante lang, pasensya na po" magalang kong sabi.

Bakas sa mukha ng mama nyang naguguluhan sya at gulat na rin sa bigla kong inasal, pero ngumiti pa rin sya at tumango.

"S-sige, go ahead" she said, kaya hinila ko na si Kei palabas ng bahay, kahit hindi ko alam kung saan ko sya dapat dalhin.

Hila ko lang sya habang sabay kaming tumatakbo. Napahinto na lang kami ng makaramdam ako ng hingal.

"Medyo malayo na rin yung tinakbo nat...." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita ko syang umiiyak.

Automatic na lang na hinila ko sya palapit sakin para mayakap.

"Tahan na, malayo ka na sa kanya" Sabi ko na lang and so she just hug me back.

Hinayaan ko syang umiyak sa damit ko nang dahil ulit sa lalaking yun for the second time, kahit na nandito kami sa gitna ng sidewalk at dinadaanan at pinagtitinginan ng mga taong dumadaan, wala na akong pakialam. Ang mahalaga lang sakin ngayon, mapagaan ko ang bigat na nararamdaman ng taong to, dahil habang nakikita ko syang ganito, pakiramdam ko mas doble yung sakit na nararamdaman ko.

I know, I know she might not feel the same way, but, there's nothing wrong in trying than giving up without doing anything.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon