01 | clingy

516 18 8
                                    


𐙚 ₊˚ ִ ۫ ˑ⊹

georgette

isa na namang boring at unproductive na araw, paanong hindi eh punong puno ako ng problema at wala akong ibang iniisip kundi matulog nang matulog-as if mawawala problema ko sa ganoong paraan.

"jo! tara ukay tayo" pagaaya sa'kin ng kapatid ko na si ali, alam rin niya na wala akong gana sa lahat kaya sinusubukan niya na i-boost ang mood ko

"mukha bang may pera ako ali?" sagot ko sa kanya tapos bumalik na ulit sa pag gamit ng phone ko, hinihintay ko kasi na mag chat yung long distance boyfriend ko na taga davao kasi sabi niya na birthday daw ng gf ng tropa niya at inaya sila na mag punta sa beach. sana lahat kayang pumunta sa beach

"sige na jo! libre kita promise!" sagot niya habang hinahaltak ako

"oo na sige na, sasama na ako" sino ba naman hindi sasama eh libre yun

nagsuot lang ako ng sweatpants at baby tee na binili ko rin galing sa ukay last week

"may bagong bukas na ukayan pala dito jo mga ilang metro lang lalakarin natin" wow may bagong bukas ulit, ukay season ba ulit? nag lalabasan na naman mga ukayan pero sana hindi mahal

lumabas na nga kami para mag thrift hopping sa mga ukayan dito

pagtapos ng ilang minutong pag iikot, ilang thrift shop na rin ang nabilihan namin ng mga damit

"hindi pa ako kuntento sa mga nabili ko jo" magastos ka kasi ali, habang naglalakad lakad kami may nakita akong stairway at sa itaas nun may thrift shop

"ali parang maganda atang ukayan yun" sabi ko sabay turo sa nakita ko

"oh my god! vintage type this is so my thing" sabi niya sabay takbo papunta dun

sa pag akyat palang namin ng stairway parang walang taong pumapasok sa ukayan na yun pero ang comfy na agad nung naamoy kong perfume, parang familiar yung pabango na iyon. pag bukas namin ng pinto bumungad samin ang magagandang damit at mga libro

"colleen hoover" basa ko sa isang libro dahil kilala ko yung author na 'yon nagbasa rin kasi ako ng books niya back in 2019

"welcome sa-" "ikaw" sabay naming sabi

"ang ganda ng damit jo!" sabi ni ali na nagiikot ikot. familiar siya sa'kin familiar yung lalaki sa'kin!

"nakita rin kita sa wakas, matagal na kitang hinihintay pero alam ko na magkikita tayo ulit" sabi niya at bigla akong niyakap-sino ba siya para yakapin ako?

"uy kuya chill hindi kita kilala pero familiar ka" sabi ko pero di siya umalis sa pagkakayakap sa'kin hanggang sa nagsalita na si ali

"jo di mo naman sinabi bet mo pala si kuya" sabay tawa tapos pinalo pa ako sa braso at dun lang siya umalis sa pagkakayakap sa'kin-ang bilis ng tibok ng puso ko

"matagal na kitang hinahanap, alam ko na di pa kayo umaalis sa lugar na 'to simula nung nagaral kayo sa hervé academy" pero di pa rin kita kilala or baka kilala kita pero di ko na matandaan

"sorry kuya pero di kita matandaan, oo familiar mukha mo pero di ko matandaan" sabi ko tapos lumayo ako nang konti sa kanya

"elementary kayo noon at highschool ako- oo alam ko weird kasi bata ka at matanda ako pero unang tingin ko palang sayo noon parang ang saya mo maging kasama" hahaha weird ka nga buti alam mo kasi elem kami at hs ka, age gap palang weird na talaga.

Thrift ShopWhere stories live. Discover now