Ilang sandali muna ang hinintay ni Mitch bago gumalaw at tiningnan kung gising pa ba si Charles sa tabi nya.
Nakapikit ang mga mats nito but di nya sure kung nakatulog na nga ito o hindi pa. Kung talagang inumaga nga ang mga ito sa party. She's sure na pagod at puyat ang lalaki.
Para ma sure nya nga kung nakatulog nga ito. Inilayo nya ng kunti ang kanyang katawan sa lalaki. Saka inilagay ang hintuturo na daliri sa tabi ng ilong nito. Naramdaman nyang malalim na ang paghinga nito kaya sigurado syang tulog na ang lalaki.
Maingat nyang kinuha ang kamay nitong nakayapos sa kanyang katawan at dahan dahang itinaas at inilapag iyon sa kama matapos syang umusod palayo sa katawan nito.
Hinila nya ang kumot at itinakip sa katawan ng lalaki . Baka mamaya biglang kumatok si Gabby at makita Ang nakahubad na lalaki nakatulog sa kama nya.
Inimis nyang mga damit nito at inilagay sa taas ng maliit na table sa tabi ng kama matapos tupiin iyon ng maayos. Saka nya sinunod sa pagdampot ang kanyang mga damit at nagtuloy sa bathroom. Mabilisan syang naligo at nag-ayos ng sarili pagkalabas nya ng shower room.Tama lamang na nakatapos syang magbihis ng kumatok si gabby. Mabilis syang nagtungo sa pintuan at agad itong pinagbuksan. Baka magising si Charles sa lakas ng katok nito kapag di nya ito agad mapagbuksan ng pinto.
"Mimi, lolo said you need come down now. All the foods are already prepared in the table. Waiting to be eaten."malambing nitong wika saka pumasok tuloy tuloy sa loob ng kanyang silid.
Akmang aakyat pa ito sa kama ng pigilin nya ito kaagad bago pa man makasampa sa kanyang kama at gisingin ang lalaki."Gabby, he's sleeping baby. Let him rest for a while. Come on. We go down now and have early lunch. "Ang mahinang sabi nya sa anak saka hinila ito sa isang kamay palabas ng silid at isinara ang pintuan ng makalabas na silang dalawa.
"Daddy Charles might hungry now, Mimi! "Ang protestang sabi nito habang pababa sila sa stairs patungo sa labas ng bahay.
"Honey, he won't. He's tired and need some rest, ok? "Aniya saka hiniwakan ito sa kamay at pinapasok sa loob ng cottage.
"Mabuti at bumaba na kayo. Lalamig na itong mga hinanda ko kapag di pa kayo bumaba. Nasan na ang bisita natin? "Ang wika ni mang dindo na nagpalinga linga sa paligid at makitang di nakasunod si Charles sa kanila ng pumasok sila ng anak.
"Nasa taas po, nakatulog ata eh. Mag-umaga na kasi silang umuwi galing sa party. "Ang tugon nya sa matanda na di masalubong ang mga tingin nitong nagtatanong. Alam nyang kahit di nito sabihin ang nasa loob ng isipan nito. Nahulaan nya na ang tumakbo sa utak isipan ng matanda. Pero tahimik lamang ito. Isinaloob na lamang nito ang anumang katanungang gumagumbala rito. Nirerespito nito ang personal nyang buhay. At nagpapasalamat sya roon ng lihim.
"Oh sya sige, kain na tayo. "Anito saka nilagyan ng ulam ang plato ni Gabby matapos nya iyong malagyan ng kanin. Saka nito inabot sa kanya ang ulam na hawak nito. Marami itong hinanda , inihaw na malalaking pusit, ginisang hipon na malalaki at iba pag seafoods na ito mismo ang nagluto. Masarap itong magluto kaya gustong gusto ni gabby magtagal doon.
"Nasaan nga pala si Leo ?"ang may pagtatakang tanong nya rito.
"Naku, pinapunta ko kina Aling Tinay. Kumuha ng buko ng niyog. Ni request ng bisita natin kanina. "Ang nakangiti nitong wika saka ito sumulyap sa kanya.
"Oh. "Ang tangi nyang nawika saka nag-umpisang kumain.
"Lolo, meron na po akong bagong daddy. "Ang pagbabalita ng anak sa matanda. Mayroon pang malawak na ngiti na nakapagkit sa mga labi nito. Bigla syang napabaling sa anak na may nakapaskil ring magandang ngiti sa labi na nakatingala at nakatitig na sa matandang nakatayo pa rin sa kanilang harapan.
Napaubo sya bigla sa sinabing iyon ni gabby. Nang mapangiti rin ng malapad ang matanda. K
Pagkatapos mabilis kumuha ng tubig si mang dindo at iniabot Iyon sa kanya para huwag tuluyang mabulunan.
"Oh, talaga iho? Nasaan na sya? "Ang pagsakay nito sa sinabi ng anak sumilay ang ngiti sa mga labi saka napasulyap sa kanya ng palihim.
"Nasa taas po, sa room ni Mimi! Si daddy Charles po! "Ang magiliw nitong wika sa matanda. Mariing napatitig sa kanya si Mang Dindo ,may pagtatanong sa mga mata ng mapatingin sya sa matanda.
BINABASA MO ANG
$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)
Romance#1-secretidentity #1-hiding #1-otherwoman #2-blackmail #2-babydaddy #2-fanfiction #4-blackmail #5-forced "What is this? "Ang napakunot noo nyang wika. Sinilip nya ang laman noon. Gusto nyang masiguro na tama ang kanyang nakita sa loob nyon saka ibi...