Mika'sMaaga kami gumising dahil maaga ang flight ni Den. Feeling ko nga kakatulog ko lang kasi hindi ako makatulog kagabi. Nagpaulit ulit sa utak ko yung sinabi ni Rad. "She's mine" parang pumalakpak ng paulit ulit yung tenga ko.
"Mapunit yang labi mo oyy." bungad sakin ni Den. Si Rad naman ay naliligo.
"Den" niyakap ko siya kasi kinikilig pa din ako.
"Hala siya. You owe me one Reyes." sabay pitik niya sa tenga ko.
"Gago bat ako kinikilig?" tanong ko sa kanya at umismid lang siya.
"Sino ba si Rad para sayo?" tanong niya, napalunok naman ako ng laway.
Si Rad? Siya lang naman yung taong pinakawalan ko kasi natakot ako dahil bata pa ako noon at wala pang maipagmamalaki.
"Ah eh..." napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Mika! Maligo ka na!" sigaw ni Rad dahil nasa may balcony kami ni Den.
Tumayo na ako at agad na din naligo. After namin makapag-ayos lahat ay hinatid namin si Den, at nang papasok na ito ng airport ay yumakap siya sa akin.
"Bye ex. Love you." tumingkayad pa siya dahil balak niyang halikan ako.
Napangiwi na lang ako nang maramdaman kong may kumurot sa tagiliran ko. Fvck ang sakit.
"Mamamatay ata talaga ako ng wala sa oras dio. Talim ng tingin eh." bulong ni Den.
"Lakas mo kasi mang asar" sagot ko at tinampal ang noo niya.
"Bye Rachel, bye Mika!" kumaway siya at pumasok na sa loob.
Ang awkward tuloy namin ni Rad nang makapasok kami sa cab. Hindi pa din siya nagdadaldal at hindi niya ako pinapansin. Hinawakan ko naman ang kamay niya nasa may lap niya kaya napatingin siya sa akin.
"Babe." panimula ko. Pangangatawanan ko na yung tawag ko sa kanya, namiss ko din naman siya eh.
"Bakit di mo ako pinapansin?" tanong ko sa kanya.
"Uhmm, yung sinabi mo kagabi na ano na 'she's ano' uhmm." utal utal kong sabi pero hindi ko na naituloy dahil may kung ano sa tiyan ko ang nagrambol nang ipag intertwine niya ang mga kamay namin.
Parang gusto ko lumabas ng cab at magtatatalon. Para akong uminom ng 10 kape sa lakas ng tibok ng puso ko. Nakatingin lang siya sa labas, wala pa ding sinasabi. Pero okay lang naman siguro mag assume ako diba? I mean yung sinabi niya kagabi tapos yung ngayon. Ah basta! Sa buong byahe namin ay magkahawak kamay lang kami. Kahit makababa kami ng cab ay hawak niya pa din ito. Gusto na tumakas ng puso ko sa sobrang saya.
Pagkapasok naman namin ng room ay bumitaw na siya. Hindi ko malaman kung paano siya kakausapin kaya niyakap ko siya mula sa likod.
"Babe, wag ka na magalit sakin please." pakiusap ko kahit di ko alam kung bakit siya nagseselos. Malapit na tuloy akong maniwala sa mga pinagsasasabi ni Den.
"Babe nagseselos ka ba?" sabay lagay ko ng mukha ko sa gilid ng mukha niya habang yakap yakap pa din siya.
"Hindi ko naman ex si Den eh, si Ara kalandian nun." paliwanag ko at humiwalay siya sa yakap ko at naupo na sa may kama. Haaay

BINABASA MO ANG
Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )
Fanfiction© 2017 - Mika Reyes - Rachel Anne Daquis Fanfic. MikChel [Completed]