Episode 37

301 19 12
                                    

Yuju's POV


Ilang araw na ang nakakalipas, ilang araw na kaming naka-kulong sa bahay dahil hindi kami makalabas.


Feeling ko most wanted na kami sa buong South Korea nang dahil dun sa issue.


Ilang araw na ding parang zombie si SinB. Hindi siya lumalabas sa kwarto nila ni Jungkook, dinadalan namin siya ng makakain dun pero halos hindi naman nagagalaw.


Kapag gabi naririnig namin siyang umiiyak. May isang gabi nga na pumasok kami sa kwarto na yun, naabutan namin si SinB na naka-higa sa kama habang suot yung isang white shirt ni Jungkook tapos kung nasaan ang dating pwesto ni Jungkook oppa, binaba niya dun yung framed photo nung kasal nila.


Naka-tingin lang siya sa ceiling na parang naka-shutdown siya.


"SinB, gusto mo bang sa kwarto namin matulog?" alok ko sakaniya.


Dalawa lang kami ni Eunha unnie sa kwarto eh. Magka-room naman sina Sowon unnie, Yerin unnie at Umji.


Hindi namin ginagalaw yung mga iniwan na kwarto ng BTS.


Mabagal na lumingon si SinB saamin at tinignan kami kahit na parang hindi niya kami nakikita.


Umiling siya ng isang beses at bumalik na ulit sa pag-tingin sa ceiling.


"Sigurado ka? Baka mas makabuti yun SinB, kasi hindi pamilyar sayo yung surroundings, hindi mo maalala si Jungkook atsaka---" hindi na naituloy ni Yerin unnie ang sinasabi niya nang makita naming nag-flinch si SinB sa pag-bigkas ng pangalan ng asawa niya.


"Okay na ako dito," mahinang sabi niya. Ang husky na ng boses niya at mukhang nanghihina na talaga.


Wala na kaming nagawa kaya umalis na lang kami sa kwarto na yun.


Napag-alaman namin na naka-block yung dalawa sa cellphone ng isa't isa kaya wala talaga silang communication.


Naghihintay lang kami na humupa ng konti yung issue para tumuloy na ang ikot ng mundo at para na rin makalabas na kami ng bahay at mapasaya si SinB ng paborito niyang mga pagkain.


Ngayong araw ay nasa living room kaming buong GFriend bukod kay SinB na nasa kwarto pa din.


Araw-araw na lang kaming ganito, nagmi-meeting ng pwede naming gawin kay SinB pero wala namang gumagana hanggang ngayon.


"Eh kung itakas kaya natin si SinB? Dalhin natin siya sa dorm ng BTS para makapag-usap sila?" suggest ko sakanila.


"Tulad nga ng sabi ni manager, hindi tayo magsu-survive kung susubukan nating mag-lakad sa streets ng Seoul or something, atsaka isa pa, hindi nga natin alam kung saan ang dorm ng BTS eh," kontra ni Sowon unnie.


"If there's a will, there's a way," naka-ngiting sabi ko.


"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon