CHAPTER 26

1.2K 82 132
                                    

CHAPTER 26

Totoo kaya yung sinabi ni Jin hyung? Na naaalala na ni Suga lahat? Kasi sa pagkakaalam ko, kaya nila ako nahuli noon na nagtatago sa likod ng van nila ay dahil bigla akong umatsing.

Kung totoo man yun, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero kung naaalala na pala nya yung lahat, bakit hindi sya lumapit sakin at sabihin yung totoo? Kaya ba hindi na nya sinabi dahil ayaw na nya na maging kami ulit? Na mas masaya na sya kay Gabrielle kaya ayaw na nyang sabihin sakin? Ni-let go na ba nya talaga ako ng tuluyan?

Nakahiga lang ako sa likod ng van habang nakatitig sa kawalan dahil sa sobrang rami ng iniisip ko nung bigla akong nakarinig ng atsing.

"Oh." Narinig kong sabi ni Suga, "Tissue. I was hoping that you won't sneeze again, Alys, it irritates me."

"I'm sorry, okay?" Then she sneezed again, "Ewan ko, sobrang rami mo kasing schedule. Feeling ko magkakasakit na ako."

"Kasalanan pa ng schedule ko?" Tanong ni Suga kaya biglang tumawa si Alys.

Si Alys pala yung tinutukoy nya... hindi pala ako.

Sige lang, Park Jimin, mag-assume ka pa.

"Should we buy some food? Nagugutom ka na ba?" Tanong ni Alys.

Ilang beses kong kinatok yung ulo ko dahil sa sobrang katangahan ko.

"Magda-drive thru po ba tayo?" Tanong nung driver ata.

"No." Sagot ni Suga, "Bumili ka Alys. Doblehin mo lahat ng pagkain na bibilhin mo."

"Kailangan mong mag-diet." Sabi ni Alys.

"Basta." Sabi ni Suga. Huminto yung van at narinig ko yung pagsara ng pintuan. Lumabas na ata si Alys para bumili ng pagkain.

"Park Jimin come out." Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Suga kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Paano mo nalaman?!"

"Obviously, I saw you. Pumasok ka dito sa loob ng van namin." Sabi ni Suga habang walang emosyon na nakatingin sakin, "Why?"

Umiwas ako ng tingin saka umupo ng maayos, "I was trying to avoid you but I ended up here."

"Guilty ka ba?" Tanong ni Suga. Napakunot yung noo ko sa tanong nya sakin.

"What?"

"You went to Spain and when you came back, may girlfriend ka na. Guilty ka ba kaya ka pumasok dito? Gusto mo bang mag-sorry sakin?"

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina? Gusto kitang iwasan." Sabi ko, "Hindi ako pumasok dito dahil gusto kong mag-sorry sa nagawa ko. Wala akong kasalanan sayo, Suga."

"Wala kang kasalanan? Hindi ba kasalanan na nagkagirlfriend ka habang kasal pa tayo?" Tanong ni Suga na nagpanganga sakin.

Unbelievable.

"You said you want a divorce. I got tired of you so I agreed. Hindi pa ba sign yun na hiwalay na tayo? Wag mo kong sinusumbatan kasi wala ka ng karapatan sakin." Sabi ko saka lumabas ng van.

Gabi na pala at halos walang sasakyan na dumadaan sa kalsada. Kinapa ko yung bulsa ko para tignan kung dala ko ba yung wallet ko para wala akong nakapa.

"Stupid!" Sigaw ko saka sinipa yung maliit na bato sa kalsada.

Tumingin ako sa likuran ko at hindi man lang ako sinundan ni Suga. Wala na ba syang pakialam sakin?

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon