Year 2012 (PAST) - Part IX
First Day of Classes (SY 2012-2013)Fourth year na silang lahat, huling taon na sa high school. Excited na pumasok si Maymay kasama ang kapatid nitong si Fenech na 2nd year na. Nagtransfer na siya sa school nila Maymay, pati narin ang boyfriend niyang si Aizan.
"Oh ate, okay ka na ba? Kaya na ba?"
"Aba syempre naman! Ako pa!"
"Makikita mo na ulit sila. Paano ba yan?"
"Okay na ako. Naka-move on na ako sa mga bad memories last year. Hayyy, sana lang wag na maulit."
"Ayy ewan ko nalang te, pag naulit pa yan, ako na ang aaway sa kanila! Kaloka! Akala ko pa naman okay si Kuya Edward eh, bagay pa naman kayo. Hahaha Si Kuya Tanner din, pogi pero brutal pareho!"
"Anong bagay ka diyan? Magaganda lang gusto nun. Hindi naman ako maganda."
"First day na first day, ang Nega! Dibale, andito na ako ate, babantayan kita. Hahaha"
"Ikaw ang babantayan ko, dahil makikita ko na kayo ni Aizan sa kung saan man dito. Wahahahaha!"
"Luhh! Grabe si ate. Oshaa dito na po ako, Ingat ka ah? I love you, ate."
"I love you too, bebe."
Maaga pa nang pumasok si Maymay sa classroom nila at wala pang masyadong tao. Binati siya ng mga kaibigan niyang kaklase niya ulit ngayon, at nagkaroon sila ng konting chikka chikka. Nakahanap narin siya ng pwesto at nilagay ang gamit niya.
Dumadami narin ang mga dumarating pero lumabas muna si Maymay para magpunta sa CR. Nang pabalik na siya ay nakasalubong niya si Marco at nagkwentuhan pa sila, nalaman nilang magkaklase sila kaya naman sabay na silang pumunta sa classroom.
Sakto naman, bakante pa ang kaliwang upuan sa tabi nung kay Maymay kaya nagkatabi din lang sila ni Marco. Habang nagkukwentuhan silang dalawa ay biglang bumangon ang katabi ni Maymay sa kanan niya. Nakahiga kasi ang ulo nito sa armchair at naka-hoodie pa siya kaya naman hindi nila nakikilala.
Si Edward pala.
Nagulat silang tatlo ng magkita-kita."Hey bro! Edward! What's up?
"Just fine. How bout you two? Nice to see you bro! And you, Maymay. Really good to see you."
"Bushaaaaaaak! Ikaw pala yan! Di ka man lang namin nakilala. Hahaha"
"Yeah bro, never thought it was you. New haircut too. Nice one. Me, I'm great. I'm sure Maymay is, too. Diba May?"
"Oo naman! Konti nalang, gagraduate na tayo oh!"
"True.This will gonna be an awesome year, for sure. I didn't even knew these was your stuff Maymay. I just sat down here beside. Cool! By the way, catch up later, at lunch?"
"Sige. Okay ako. Ikaw Marco?"
"Of course. Libre niyo ah? Hahaha."
"Hindi na talaga nagbago tong si Marco. Hayyy! Hahaha"
"Alright, Marco. Fine. My treat."
Bumalik ulit ang dati nilang samahan na parang walang nangyari. Ang kaibahan nga lang, wala si Tanner. Nagtransfer na daw siya ng school, at wala ding pasabi sa kanila.
Sobrang saya ni Edward na makita ulit sila, lalo na si Maymay na matagal niya talagang hindi nakausap. Hindi niya rin kinulit ito dahil narin sa payo ni Marco, na nagresulta naman ng maganda dahil okay na ulit sila. Kinailangan lang talaga ni Maymay ng space mula sa kanila.
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
FanficSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕