Seventeen Point One *17.1

33 0 0
                                    

Nakakain na kami at nakaligo. Ready to go na sa P.U . Pero ayaw kong magposponed ang balak ko, sasama muna kila Dercs sa school then tatakas ako. Alam na ni Josh ang balak ko bout dito kaya binigay nya sakin yung susi na hawak nya.

"Tara na." yaya samin ni Deric.

Pagdating sa school nauna ng umalis si Josh, kinausap pa kasi ako ni Deric sa maaaring mangyari pagnakadaupang palad ko si Denmark.

"Oo na po." natapos na sya sa talumpati nya.

"Sige. Punta ka na sa room mo," utos nya sakin.

"kiss ko muna?" lumapit ako sakanya at nagpout ng lips, ready na ko!

"Dun ka na nga." bigla nyang hinarang palad nya sa mukha ko at agad syang umalis.

"Ang daya mo!!" malakas kong sigaw.

Nang makakuha ako ng pagkakataon para makatakas sa P.U kaagad akong umuwi sa bahay. Nagpalit na rin ako ng uniform.

Nakaramdam ako ng gutom, kaya nagdecide muna kong dumaan sa fastfood bago bumalik sa bahay nila Deric. Kaso nasa loob na ko ng peyborit kong kainan ng maisipan kong mag grocery na lang at magluto sa kanila.

"Ang bango!" malakas na sabi ni Josh. Nasa gate pa lang sila dinig na rinig ko na sya.

"Sa kapit-bahay lang yon." pagsasalungat naman ni Deric.

"Dito sa bahay nyo." sabi nung babae. Babae??? Huh? May kasama sila? O,o

"Oh may bisita pala kayo eh." sabi ni Ayna, sya pala yung kasama nila.

Para naman makita nila na kung totoo ba yung sinasabi ni Ayna, mabilis na pumasok sila Deric at Josh.

"Anong ginagawa mo? Hindi ka pumasok?" pagtataka ni Deric. Gabi na sila nakauwi. Si Josh naman na walang pasok nag overtime sa Library kaya nagkasabay sabay na silang umuwi.

"Hindi... Pinagluto ko kayo eh."

"Tsk! Ang akala mo siguro sa paraang yan makukuha mo ulit loob ni Dercs no? Ang kapal mo!!" paghuhurumintado ni Ayna. Napano sya non? Sumasabat wala namang alam. Tsss!

"How ironic!"

"Tumigil na nga kayo!" sabi ni Deric.

"Chill lang mga girls. Anong niluto mo Sophie? Mukhang masarap ha?" lumapit sakin si Josh. At tinikman nya niluto ko.

"Gawin na natin yung assignment." yaya ni Deric sa mga classmate nya. Kaya pala andito si Ayna kasi sabay-sabay silang gagawa ng Homework.

"Kain muna kayo." sabi ko.

"Mamayang onti pag nagutom na kami, sophie." sabi ni Josh. Pumwesto na agad sila sa sala.

Wala akong gagawin o magagawa dun kaya pumasok na lang ako sa kwarto ni Deric. Tinignan lang nya ako pero hindi naman sya galit na pumasok ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MEANT TO BE (On Hold♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon