----------*A/N*----------
Isa to sa mga story na ginawa ko dati... Malaki sentimental value nito sakin... Well... secret ko na kung bakit.. :D Sa mga makakabasa... Sana magustuhan niyo... Comment. Vote. Become a fan narin kung gusto niyo....
Kalungkot man isipin pero... hanggang ngayon, umaasa parin ako... :C
----------*A/N*----------
~*Her POV*~
Ateng.
Yan ang kinasanayan nilang itawag sakin. Hindi naman talaga yan ang pangalan ko . Sa katunayan nga, malayo dian yung real name ko. Nag-aaral ako sa isang pribadong paaralan. Nasa ika-apat na antas na ko sa mataas na paaralan. May kaya ang aming pamilya at isa akong Bulakenya; isang probinsyana. May mahal ako... Siya si Teteng; isang binatilyong laki sa Maynila. Isang lugar na may kalayuan mula sa amin. Siya dapat ay nasa kolehiyo na. Ngunit, dahil sa kahirapan ng buhay, nahinto muna siya ng isang taon. Naluluong siya sa alak at sigarilyo pero itinigil niya ito nang makilala ako.
~*His POV*~
Ako si Teteng. Nang makilala ko si Ateng, di ko inaakalang mamahalin ko siya ng ganito. Akala niya nga ay babaero't manloloko ako. Pwes, tama siya roon.
Nakita ko ang picture niya sa FB ng tropa ko. Hindi man siya kagandahan, mukha namang mabait.
"Pare, kilala mo yan?" tanong ko sa kanya.
"Ahh... yan? Si Ateng yan. Kaibigan ng kuya kong nasa Bulacan ngayon. Ang bait kaya nyan!" sabi niya.
"Ha? Pano mo naman nalaman eh taga Bulacan pala?" buong pagtataka ko.
"Nakakatext ko," dali-dali kong kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa mesa at hinanap ang pangalang 'Ateng'. Agad kong isinend ang number niya sa number ko.
"Salamat pare ha?" sabi ko na may halong pang-aasar.
"Ayusin mo lang Teteng ha? Kilala kita."
~*Her POV*~
"Hi miss, I bet you're beautiful, kind and intelligent. Can you be my txtmate?"
Ha? Ano raw?
Ito yung unang text na nareceive ko galing sa kanya. Text message ng impakto di ba? Taong hindi mapagkakatiwalaan. Yan ang una kong pagkakakilala sa kanya.
"Haha. Anong trip yan? Sino ka ho?"
Hindi ko akalain na dahil sa reply kong yan ay mas mapapahaba pa pala ang aming usapan. Tawa ako ng tawa sa bawat reply na matatanggap ko. Puro kalokohan kasi ang alam ng lalaking ito. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalong napapalapit ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Textmates (story of a Long Distance Relationship) ONE SHOT
Short StoryNaranasan mo na ba ang LDR? Mahal mo siya, Mahal ka niya... Pero ang layo niyo sa isa't isa... Hanggang kelan mo kayang magtiis? Pano kung tadhana na mismo ang naghihiwalay sa inyo? Kakapit ka pa ba o bibitaw ka na?