MSIMF 3

215 10 0
                                    

Karyl's POV

Pagkatapos magpakilala ni nicole ay bumalik na sya dito sa upuan.

"Okay next?" sabi pa ng prof namin.

Bigla namang tumayo yung katabi nung lalaki. Diko na tinignan wala naman akong kilala dito e.

"Sino nga pala yung sinsabi mong mas maganda sakin at papanain natin" masigla kong tanong sakanya. Bigla naman syang napangiti sa tanong ko.

"Si kasey ayun oh!" nginuso pa nya yung babaeng nasa harap at kasalukuyang nagpapakilala.

"Hello my name is Kasey Smith" nakangiti pa nitong pagpapakilala. Like ooh emm gee!! She's so pretty, tama nga ang sinabi ni ate nicole. She's prettier than me.

But it's okay atleast maganda parin ako. Nang matapos na syang magpakipala ay bumalik na sya sa upuan nya, nadaanan nya pa kami ni nicole kaya nginitian ko sya at ngumiti din naman ito sakin.

Mala dyosa ang ganda nya shet. Sigurado akong mafafall agad agad nito si kuya. At sigurado akong sya lang ang makakapag alis ng pagiging cold ni kuya, sya lang ang makakapag pasaya kay kuya at magpapangiti.

Hoy baka kung ano ng isipin nyo a! Di ako manghuhula o ano. Ang ganda ko namang manghuhula, nasesense ko lang kasi.

Meron lang kasi akong napansin kay ate kasey, pansin kolang na mabait at caring ito. Di ko pa nga sya nakikilala at nakakausap pero ang gaan na agad ng loob ko dito. I think I like her-- No I mean I like her.

Tumayo naman na ang katabi nitong lalake. At pumunta sa harap.

"Hi my name is Alexander Corpuz" pakilala naman nito.

Pagkatapos ay bumalik narin sya sa kanyang upuan, at nagpakilala narin ang iba naming mga kaklase. Hanggang sa matapos....

Bigla namang bumukas ang pinto at may pumasok na anim na lalake. Nagulat pako dahil nandun si kuya. Wait!!?? Bakit kasama nya yung mga kaibigan nya? Kala ko ba nasa korea silang lima!? Anong ginagawa ng limang yan at kasama pa nila si kuya!? Tsk! Naka shade pa di na mahiya. Di naman mainit e. Pero myghaaaad bagay naman kay babe clinton ko e.

Kasey's POV

"Are you Mr. Kenshin Brent?" tanong ng prof. Namin sa lalaking nasa pinaka harap bale nasa likod nya yung lima. Kung sa gangster parang sya yung leader.

"Yes" Cold na sagot nito at nagdire diretso lang sila papunta sa likod ng upuan namin. Yun nalang kasi yung may space e limang upuan sa likod at sa tabi ko.

Naunang umupo yung kenshin daw sa likod ko, diko magets tong nararamdaman ko pero parang may kakaiba e. Ngayon kolang to naramdaman sa isang lalaki, yung tipong biglang tumibok ng pagkalakas lakas yung puso mo.

Ayy hindi pala naramdaman kona to sa isang lalaki. Isang lalaking iniwan lamang ako, isang lalaking pinaasa lamang ako, isang lalaking mahal na mahal ko. Hayss namimiss kona naman sya. Parang gusto ko tuloy umiyak. Siguro nga kaya kolang yun naramdaman kasi namimiss kona sya. Bale merong isang nahuli. Hahaha kawawa naman wala na syang upuan. Nang mapansin sya ni sir.....

"Hmm Mr...?"

"Zeidon Cruz" sabi nitong nakangiti. Ang cute lumabas yung dimple nya.

"Oh Mr. Cruz doon ka nalang umupo sa tabi ni Ms. Smith" sabi pa ni sir. Okay lang naman sakin e. Mukhang mabait naman sya tsaka mukang makulit at palangiti pa. Bigla naman syang tumingin sa tinuturo ni sir.

Tinanggal nya yung shade nya and oh!? Di nga ako nagkakamali gwapo nga sya. Bigla naman syang lumapit at ngumiti sakin. Binigyan ko nalang sya ng tipid na ngiti. Di ko panaman sya kilala ng lubusan e. Malay mo mali yung iniisip kong mabait sya diba?

Umupo na sya sa tabi ko at tumingin ulit sakin. Nakangiti parin sya. Ang cute nya talaga.

"Hello! I'm Zeidon Cruz and you are?" nakangiti nyang pakilala sakin at inabot pa ang kamay, inabot ko naman ito. Syempre di naman ako tinuruan maging bastos no!

"Kasey Smith"  nakangiti ko ding sabi.

"Nice to meet you sana maging close pa tayo" saad pa nito, di parin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Same to you" sabi ko nalang.

"Can you guys introduce yourself?"saad ng prof namin sa anim na lalaki. Naunang tumayo yung katabi ko. Dina sya pumunta sa harap dito na sya nagpakilala sa upuan nya.

"Hi my name is Zeidon Cruz" pakilala nya, nakangiti parin ito.

"Zaidon Cruz" sabi naman ng nasa likod ko. Diko sana titignan e. Pero nacurious lang ako kasi same sila ng last name. Nagulat naman ako ng nilingon ko ito. Omooo bakit sila magkamukha!? ayy tanga! Malamang kambal sila! Sabi naman ng isip ko, sorry naman, psh!

"Clinton Smith here!" pakilala ng isang lalaki na katabi nya kaya naman sakanya nabaling ang tingin ko, at di nga ako nagkakamali si ton ton nga. Bakit sya nandito? Napalingon naman sya sakin. Nang mapansing nakakunot ang noo ko bigla nya nalang akong nginitian at kinindatan. Psh! Mayabang parin, walang pinagbago. Tinignan ko naman yung mga mukha ng mga kaklase ko puro nakakunot ang noo.

"Mr. Clinton kaano ano mo si Ms. Smith?" tanong ng prof namin.

" Actually She's my cousin" saad naman nya. Napairap nalang ako. Nandito nanaman yan para bwisitin ako for sure. Last time kasi nung umuwi sila ni tita e binwisit ako. May ipapakilala daw sya sakin chu chu pwe! Diko nalang sya pinansin dun sa mga kalokohan nya. Match maker daw kasi sya. Psh! Kung sya kaya imatch ko!? Napansin ko naman si Karyl na parang hinuhubadan si clinton sa paraan ng kanyang pagtitig. *Smirks* huh!? Kala mo ikaw lang ang match maker huh!? Humanda ka!

"Hi girls Jacob Monterial here!!!" Nagtilian naman yung mga babae. Syempre nangunguna na yung limang malalandi. Halos lahat sila nakatingin sa lima. Bigla namang kinindatan ni Jacob si hailey. Mukhang playboy.

"O my goooosh!! Kinindatan nya ako girl!!" bulong na tili nito, umakting pangang parang hihimatayin e. tanga lang!? Bakit pa nya binulong e rinig naman. Psh!

"Malandi here! Malandi there! Malandi Everywhere! Psh!" parinig naman ni nicole. Huh!? Ano ka ngayon!? Para namang naiinis na ewan yung mukha ni hailey ng tinignan ko sya.

"Pakielam mo ba ha!?" sigaw ni hailey sakanya kaya napatayo nako para lapitan si nicole dahil alam kong di ito nagpapatalo. Lalo na kay hailey. Nang akmang tatayo na sya nahawakan ko agad ang braso nya kaya napa upo sya. Tumingin sya sakin at sinamaan nya ako ng tingin. Kaya sinamaan ko rin sya ng tingin na nag sasabi na "tumigil ka!" kaya kumalma na sya.

"Ehem!" pasimpleng ubo ni sir para mawala ang tensyon sa dalawa.

"Sorry sir." paumanhin ni nicole, kaya bumalik na ako sa upuan ko.

"Hailey?" nakataas ang kilay na tanong ni sir.

"Sorry sir! Dina po mauulit" pilit na sabi nya.

"okay let's continue......." ani sir. Tumayo naman sa upuan yung lalaki sa likod ni zeidon.

"Hi I'm Chris Villaverde"pakilala nito. Pagkatapos nitong umupo ay tumayo na ang lalaki sa likod ko, parang pamilyar sya, o baka namamalik mata lang ako, dahil si shin ang nakikita ko sakanya. Hayyss mukhang kailangan ko nang magpatingin ng mata.

******************
Annyeong Readers(kung meron man) Feel free to comment❤Sana magustuhan nyo itong story ko since ito ang first story ko,pipilitin kong pagandahin ang takbo ng buhay nila ken at kasey❤But.....I need support to my readers so please support me and my story, so that I can continue this story. Follow me if you guys want❤👽

Vote●Comment

My Slave is my Fiancée?!Where stories live. Discover now