"Pauunlarin ko ang bansang ito, kasama kayo. Tayo'y mag kaisa mga kababayan! Frederico Duwaya for President!" Kung ano anong klase ng panloloko nanaman ang naririnig ko. Puro pangako na laging napapako. Mga planong hindi natutupad. Hudyat na malapit na ang botohan. Ano pa bang bago? Nakailang Presidente na ba tayo? Nakailang pangako ng pag unlad na ba ang narinig natin mula sa mga kandidatong puro lamang salita?
Mayor ang Daddy ko. Alam kong hindi siya gaya ng iba dahil mabait ang Daddy ko. Hindi niya magagawa ang bagay na ibinibintang nila. May maganda kaming buhay. Nag aaral kaming magkakapatid sa pribadong paaralan. May magandang bahay at sasakyan. Dahilan kung bakit nasabi ng mga tao na nangungurakot siya gaya ng iba. Galit ako sa mga taong nagsasabing yumaman lamang daw kami dahil sa pangungurakot ni Daddy. Kaya tinanong ko minsan si Daddy kung kagaya rin ba siya ng ibang mga pulitiko.
"Ito ang mundo namin, anak. Kung hindi mo ito gagawin ay talo ka." Hindi ko maintindihan. Gusto ko pa sanang magtanong pero iniba na niya ang usapan. Pero hindi siya kagaya ng mga ibang pulitiko na nagnanakaw ng kaban ng bayan. Naglalakad ako mag isa ng may biglang magbato saakin ng itlog. Nagulat ako. Wala akong kaaway kaya nakapagtatakang may bumato saakin. Hinanap ng mga mata ko ang nagbato ng itlog saakin at nakita ko ang napakaraming tao.
Hindi ko alam kung saan sila galing dahil kanina ay wala naman sila. Galit na galit ang mga mata nila. Punong puno ng poot. Pero hindi ko sila kilala. Binato nila ako ng kung ano ano. Nakapalibot na sila saakin. Pinaliligiran nila ako. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila dahil sabay sabay silang nagsasalita habang binabato ako. Masyado ng masakit. Ano bang kasalanan ko sakanila? Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigalan.
"Tama na!" Paulit ulit kong pagmamakaawa pero hindi nila ako pinakikinggan. May lumapit saaking babae, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at inalog. Habang binabanggit ang mga salitang nagpaliwanag saaking isipan kung bakit nila ginagawa ito.
"Magnanakaw ang tatay mo! Inangkin na nga ang mga lupa namin, pinatay pa ang asawa ko! Wala siyang puso! Kaya ito ang nararapat sayo! At sabihin mo sa Tatay mo na iisa isahin namin kayo! Simula pa lamang ito." Yan lamang ang mga huling katagang narinig ko bago ko maramdaman ang matulis na bagay na bumaon sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
Kritisismo, ang Sakit sa Lipunan
Short StoryMga tinatagong sikreto na sa huli'y mabubunyag pa rin.