Chapter 1

8.1K 184 10
                                    

Actually college na ko ngayon, first year at kumukuha ng engineering. Hindi ko masasabing normal akong tao kasi higit sa lahat, I am gay. Hindi ko naman sinasabi na abnormal ang pagiging gay, pero yun kasi ang madalas na pinaparamdam sa akin ng mga taong nakapaligid sa akin. Kaya hindi niyo rin ako masisi, kung maski ako naniniwala na sa sinabi ng ibang tao.

Hindi naging madali para sa akin ang humanap ng friends yung tipong masasabihan ko ng lahat-lahat na hindi ako huhusgahan, bagkus tatanggapin ako ng buong-buo. Kaya noong nakilala ko si Hanna, laking pasasalamat ko at nabigyan ako best friend na mapapagkatiwalaan ko at kayang itago ang aking ultimate secret.

Ayaw ko kasing malaman ng ibang tao, maski ng pamilya ko, dahil hindi pa ako ready na mag-out. Takot akong malaman kung anong magiging reaksyon nila. Magagalit ba o matutuwa? Ayokong i-risk yung mga bagay na meron ako ngayon, dahil mahirap na baka hindi ko kayanin ang consequences na haharapin ko in the near future.

(Alarm clock ringing....)

Pasukan na naman! Nakakabadtrip! Pwede bang next week na lang pumasok? Medyo kinakabahan kasi ako dahil hindi ko magiging classmate si Hanna. Nasanay kasi akong kasama siya sa vacant at sa lahat ng klase. Ayaw ko na kasing bumalik sa pagiging loner.

Noong nasa elementarya pa ko, kakaunti lang ang aking friends. Ayon sa ibang classmates ko na kumausap sa akin noon, hindi daw kasi ako approachable. Kaya pala wala akong naging friends noong elementary, dahil mukha daw akong suplado.

Kaya noong tumuntong ako ng high school, medyo naging friendly na ko. Tipong ako na mismo ang kakausap sa katabi ko. Pero kapag hindi ko rin gusto ang ugali ng classmate ko ay hindi ko na rin kinakausap, baka maging toxic lang siya sa buhay estudyante ko.

Pero noong 2nd year na ako ay nakilala ko tong si Hannah. Alam mo yung saglit lang kayong nagkausap, pero feeling mo ang tagal mo na siyang kaibigan. Naging malaking factor sa pagkabuo ng friendship namin noon ay yung parehas kami ng trip sa buhay. Ayaw na ayaw namin na nakakaagaw ng attention, kasi iniisip namin na there is something wrong kapag napapatingin sila sa direksyon namin. Kaya hangga't maari noon ay humihiwalay kami sa mga kaklase namin kapag vacant. Madalas naming tambayan noon ay ang library. Hindi naman sa bookworm kami or what, pero ang sarap kasi sa feeling na nagkekwentuhan kayo, and at the same time hinihinaan niyo lang kasi nga bawal ang maingay. At dahil sa madalas kami doon naging member na kami ng book lover's club. Simula noon ay naappreciate ko na ang buhay estudyante, minsan magulo pero hindi mo maitatangging masaya.

Pagkatapos kong magbalik tanaw sa mga ganap ng buhay ko ay nagtoothbrush at naligo na ko. Siguro bibili na lang ako ng biscuits sa daan para may pang almusal ako.

"Hoy Seb pasok na ko ah, isang good luck naman dyan!" sabi ko doon sa ka-roomate ko na tulog pa rin yata.

"Ge tol good luck, at galingan mong naghanap ng chicks para naman makatikim ka na ng mani" sabi ni Seb na manyak.

"King ina ka, study first nga diba?" Palusot kong sabi sa kanya at umalis na ko sa dorm namin.

Isang sakay lang ng jeep ang byahe papunta sa university na papasukan ko. Humigit kumulang 15 minutes din ang byahe bago ako nakarating sa university. Minessage ko si Hanna na magkita muna kami sa cafeteria ng school bago kami pumasok sa first class namin. Hindi ko nga pala siya classmate dahil ang course niya ay Applied Physics.

"Alex! Namiss kita grabe" rinig kong boses ng bestfriend ko.

"Na miss din kita Han, so anong balita? Bakit parang naglie low ka sa Facebook at hindi kita ma-chat?" bungad ko sa kanya.

"Baliw! Hahahaha! Sa uwian sasabihin ko, pero ang clue is hindi na ko single", tuwang tuwa na sabi ng baliw kong kaibigan.

"Shet! Grabe, spill mo na mamaya ah. Aantayin talaga kita mamaya sa uwian, tapos mag-mcdo tayo at doon natin pagchismisan ang love life mo" na-eexcite kong sabi sa kanya.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon