8 years ago.....
Sey Sey POV
"Shin kailangan mo ba talagang umalis?" umiiyak kong tanong sakanya.
Aalis na sya, iiwan na nya ako. Di ko mapigilang mapaluha sa nalaman kong paglisan nila nang bansa.
"Sey Sey can you promise me one thing?" tumango naman ako sa sinabi ni shin.
"Then promise me that you'll wait for me." napahagulgol na talaga ako ng makita kong may pumatak na luha sa kanyang mata.
Mabilis akong tumango tango habang umiiyak. Bigla nya naman akong hinigit sa bewang kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib dahilan upang di na tumigil ang aking pag hagulgol, dahil mas lumakas pa ito ng yakapin nya ako.
"Shhhh.......Don't cry sey, babalik pa naman ako e. Magkikita pa tayo, kaya wag ka nang umiyak okay?" pag papatahan nya pa. Tumango naman ako pag katapos ay nag hiwalay na kami sa yakap ng isa't isa. Pinunasan nya ang aking luha sa mukha gamit ang kanyang hinlalaki. Ngumiti ito sakin kaya napangiti nadin ako.
" T-teka san naman kita hihintayin?" tanong ko pa dito. Bigla naman syang napaisip.
" Kung sa play ground nalang kaya? Tutal dun naman tayo unang nagkita diba? Dun mo nalang ako hintayin" nakangiting wika pa nya. Alam ko namang peke at pilit lang ang kanyang ngiti dahil pinipigilan nyang hindi mapaiyak sa aking harapan dahil alam nyang masasaktan ako kapag nakita ko syang umiiyak o umiyak.
" Sige, hihintayin kita shin, hihintayin kita sa play ground. Hihintayin ko ang pagbalik mo." pagkasabi ko nun ay pilit din akong ngumiti dito. Nasasaktan din daw kasi sya kapag nakikita nya akong umiiyak.
Tumango naman sya at ngumiti this time totoong ngiti na ngunit may halong lungkot. Mababakas sa mukha nito ang lungkot. Bigla syang lumapit sakin at hinalikan ako sa noo.
Bukas na ang alis nila at ngayon lang sya nagpaalam. Sabi nya talaga daw hindi nya sinabi sakin to dahil alam nyang malulungkot ako, kaya imbes na sabihin nya sinulit nalang daw nya yung pag kakataon na makasama, makalaro, at makausap ako. Pero sinabi naman daw nya ito kila mommy at daddy nagpaalam nadin sya sakanila. Hiniling din daw nya na wag munang sasabihin sakin ito.
" Wag kang mag alala sey meron pa namang Facebook at Skype diba? So that magkikita parin tayo, sa screen ngalang pero okay nadin yun atleast magkakausap at makapag kwe kwentuhan tayo tungkol sa mga nangyayari sa buhay natin." sabi nya pa kaya napangiti ako ng totoo. Oo nga pala may Facebook pa at Skype.
Niyakap ko naman sya at niyakap nya din ako. Isiniksik ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Nandito kami ngayon sa aking kwarto. Oo nakakapunta sya rito sa bahay dahil mag kaibigan ang mommy nya at mommy ko pati din ang daddy nya at daddy ko. Nung una di kami makapaniwala nagulat pa nga ako nang makita ko sya dito sa bahay. Dahil sa playground lang naman kami nagkikita at naglalaro. Nagulat din sya ng makita nya ako. Kaya nagtaka yung mga parents namin so ayun, sinabi na namin na magkaibigan kami. Nagulat pa nga sila tito at tita e. Kasi daw wala daw talagang kaibigan ang anak nito kahit isa, kahit babae o lalaki.
Ako lang daw talaga ang nagiisang kaibigan nitong babae. Kaya nung malaman nilang magkaibigan kami tinanong na nila kami ng tinanong kung paano kami nag kakilala. Kaya kinwento namin sakanila. Tapos ayun niloko loko na kami nila mommy. Psh! Piling teenager ang mga peg nila. So ayun na nga nalaman ko din na malapit lang pala sila dito sa aming subdivision. Isang kanto lang ang layo nang bahay nila sa bahay namin, minsan pumupunta ako dun upang maglaro kami ng kung ano ano like tagu taguan, taya tayaan etc. Tinuturuan nya rin ako gumamit ng penny board, kaya marunong na ako ngayon.
" Wag mokong kakalimutan ha!?" sabi kopa dito, kaya napatawa naman sya. Psh! May gana pa syang tumawa sa lagay ngayon? Kaya inirapan ko nalang sya.
" Don't worry, I will never forget you." napangiti naman ako sa mga katagang sinambit nya 'I WILL NEVER FORGET YOU' .
Kinabukasan....
Ngayon ang alis ni shin. Baka nandun na sila sa airport. Nandito lang ako sa aking kwarto nag mumukmok. Actually di ako sumama sa pag hatid sakanya. Pumayag naman sya dahil baka daw umiyak lang ulit ako. At ayaw daw nya akong nakikitang umiiyak habang paalis sila, baka daw kasi pag di nya mapigilan ang sarili nya magpaampon sya kila mommy. Psh! Kaya napatawa nalang ako sa mga pinagsasabi nya. Hinatid ko lang sya sa gate namin dahil bago silang pumuntang airport nila mommy ay sumaglit lang sya sa kwarto ko, kaya nagising ako ng makita ko sya. Yun ang huli naming pagpapaalam sa isa't isa.
******************
This is my first story so expect the typos and wrong grammar. Thank you :*Vote●Comment
YOU ARE READING
My Slave is my Fiancée?!
Teen FictionPaano pag nalaman mong ang slave mo ay iyong fiancée?! At ito pa, nagpanggap kayong mag girlfriend, boyfriend para lang makatakas dyan sa 'kalokohan' (which is sabi ni kenshin) ng mga magulang nyo! Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga magulan...