Tahimik na kumakain ang tatlong bastarda kasama si Violeta sa hapag kainan.Halata ang tension sa pagitan nina Natasha at Patricia na nagtatapunan ng mga matutulis na tingin sa isat isat.Matapos kumain ay makikita ang tatlo na nakabuntot kay Violeta papunta sa library room kung saan nakalatag ang mga libro sa lamesa.
‘’I want you girls to learn the basics of business management.Kailangan ko ng taga pagmanang marunong mag handle ng negosyo,ung aalagaan ang pinaghirapan naming mag asawa.Sa folder nay an makikita niyo ang ibat ibang kumpanya na pag aari n gating pamilya.Ang pinaka malaking kumpanya ay ang oil business venture natin which is one of the top 6 oil companies ng bansa.As an heir hindi ka naman obligedo na puntahan ang lahat ng branches ng kumpanya but you have to make sure na kaya mong ihandle ang mga business partners at mga proposals ng ibang company.Pag aralan niyong mabuti ang oil business yan ang pinaka mahalagang negosyo ng pamilya ntin.Those other minor business I might consider giving it to the other two girls na hind mapipili as our heiress.’’paliwanag ni Violeta na agad iiwan ang tatlong bastard na inumpisahang aralin ang negosyo ng kanilang pamilya.
‘’Sakit sa bangs naman nitong oil business,hindi kaya ng brain ko.’wika ni Helga habang matatawa naman si Patricia na sinimulan na naman ang pang iinsulto sa mga kapatid niyang bastarda.
‘’Well im pretty sure both of you cant handle this business parehas kasi kayong mga bobo.Thats why Tita Violeta should chose me,aside sa may pinag aralan ako im confident that I can handle this company even with my eyes close.’’pagmamayabang ni Patricia sa mapapataas na kilay na si Natasha.
‘’Really? Well I beg to disagree my dear airhead sister! Oil Business is a complicated industry,dealing with various factors such as marketing stragedy and business relationship etc with people who knows OIL holds Power in this third world country.Pano mo ma iapply ang fashion course mo sa pagmimina ng langis aber?’’wika ni Natasha sa tila napa nosebleed na si Patricia na hindi inaasahan na edukada din pala ang dalaga.
Matalino si Natasha,valedictorian from elementary to highschool at deans lister sa university an pinapasukan niya.Business Management ang kurso nito kaya naman mas may alam si Natasha sa pag handle ng kumpanya kaysa kay Patricia na fashion designing ang kinuha.Hindi naman nakatungtong ng kolehiyo si Helga dahil matapos nitong makatapos ng highschool ay sumama ito sa barkada at bumuo ng grupo upang maging dancer.
‘’So u think you deserve the heiress slot because u can speak English better than me huh? Well listen to me Natasha,you may have the advantage in here but i wont lose to the likes of you.’’mataray na wika ni Patricia sa mapapangising demonyo na si Natasha.
‘’Ops! Tama na ang inglesan please sumasakit ulo ko sa inyo.Wala akong pake kung sino sa atin ang piliing heredera ang mahalaga sakin ngaun ay I enjoy ang moment na to dahil haller masasarap na foods,magagandang damit wat more can I ask for oh ha English yan dba!’’wika ni Helga na pinapagaan ang loob ng nag iinit na mga kapatid niya.
‘’Mababaw ka talaga kahit kalian,well mabuti narin nay an lang ang purpose mo ditto Helga at least mababawasan na ang mga kontrabida.Ikaw Natasha baka gusto mo ring maging tulad niyan don’t worry aamutan naman kita kahit konti sa mga ipapamana sakin nila Tita.’’wika ni Patricia sa mapapa iling na si Natasha na dahan dahang lalapitan at titingnan ng masama sa mga mata ang kapatid na bastarda.
‘’In your dreams,ngaun pa na inumpisahan mo akong insultuhin.Noon wla akong interes sa pamana pero ng sinimulan mo akong asarin may dahilan na ako para makuha un.I cant wait to see you gnashing your teeth with insecurities in your damn ugly face.’’wika ni Natasha ng akmang sampalin nito ang dalaga na agad pinigilan ni Helga.
‘’Namimihasa ka ng manakit ah,subukan mong manampal at itong makapal na OXFORF DICTIONARY ang ibabato ko sa mukha mong bruha ka1’’wika ni Helga sa mapapa atras na si Patricia na babalik sa upuan nito at tingin ng masama sa dalawag kapatid niya.
‘’Natasha alam ko galit ka dyan sa hitad na yan pero hindi makakabuti yan sayo sa harap ni Tita Violeta.Just play safe,alam mo tulad mo rin ako dati ng makilala ko yang si Patricia pero lalo lang ako naging bad sa mata ni Tita.Learn to ignore her,pag wala ng pumapansin dyan titigil na rin yan.’’payo ni Helga sa mapapangiting si Natasha na naiintindihan ang concern ng kapatid sa kanya.
‘’Why are you doing this Helga? Alam ko may tight competition sa pagitan nating tatlo pero bakit pumapanig ka sakin.Pwede mo naman akong kamuhian tulad ng ginagawa sakin ni Pat pero iba ka eh.Ano ang motibo mo?’’tanong ni Natasha sa matatawang si Helga.
‘’Nakakatawa ka naman sis,ofcourse mas gugustuhin ko pang maging kakampi ka kesa dyan sa malditang Patricia kasi mabait ka.Saka wala naman akong motibo gusto ko lang mafeel ng bruha nay an na wala siyang kakampe para bumait naman.Feelingera kasi yan akala niya dahil anak siya ng model eh siya na ang pinaka mataas sa atin.Saka hindi ko naman hangad tlaga ang maging tagapag mana,hehe alam ko ikaw ang mananalo ditto kaya hihingi lan g ako ng favor sayo.Kahit isang kumpanya lang sa mga negosyo ni Papa ok na sakin.Im sure kasi hindi ako bibigyan ni Pat pag doon ako makikipag close.’’wika ni Helga na naiintindihan naman ni Natasha.Hindi ambisyosa si Helga,yan ang unang nasa isip ni Natasha ng marinig ang rason ni Helga.Pero ang hindi alam ni Natasha ay hinahanapan lang siya ng butas ng kpatid para isang araw ay ibagsak kasama ang isa pa nilang kapatid na bastarda na si Patricia.
‘’Kampihan pa kayo dyan pag ako ang napili luluhod kayong dalawa sa aking haparan.’’wika ni Patricia na nakatingin ng masama sa dalawa pa nitong kapatid na bastarda.
‘’Sige hayaan mo kung sakaling ako ang mapili why not pero pag si Pat ang napili patay tayo.’’wika ni Natasha sabay tingin sa mapapairap na si Patricia.
Lihim na pinanuod ni Violeta ang tatlong bastarda,sa ngaun pa lang alam niya sino ang may advantage sa tatlo pero gusto parin niya makasiguro kung karapat dapat siya na mapili bilang kanilang tagapag mana.Marami pa siyang dapat ituro sa mga bata pero sa ngaun isang pagsubok muna ang kailangan nilanng malampasan.
‘’Handa na ba sila? Well lets see sino ang mahuhulog sa patibong ko.;;wika ni Violeta na may planong subukan ang katatagan ng paniniwala at pagkatao ng tatlog bastarda.
Itutuloy…………..
BINABASA MO ANG
BASTARDA,ANAK NG KABIT
ChickLitNang mamatay sa sakit na cancer ang nag iisang anak ni Mariano Nuevez tatlong anak sa ibat ibang babae ang papasok sa mansion nito upang gampanan ang pagiging tagapag mana ng mayamang Don.Si Helga,anak sa isang prostitute.palaban at matalas ang dila...