"Hoy Shane, ano yung nababalitaan ko na sasagutin mo na raw si Paulo?" Tanong ni Erika pagkaupo niya sa tabi ko.
Sinarado ko ang binabasa kong libro at hinarap siya.
"Bakit? 3 months na rin siyang nanliligaw sa akin. And besides, I already love him" sagot ko at binuksan ulit ang libro ko.
"Wala naman akong problema kay Paulo. Tinatanong ko lang naman baka kasi--"
"Baka gawin ko siyang rebound?" Pagtutuloy ko. Alam ko naman na iyon ang sasabihin niya.
Tumango naman siya.
Himinga ako ng malalim bago magsalita ulit.
"Ni minsan hindi ko yan naisip Erika. Tsaka 4 months na kaming break ni Julius. I am totally moved on" ani ko.
"Okay. Nanghihinayan lang kasi ako kung sakaling gawin mong rebound ang isang Paulo Lucio. He's a nice guy at all" sabi niya at nag lagay ng pulbos sa mukha.
Dismissal na at ngayon ko balak sagutin si Paulo sa isang coffee shop. Tinawagan ko na rin siya para pumunta. Three months na siyang nanliligaw sakin at tingin ko naman mabuti siya at hindi tulad ng ex boyfriend kong si Julius na pinagpalit ako sa Queen Bee ng university. At isa pa, mahal ko na rin si Paulo.
"Hi Shane!" Bati niya at umupo sa harap ko.
"Sorry ha, wala akong dalang toblerone. Nagmamadali kasi ako na magpunta rito. Baka mainip ka eh" dagdag niya pa.
"Tsk okay lang 'yun. Halos araw-araw na akong kumakain ng toblerone. Pag tumaba ako ikaw talaga ang sisisihin ko" biro ko at uminom sa mocha frappe ko.
"Anong meron ngayon at ikaw ang nag-aya sakin ng date?" Tanong niya.
Oh my gosh. Ano bang tamang approach kapag sasagutin mo ang manliligaw mo?
"Ano kasi--" napakamot ako sa ulo ko at palinga-linga.
"Bakit?"
"Uhm--"
"Sasagutin mo na ba 'ko?"
"P-paanong--"
"Halata kaya sa naasta mo. Pero ano? Sinasagot mo na ba ako? Tama ba ang hula ko?" Tanong niya na habang direchong nakatingin sakin.
I slowly nodded.
"T-Talaga ba Shane?"
"Oo nga. Ang kulit mo rin ano?"
"Yes!"
"Shane! Tawag ka ni Paulo sa garden!" Sigaw ni Erika.
Hayys. Ang kulit talaga ng lalaking 'yun. Di niya ba alam na final examination na mamaya?
Wala na nga akong nagawa kundi ang itabi ang reviewer ko at lumabas ng classroom.
"Problema mo Paulo?" Tanong ko at umupo sa tapat niyang cemented chair.
"Anong endearment ang gusto mo?"
Halos mapanganga ako sa tinanong niya. Pinatawag niya lang ako para tanungin tungkol sa endearment namin?
"Seryoso Paulo? Pinatawag mo ako just to ask that? Final ex--"
"Dali na Shane, kailangan ng mag boyfriend-girlfriend ang isang endearment. At kailangan ko ang opinyon mo" aniya.
"Saka na natin pag usapan 'yan. Kailangan pa nating mag review. Kaya tumayo ka na diyan at mag review." Sagot ko at akmang tatayo na.
YOU ARE READING
Call me 'Baby'
Genç KurguCall me 'Baby' Endearments make your relationship stronger and sweeter. Is it true?