"Why do you always leave the company you are working for? Can you tell us the reason?" Tanong ng nag i interview
Pagkakita palang kasi ni Manager Jung sa application forms ko ay pinaderetso na agad ako sa interview
"Hindi ko po kasi nagugustuhan yung mga offers nila eh," sagot ko
Napatingin si Manager Jung sa akin
"Ay! I'm sorry," napatagalog tuloy ako!
Eee! Nate tense ako, gusto ko nang matapos ito para makita ang baby Jin ko araw araw!!!
"How long do you often last?" Tanong sa akin
"Sometimes it only take months, my longest stay in a company is one and a half year," sagot ko
Marami pang itinanong sa akin at nasagot ko naman ng maayos
"Salamat po," sabi ko kay Manager Jung na nginitian lang rin naman ako
Kinikilig akong umakyat para puntahan sila TaeHyung at Sanyel
"Mga bes!" Tawag ko
"Oh, kumusta ang pag apply mo?" Tanong ni TaeHyung
"Duhhh, tinatanong pa ba iyan!" Sabi ni Sanyel
"Nakita ko ang baby Jin ko!" Kinikilig kong sabi
"Jin?" Tanong ni TaeHyung
"Saan?" Tanong ni Sanyel"Uu, Baby Jin ku! Kanina sa Manager's office! Tinawag syang Sir ni Manager Jung! May assisstant din sya! Panigurado, sya CEO dito!" Tumatalon talon kong sagot
"Mag coffee ka nga muna sa tawid, hintayin mo kami, sabay sabay na tayong umuwi," sabi ni Sanyel
"Sige!" Sabi ko at bumaba na
📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂
Kinikilig pa rin ako habang palabas ng kompanya
"Makapagtatrabaho na rin ako sa Baby Jin ko!" Wala sa sarili kong sabi habang tumatawid
"Jin?" Napatingin ako sa babae
Napatingin lang rin sya sa akin na gulat
"S-Sorry, welcome po to JJ's Cafe!" Bigla syang ngumiti nang pagbuksan ako
"Salamat," sabi ko at humanap ng mauupuan
"Ano pong i oorder nyo?" Tanong niya
"Sa counter nalang po ako mag o order," sabi ko
"Sige," sagot niya, sino iyon? Trabahador ba yun?
Tumayo ako ulit at pumunta sa counter para mag order
"Isang cinnamon bun at caramel macchiato po," sabi ko
Hinintay ko lang ang order ko at naupo sa may glass window, tinanaw ko ulit ang MY Company at nakangiting ngumuya ng Cinnamon bun
Na enjoy ko lalo dahil paborito ko talaga ang Cinnamon Bun at Caramel Macchiato
Habang kumakain ako ay may pumasok na dalawang lalaki at naupo sa may likuran ko
Sayang di ko nasilip yung mukha, ang pogi pa naman pumorma!
(Someone's P.O.V.)
Pumasok kami sa café para kumain muna
Pangatlong pagkakataon... Mukhang may problema nanaman
"Dude, nasa baba nalang tayo tinamad ka pa!" Reklamo ko
"Wala naman akong dapat asikasuhin diyan eh," sagot niya
"Sira, walang aasikasuhin sipain kaya kita? Paano mo masisiguradong lalago iyan kung mismong ikaw tinatamad!" Sermon ko
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...