"Oh,, yung mga gustong bumaba at kumain,,stopover muna tayo..." Nagising ako sa tinig na iyon..Tila yata,,nananaginip ako..ah,,hindi pala..Bumaba ako ng bus para maibsan ang matagal ko nang pagkakaupo sa upuan ng bus na ito..Byaheng Cubao-Isabela..Pagkababa ko,,ala una y medya,,madaling araw...nagulat ako,,tila yata,,abot kamay ko ang langit at napakaraming bituin...maliliwanag...Naglakad lakad ng konti..Me marker sa banda roon,,HIGHEST POINT IN LUZON..kaya pala...Iniisip ko,,nasukat nila iyon? Pagkataas taas nitong kinatatayuan ko,,at bangin ang makikita mo..Hindi pala..PINAKAMATAAS na lokasyon na matatapakan mo..Isa na yata ito sa hindi ko malilimutang eksena ng buhay ko..Napakaraming mga bituin,,iba't ibang kulay..Me aandap andap,,me maliwanag,,me hindi masyado..Iniisip ko..Para ring mga tao,,me mahiyain,,at merong hindi..Show off ang bituin na iyon,,Nag wish ako,,syempre,,bata pa lang ako ay mahilig na talaga ako magbilang ng mga bituin...Pumanhik na ako ng bus,,at natulog ulit..Pagkagising ko,,nasa Cauayan, Isabela na ako..Sasakay na lang ako ng traysikel..ay hindi pala,,bababa na lang ako sa may malapit kela Oneth..bestfriend ko,,ugali ko na talaga ang manorpresa,,mga alas tres na ng madaling araw,,ginising ko sa kama si bestfriend..niyugyog ko ang balikat nya..Bestfriend..Oneth,,nandito na ako..At nagising si oneth,,bilog na bilog ang mga mata,,natutuwa talaga ako sa kanya kapagka nagugulat...parang holen ang mga mata..akala nya ata,,nananaginip sya..yun pala andito na ako sa harap nya..Hoy, MEL!!!! ikaw ba yan.. Eh, syempre ako tuh..sino pa ba sa akala mo? ahaha..pa kape ka naman...at syempre pupungas pungas si bestfriend pero alam kong natutuwa sya..at nag almusal na kami over a cup of coffee,,walang katapusang kwentuhan..
Ito ang nami miss ko sa baryo,,,mga luntiang kapaligiran,,mga bukirin,,na pagsapit ng anihan,,ay magiging mga ginintuang butil...