Sa mga nagbabasa nito, thank you so much for reading this story! To be honest isa ito sa mga stories na hindi ko gaano ka napagisipan kung ano yung plot at ending. So napaka random lang talaga yung pag uupdate ko. Kung ano yung lumalabas sa isipan ko, isusulat ko, I'm sorry and I'm so thankful sa mga readers nang 'ISWAC.' I love you guys!
Brent at the top!
Drake's POV
Lumabas na ako sa cafe at pinuntahan sila Alfred, Meljun, Elle at Brent with his gang. Nakita ko kung paano pinalayo nang mga kaibigan ni Benj sina Alfred at Meljun habang si Elle at Brent nag-uusap.
"Ba't niyo hinaharangan mga kaibigan ko?" Tanong ko habang palapit sa kanila.
"Pre, Utos ni Brent." Isa sa kaibigan niya.
"Hindi namin mapagkatiwalaan yang kaibigan niyong malaking bully." Meljum.
"Promise, mag-uusap lang sila." Isa sa mga kaibigan niya na may suot na cap.
Tumango lang kami pero nanatiling nakatayo at nakatingin sa kanila. Napansin namin na napayuko si Elle at tumakbo palapit samin habang si Brent ay naiinis na umalis papunta sa kabilang daan.
"Brent! Hintay!" Mga kaibigan niya at sinundan siya.
Paglapit ni Elle samin ay namumula siya tapos napabuntong hinga.
"Anong nangyari?" Alfred at hinawakan si Elle sa magkabilang braso.
"Anong pinag-usapan niyo?" Meljun sabay tulak kay Alfred at siya na naman ang humawak kay Elle sabay yugyog.
"Paano siya makapagsalita kung puro kayo tanong." Sabi ko sa kanila at tinulak nang mahina si Meljun palayo sa kay Elle. "Speak." Sabi ko sa kanya.
"W-Wala. We just...talked." Elle at natulala.
"Elle?" Alfred.
Nagwave nang kamay si Meljun sa harapan niya pero tulala pa rin kaya he snapped it at nagbalik si Elle.
"W-What?" Nalilitong tanong ni Elle.
Napailing ang dalawa kaya hinarap ko siya na naka cross-arms.
"Ano naman yung pinag-usapan niyo?" Tanong ko.
"Nothing! Really... nag sorry lang siya. Yun lang." Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad siyang tumakbo papasok ulit sa cafe.
"Bakit iba yung nafifeel ko?" Meljun.
"Dude, may gusto ka kay Elle?" Alfred na agad nakatanggap nang batok galing kay Meljun.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin! Yung parang may hindi siya sinasabi satin ulol!"
"Oo nga no?" Alfred.
"Whatever it is. Huwag na nating tanungin, mag oopen up din siya. When the time comes." Sabi ko at naunang lumakad. Sumunod na rin yung dalawa.
Suzy's POV
"Oh Elle! Ba't ang pula mo?" Tanong ko nung nakapasok na siya.
"Wala... sheeemaaay!" Siya at uminom nang inorder niya. "That was really unexpected!" Dagdag pa niya.
"Ate cute, may gusto yun sayo? Yung nakakatakot na lalake?" Singit ni Chris sa usapan. Natawa nalang ako, nakuuu tong batang to ang wild nang imagination!
Or so I thought...
Biglang namula si Elle na parang kamatis at yumuko.
"No way." Sabi ko sa kanya.
"C-Chris hindi g-ganun." Nauutal na sabi niya.
"But it looks like it." Chris tapos tumingin sakin. "Diba ate ganda?"
Napaisip naman ako tapos napa gasp. No way!
"Seryoso? Elle?" Pangungulit ko.
"S-Stop it." Elle at uminom ulit. Pinakalma niya ang sarili niya pero napangiti yung gaga at nammula muli.
"NO WAY ELLE!" Natatawa kong sabi.
"Hindi nga!" Kinikilig niyang sabi sakin.
"Ako pa ang lokohin mo? Ang obvious!"
"Whatever you're thinking, hindi talaga!" Pagde-deny niya.
"Admit it! Gusto mo si Brent? Kahit na bastos yun at napaka-bully?" Pangaasar ko sa kanya.
"He may be a bully but he's cute and sweet!" Seryosong sabi ni Elle.
"Si Brent?!"
Nagulat kami dahil nandito na pala ang mga lalake. Napayuko nalang si Elle at tinago ang mukha gamit ang buhok niya.

BINABASA MO ANG
It Started With A Click
Jugendliteratur{Status: On Going} Meet Drake,Mahilig kumuha nang litrato hanggang sa nakunan niya nang litrato si Suzy.Mauuwi kaya ito sa pagka in-love-an? or hanggang litrato lang na nagsi-silbing 'HAPPY MEMORIES'? Book Cover Credits to: @enchantel_