A/N: Dedicated kay Ate Denny kasi idol na idol ko talaga sya to the bones and muscles. Wala akong pinalalampas na story nya. Kaya para sayo ate denny kasi ikaw yung inspiration ko. *u*
Pa vote at comment naman po puhleeaasssee? First time writer po ako dito sa wattpad. Pag nagustuhan niyo po itong first story ko, sana po mag comment kayo. Wahahahaha. :)
Para po ma motivate pa ako magsulat saka ang saya kasi.
Sana magustuhan nio po 'to. Thankyou pooooo. ^______^
-----------
Madalas, hindi pa natin malalaman ang totoong halaga ng isang tao hanggat hindi pa sila nawawala. Yung mga pagkakataon tine-take for granted natin sila dahil masyado tayong umaasa na kahit pa anong gawin natin, hindi nila tayo iiwan.
Madalas rin, nasasaktan tayo. Kasi, hindi lahat sila kayang maghintay.
Aleah's POV
"Aleaaaahh! Nandyan na si Gab!!! Good luck friend ha? Sagutin mo na yan! Hala ka, baka mag sisi ka sa huli! Kita tayo sa gym para sa practice!" Sabi ni Riza, closest friend ko ng halos limang taon na. Lahat na yata ng bagay tungkol sakin alam na niya, syempre, pati na rin kay Gab.
"Sagutin? Eh pano ko sasagutin ang isang taong hindi naman nagtatanong, hindi nga nanlilgaw yun at saka----" Sigaw ko kay Riza, lecheng babae yon, iwan ba ako?! Ayoko pa naman humarap kay Gab nang nag iisa. T______T
Birthday ko ngayon, 16 na ako. At graduating sa susunod na linggo sa high school. Di magtatagal at magkakahiwalay na rin kami nitong mga kumag kong kaibigan. Nakakasawa na rin kasi ang mga itsura nila eh, pero mami-miss ko pa rin sila.
"Gabriel..." Mahina kong sabi.
Dug.dug.dug. Leche, kinakabahan ako, bakit ba?
"Aleah, para sayo. Happy Birthday." Sabay bigay ni Gab ng gift sakin. Di ko na kailangan buksan para malaman ang nasa loob. Obvious na kaya sa laki.
"Salamat. Pero Gab, pwedeng magtanong?" Dire-diretso kong sinabi. Kailangan tanungin ko na to ngayon. Kung hindi, baka ako mag sisi sa huli. Ayoko, ayokong masaktan. Kaya gagawin ko na to, ngayon na ang nakatakdang panahon. ~____~
"Bakit mo ginagawa 'to? Hindi naman tayo, ni hindi ka nga nanliligaw. At hindi ako tanga para hindi malaman na may ibig sabihin lahat ng to. Apat na taon tuwing birthday, Chirstmas, at Valentines mo na 'to ginagawa." Puno na ng pagtataka ang isip ko, pero kita kong puno nga pag aalinlangan siya.
"Ah, eh kasi, yung ano.. yung...Ah! May practice pala tayo sa graduation, tara na, baka ma late tayo!" At agad2 siyang tumakbo hanggang sa hindi ko na siya makita.
Naiinis ako. INIS na INIS ako...
DALWANG BESES NA KONG INIWAN HA?! WALA MAN LANG HINTAYAN?! Ampessteee. +____+
Gab's POV
"Bakit mo ginagawa 'to? Hindi naman tayo, ni hindi ka nga nanliligaw. At hindi ako tanga para hindi malaman na may ibig sabihin lahat ng to. Apat na taon tuwing birthday, Chirstmas, at Valentines mo na 'to ginagawa."
Natameme ako sa sinabi ni Aleah. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, kaya napatakbo na lang ako. Ang laki kong duwag. (_ _)
Oo, apat na taon ko na itong ginagawa para sa babaeng mahal ko. Para sa ka isa-isang babaeng nakakapagpatigil ng mundo ko. Sa likod nya, halos ipangalandakan ko na ang pagkagusto ko sa kanya, pero pag nandyan na siya, nawawala ako sa sarili.
BINABASA MO ANG
Short Story - Waiting: The Beginning
RomanceA story of love, regret and letting go. In love, timing is important. Pero anong mangyayari kung nahuli ka na sa isang bagay na dapat matagal mo ng ginawa? He's scared... She's waiting. Magkatagpo kaya ag puso nila? O huli na ang lahat?