Ngunit isang araw, may hindi inaasahang pangyayari ang naganap. May bumagsak na mini bulalakaw sa tahanan nila Carlo at mukhang nasapul siya sa ulo. Dali-dali naman siyang dinala ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa pinakamalayong ospital.
Dinala siya sa operating room dahil doon lang naman talaga dinadala ang mga pasyenteng kailangang operahan. Paglipas ng ilang oras ay lumabas na ang mga doktor at nars sa operating room upang mag-coffee break. Inabot din sila ng mga isang oras bago bumalik sa operating room upang gamutin si Carlo.
Paglipas muli ng ilang oras ay lumabas na ang mga doktor at nars kasama na si Carlo. Sinabi ng doktor sa mga kamag-anak at kaibigan ni Carlo na naging kritikal ang pagtama ng mini bulalakaw sa ulo ni Carlo kaya naman siya ay nagkaroon ng tinatawag na amnesia.
BINABASA MO ANG
Kewlché: Cliché Pero Kewl
MizahSawang-sawa kana ba sa mga tila paulit-ulit na lang na tema ng mga kwento ngayon? Sang-ayon ako sayo kahit na hindi ko alam kung tumango ka sa tinanong ko. Tara, sumabay kana sakin at gagawa tayo ng mga kwentong trying hard upang hindi maging cliché!