Hindi nasatisfied ang mga nanuod ng pelikula dahil napaka-cliché nang mga nangyari lalo na dahil sa laging huli dumating ang mga pulis kaya naman minabuti ng mga producer na magkaroon ng isa pang pelikula para naman makabawi sa mga reklamo ng mga manunuod. At ito ang nangyari.
“Paano mo nagawa sa akin ito, Adrianne! Bakit?! Ano bang nagawa ko sayo at ganito ang pagtrato mo sa akin?” malaking tanong ni Enrico sa kaibigang si Adrianne. “Grabe ka naman, hindi lang naman kita na-tag sa picture nagalit kana ng husto?” sumbat naman ni Adrianne.
“Humanda ka! Kikidnapin ko ang lola mo kahit na hindi na siya kid! Magkita na lang tayo sa isang tagong basement ngunit hindi ko sasabihin kung saan. Bwahaha” pagbanta ni Enrico.
BINABASA MO ANG
Kewlché: Cliché Pero Kewl
HumorSawang-sawa kana ba sa mga tila paulit-ulit na lang na tema ng mga kwento ngayon? Sang-ayon ako sayo kahit na hindi ko alam kung tumango ka sa tinanong ko. Tara, sumabay kana sakin at gagawa tayo ng mga kwentong trying hard upang hindi maging cliché!