Sa sobrang pagdududa, isang araw ay minatyagan ni Isabel si Tyronn. Nagulat siya sa kanyang nasaksihan dahil may kasamang lalaki si Tyronn sa isang bar. Gusto niyang maluha dahil hindi niya matanggap na bakla pala ang kanyang syota. Ngunit nung pinagmasdang mabuti ni Isabel ang kasama ni Tyronn ay nagulat siyang muli dahil ito pala ang tatay ni Tyronn. Kung anu-anong kagagahan pa tuloy ang pumasok sa kanyang isipan.
Titigilan na sana ni Isabel ang pagmamatyag dahil unti-unti na siyang naniniwala na wala naman talagang kalaguyo ang kanyang kasintahan. Ngunit napansin niya nung umalis na ang tatay ni Tyronn ay may isang magandang babae ang lumapit. Nanlaki ang mga mata ni Isabel nung nakita niyang magkaakbay ang dalawa. Si Tyronn at yung babae ah, baka kasi kung sino isipin mo eh.
BINABASA MO ANG
Kewlché: Cliché Pero Kewl
HumorSawang-sawa kana ba sa mga tila paulit-ulit na lang na tema ng mga kwento ngayon? Sang-ayon ako sayo kahit na hindi ko alam kung tumango ka sa tinanong ko. Tara, sumabay kana sakin at gagawa tayo ng mga kwentong trying hard upang hindi maging cliché!