Mahirap gumawa ng kwentong papatok sa mga puso ng mga magbabasa o manunuod nito. Sobrang dami na ng mga nagawa kwento sa mundo at napakababa na lamang ng pag-asa mo na makagawa 100% originial story.
One way or another, kailangan mo pa rin talagang gumamit ng mga gasgas na ideya. Pero hindi ba minsan, halimbawa, napanood mo na ang isang palabas sa telebisyon, memoryado mo ang bawat eksena at linya ng mga tauhan pero muli mo pa rin itong pinapanood. Dahil kahit na alam mo na ang mangyayari, natutuwa ka pa rin. Oh pwede rin namang wala ka lang talaga mapagtyagaang panoorin.
But the end of the day, binalik-balikan mo pa rin. The point is, hindi lahat ng cliché stories ay pangit at hindi rin lahat ng hindi cliché ay tiyak na maganda. Maraming criteria ang dapat iconsider para maging maganda ang isang kwento.
Nawa’y iyong nagustuhan itong munti kong handog na kalokohan sa iyong buhay. Hindi pa dito nagtatapos ito, dahil marami pang ibang cliché stories diyan, abangan niyo na lang na gawan ko ng kalokohan. Maraming salamat sa pagbabasa.
Mabuhay kayo, mga living things!
Other stories available:
>Ang Palakang Nais Umawit - May palakang nais umawit sa kwentong ito
>Nung Sumulat Ako Ng Love Story - Love story ang tema ng kwentong ito
>No Bangs Since Birth - Tungkol ito sa taong pinanganak na walang bangs
>Open 23 Hours A Day - Bakit hindi ko pa ginawang 24 hours?
>Ang Pangarap Mong Love Story - Tungkol ito sa pangarap mong love story.
BINABASA MO ANG
Kewlché: Cliché Pero Kewl
HumorSawang-sawa kana ba sa mga tila paulit-ulit na lang na tema ng mga kwento ngayon? Sang-ayon ako sayo kahit na hindi ko alam kung tumango ka sa tinanong ko. Tara, sumabay kana sakin at gagawa tayo ng mga kwentong trying hard upang hindi maging cliché!