CORAZON
After ten years...
"Sayang talaga at wala ako diyan! Gusto ko pa namang um-attend ng reunion!" angil ni Myriah habang nagi-Skype sila.
Ngayong gabi ang itinakdang reunion para sa batch nila no'ng elementary. Personal pa nga siyang inimbitahan ng kanilang adviser noon upang dumalo. Gusto rin sana ni Myriah na pumunta kaso ay hindi naman napagbigyan ang hiningi nitong leave sa trabaho.
"Hayaan mo na. Marami ka namang pera," aniyang sinabayan pa ng halakhak habang bina-brush ang buhok na abot nang kalahati ng kanyang likod ang haba. She stopped cutting it short after two years of playing for the national volleyball team.
Nagmake-face sa kanya si Myriah. Nasa New York na ito at nagta-trabaho bilang manager sa isang malaking hotel doon. Last year ay kaka-petisyon lamang nito sa pamilya na naroon na rin ngayon.
"Still! Nakaka-inggit talaga," ngumuso ito. "I like your dress by the way. You're really pretty! Wala ka pa bang boyfriend, huh, Corazon?"
Sinulyapan niya ang kanyang suot sa harapan ng floor length mirror. It's a peach colored peplum blouse and pencil cut skirt with the same color. Humahapit ang damit sa bawat kurba ng kanyang katawan. Pinarisan niya iyon ng puting high heels. At sa manipis na make-up na nilagay niya sa kanyang mukha ay lalo lamang lumutang ang maputi niyang balat.
Hindi pa rin naman siya tuluyang nagbabago. She still wears shorts and t-shirts. Mas kumportable pa rin siya sa mga iyon. Kinakailangan niya lang iangkop ang kasuotan sa okasyong dadaluhan kaya ganito.
"Wala. Walang nanliligaw," she grinned.
Kumunot ang noo niya habang pinapasadahan ng daliri ang buhok. Para bang may kulang doon. Hinalungkat niya ang vanity upang maghanap ng babagay na hairclip.
"Dahilan nito! Ano'ng walang manliligaw? Eh, noong bago tayo gr-um-aduate sa high school ay tinuloy ni Macoy ang panliligaw sa'yo. Kahit noong college ay pila ang naging manliligaw mo. And don't you dare deny it! Kita ko kung ilang lalaki ang nag-aabot sa'yo ng bulaklak at chocolates tuwing natatapos ang game mo!"
Dinampot niya ang hairclip na ilang taon man ang lumipas ay nananatiling pamilyar sa kanya. Ibinalik niya iyon sa pinagkuhanan bago naghanap ng iba pang maaaring ilagay sa buhok.
"May asawa't anak na ang Ate Joy mo. Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa ka lang diyan sa bahay na inuupahan mo? You're already twenty-six. Siguro naman ay payag na si Ate Joy niyan, 'di ba?"
Nasa ikalawang taon siya noon sa kolehiyo nang mabalitaan niyang nabuntis ang kanyang Ate Joy. Ngunit sa kasamaang palad ay tinakbuhan lamang ito ng lalaki at hindi pinanagutan. Wala na sana ito'ng plano pang muling magmahal pagkatapos ng pagkabigong iyon nang dumating naman sa buhay nito si Angelo, ang kasalukuyang asawa ng kanyang Ate Joy.
Ngunit bago iyon ay katakot-takot na pagpapahirap muna ang dinanas ng kanyang Kuya Angelo sa kamay ng kanyang Ate Joy bago napa-oo ang huli. Ngayon ay masaya nang nagsasama ang dalawa kasama ng dalawang anak sa kalapit bayan na iilang minuto lamang ang layo mula sa tinitirhan niya.
Narito kasi ang kanyang trabaho. Isa pa ay na-stroke ang kanyang tiya Divina dalawang taon na rin ang nakalilipas at bumibisi-bisita siya rito linggo-linggo upang tumulong sa pag-aalaga. Nasa ibang bansa na rin kasi si Kristine at may magandang trabaho doon. Nag-hire na lamang ito ng private nurse para mag-alaga sa ina.
Malaki pa rin ang pagkakautang nila ng kanyang ate rito sa kabila ng mga nangyari noon. Hindi maaaring basta na lamang kalimutan iyon. Hindi man naging maganda ang kinahantungan ng lahat, alam niyang hindi naman magiging kasingbuti ng kinalalagyan nilang magkapatid ngayon ang sitwasyon nila kung sakaling 'di sila kinupkop ng kanilang tiya noong mga bata pa sila.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)
FanfictionAlam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right. Until Donato "Donny" Pangilinan came in to the picture and made her experience strange feelings. But why? He's the total opposite of her dr...