9.Red days

5.5K 112 11
                                    


Luna's POV

"Huh huh hu!"-humihilik pa.

"Hihihihi!" Ang ingay naman ehh, antok pa ako.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko at biglang bumungad sa akin ang mukha ni.......

Ni.......

Ni Kurt?! hala anong ginagawa niya sa loob ng room ko?

"Hoy ikaw lalake ka lumayas ka kung ayaw mong ipalapa kita sa sandamakmak naming aso!" Sigaw ko kahit wala naman talaga.

"Ahahaha badtrip ka agad? I see, you're not a morning person, huh?" Punong puno na talaga ako. Konti na lang at kakalmutin ko na talaga siya!

Tumayo ako at tinulak siya palabas ng room ko.

"Uyy joke lang nerd! Ahaha!" Lalo akong na asar sakanya.

"Heh wag ka ng magpapakita sa akin kung hindi....." Bigla siyang na pangisi, ono, wrong move.

"Kung hindi?" Oh my, ang husky ng voice niya at ang sexy pa! Huh!

"K-kung hindi sasabihin ko sa lahat na mahilig ka sa pink na damit!" Ewan ko rin kung saan ko yun nahugot pang takot pero biglang nag iba ang mukha ni Kurt, wait totoo kaya? Hmmmm...

"H-hindi noh!" Hala napaiwas pa ng tingin sa akin ohh, mwuahahah! I now know your dirty little secret, mwuahahah! *evil laugh*

Sabay walkout, ay taray!

Naligo na ako at nagbihis, pagbaba ko ng hagdan nalaglag bigla ang panga ko.

Kasi nga, huwat este what........

Nag uusap sila ni mama, ehh hindi pa niya alam na merong twin si Kristian ehh baka mabigla siya!

Umalis naman si mama at pumunta ng dinning room.

"Hoy lumayas nga ka ngang lalake ka!, bad trip naman ohh!" Hindi ko alam kung bakit pero galit na galit ako ngayon! Grr..... 😾😾😾

"Tss! Ang cute mo pala pag naiinis ka ehh!" Napakunot lang ang noo ko sa sinabi niya, ahhhhh hundi ko na talaga alam!

Tinarayan ko lang siya at dumiretso sa dinning room, tss sinundan naman ako ng tukmol na yan.

"Pwede ba bukas ka na lang mangulit, Kurt please lang ha, utang na labas este loob!" Ang kulit niya! Lalong sumasakit ang ulo ko eh!

"Mama meron po ba tayong ice cream diyan?" Pagkatanong ko kay mama biglang napangisi si mama, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa inakto niya.

"Anak wala tayong ice cream ngayon ehh." Mahinahon niyang sabi.

Naiiyak ako! Gusto ko talaga ng ice cream ngayon na! Huhuhu.

Napatingin ako kay Kurt na nasa likod ko lang pala, humarap ako sakanya ng nanlulumo.

"Kurt?" Alam kong nakakahiya ang gagawin ko pero sobra akong nalulungkot ng sabihin ni mama na walang ice cream.

"Ano yun Nerd?" Huhu iwas na iwas ang paningin ko sakanya! Sorry talaga pero kailangan ko tong gawin!

Lumapit ako sa kanya as in yung malapit.

"Kurt, pakagat sa arm please." Alam kong weird ang request ko pero yun ang gusto ko ngayon!

"A-ayoko nga nerd!" Bigla siyang napalayo sa akin at mukhang nabigla sa sinabi ko.

"Please! Please! Please!" Pagmamakawa ko sa kaniya with matching pacute pa, ewan ko kung bakit pero gusto ko ng ice cream at gusto kong mangagat! Gustong gusto!

Last first kiss [COMPLETE] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon