Chapter 31

2.2K 119 50
                                    

Jaicy's POV

Marahan kong minulat ang mga mata ko. Ang lamig ng paligid pero salamat sa taong nakayakap sa 'kin ngayon at naiibsan ang panginginig ng katawan ko.

Wala sa sarili akong napatingin sa bintana habang pilit na inaalala ang nangyari at kung bakit ako nandito. Naasar ako kay Prince kaya lumabas ako ng k'warto. Tapos nakita ko si Ryu sa may pangpang.

Tapos... SHIT!

Natataranta kong nilayo ang sarili sa lalaking nakayakap sa 'kin ngayon. Inaantok s'yang napatingin sa 'kin. Wala s'yang saplot kaya napatayo ako ng di oras at napatingin sa malayo. Jusko! Ano'ng ginawa ko?! Ano'ng manyak na kaluluwa ang sumapi sa 'kin at nagawa kong makipag-sex sa kababata ko?!

"You're awake," garagal ang boses na sabi n'ya.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang hubad ko ring katawan sa salamin. "AHHHH!" malakas na sigaw ko at pilit hinigit sa kanya ang kumot para itaklob sa katawan ko.

"Ow! No need for that, baby. Nakita ko na lahat sa 'yo," nakangising saad n'ya na lalong nagpapula ng mukha ko. Tinaas baba pa n'ya ang mga kilay na parang nag-aaya pa ng isang round. Kumunot ang noo n'ya nang makita ang matinding nerbyos sa mukha ko. "Are you okay? You look like you see a ghost."

I'm not okay!

Mabilis akong tumakbo papunta ng banyo pero gano'n na lang ang gulat ko nang biglang gumuhit ang sakit sa likuran ko.

Parang palaka akong sumemplang sa kahoy na sahig.

"Aray!" malakas na sigaw ko habang sapo ang pang-upo. Dumugo ba ako kagabi? Bakit sobrang sakit naman? Para akong biniyak sa kalahati.

"H—Hey! Be careful."

Agad s'yang tumayo sa kama para tulungan ako. Napapikit ako nang makita ang bouncing baby dragon n'ya. Huhu! Ang laki talaga. Nagkasya sa 'kin 'yon? Paano?

"I cleaned you already. I just didn't put on your clothes kasi I wanted to stare at your naked body."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi n'ya. Tinitigan n'ya ang kahubaran ko? Bolang ba s'ya! Huhu. Nakakahiya na nga tapos ang sakit pa ng pang-upo ko.

Bubuhatin n'ya na sana ako pero tinapik ko ang kamay n'ya.

"Kaya kong maglakad," masungit na sabi ko. Pilit kong niyukod ang katawan para pulutin ang nagkalat kong mga damit kahit masakit ang likuran ko. Umasim ang mukha ko nang makitang punit ang damit na suot ko kanina. "Bakit mo kasi sinira!" malakas na sabi ko at binato sa mukha n'ya ang damit.

"I—I'm sorry. Ikukuha na lang kita ng damit."

Agad akong pumasok ng banyo habang hinihintay ang mga damit. Nanghihina akong napakapit sa sink. Unti-unti nang bumabalik sa alaala ko ang mga kalandian ko kagabi. Ako pa talaga ang nag-insist na ituloy ang ginagawa namin.

"Ang harot mo, Jaicy!" asar na kausap ko sa sarili at ilang beses na tinuktok ang ulo ko.

Napatigil ako nang makita ang marka ng sinturon sa wrist ko. Tinanggal ko ang kumot sa katawan at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang mga pinaghalong hickeys at pasa sa katawan ko.

Ito ba ang tinatawag n'yang art?

Hayop.

"Baby?" tawag n'ya mula sa labas. Asar kong binuksan nang maliit ang pinto para kuhanin ang damit. "Let me help you." Papasok na sana s'ya pero sinarado ko na iyon. Napatingin ako sa damit na binigay n'ya.

It's his clothes.

"You sure you don't need my help?" rinig kong tanong n'ya sa labas ng banyo. Hindi ako sumagot at isa-isang sinuot ang mga damit na binigay n'ya. Isang black na tee-shirt at 'yong underclothes ko. "Let me know if you need anything."

Napairap ako sa sobrang frustration. Ano'ng sasabihin ko kay Prince? Hindi ko maintindihan kung bakit umabot sa point na may nangyari sa 'min ni Ryu. Dahil ba sa asar ko kay Prince kagabi? Iyon lang? Tapos nakipagchuchakan na ako? Reasonable na ba 'yon?

Si Ryu ang bumungad sa 'kin paglakabas na pagkalabas ko ng banyo. Agad s'yang bumuntot sa 'kin pero dere-deretso lang ako sa pinto.

"H—Hey! Say something," natatarantang sabi n'ya.

Lumingon ako sa kanya nang makalabas na ako ng k'warto. Parang tuta s'yang nakatingin sa 'kin at humihingi ng atensyon. Napaiwas ako ng tingin dahil sa nagsusumamong mga mata n'ya.

"Let's pretend that this never happened. It's just a one night stand, Ryu. Let's not make things complicated."

Kinakabahan pero diretso kong nasabi sa kanya ang mga salitang iyon. Napatigil s'ya sa sinabi ko. Naiwan s'yang nakatayo sa may pinto habang mabilis akong naglalakad pabalik sa k'warto namin.

Hindi ko mapaliwanag kung gaano kabilis ang tambol ng puso ko ngayon. Nakatayo lang ako sa harapan ng k'warto namin ni Prince. Mahigit kalahating oras na yata.

"Ano'ng idadahilan ko? Dapat ba akong magdahilan? Sabihin ko ba ang totoo? Malaking gulo 't—"

"Jaicy?"

Nanlaki ang mata ko nang biglang magbukas ang pinto at bumungad sa 'kin ang nagtatakang mukha ng boyfriend ko. Agad akong binalot ng konsensya dahil sa walang muwang nitong itsura.

Wala s'yang kaalam-alam na nakipag-sex na ako sa iba.

"Hinanap kita kanina pero hindi kita makita. Sorry sa nagawa ko kahit hindi ko alam kung ano iyon. Ang sabi ni Lei mag-sorry na lang ako sa 'yo kahit wala akong ginagawa," inosenteng sabi n'ya. Namilog ang mata ko sa kuwento n'ya.

Biglang nawalis ang konsensya sa puso ko at napalitan ng kaba.

"S—Sinabi mo kay Lei ang tungkol sa 'tin?" kinakabahang tanong ko.

"No," Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi n'ya. "He said that he already knows it and I didn't have to lie kaya I asked for relationship advice," dugtong n'ya na nagpalaki ng mata ko.

"Edi sinabi mo nga!" frustrated na sagot ko. Naiiling kong nasapo ang mukha ko.

Agad naman n'yang iniling ang ulo n'ya. "I didn't. Lei already knew," sagot n'ya.

"Pero hindi mo tinanggi. Gano'n din 'yon, Prince!"

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa boyfriend ko. Ngumuso s'ya sa 'kin. "S—Sorry," malungkot na saad n'ya at tumungo.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa sobrang guilt.

I should be the one saying that, Prince.

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon