His 'love'
UP Diliman.
Oo, stereotyped na talaga ang mga estudyante dito na matalino, laging walang tulog, aktibista, hindi kagandahan/kaguwapuhan (kasi too good to be true daw kung matalino na nga, artistahin pa!)
Well, at first, I could say that UP has its unique culture. Totoong pwede kang pumasok sa klase nang nakapangtulog. Hindi 'to magiging issue sa mga kaklase mo. Swear. Isang buong sem lang kayong magsasama, at matapos noon ay parang walang nangyari. Parang hindi kayo nag-exist sa buhay ng isa't isa. Magkasalubong man kayo sa daan, tiyak na hindi kayo magpapansinan. Pero siyempre, may exception din naman ito.
Tinuruan din ako ng unibersidad na ito na hindi maligo sa loob ng limang araw. Kung noong high school, walang araw na pumasok ako ng school nang hindi naliligo, ngayon ay kebs na. As long as hindi pa nangangamoy ang kili-kili ko, okay lang.
Nabalitaan n'yo na ba ang mala-Hunger Games na enrolment process dito? Kung hindi pa, sige ikukuwento ko.
Teka, tinatamad pala ako. I-google n'yo na lang! Basta kung may LBM ka ng araw na iyon, tiyak na kawawa ka.
Gusto ko nga rin palang i-debunk ang ilan sa mga stereotype na bukambibig ng iba tungkol sa UP. Hindi totoong aktibista kami lahat dito. Utang na loob. Hindi rin kami lahat poor. Kung alam n'yo lang, ang dami kayang naka-iphone dito! Tsaka marami ring maganda at guwapo sa UP. Pumunta kayo sa CBA, marami dun! *wink*
At higit sa lahat, hindi lahat ng estudyante ay GC (grades conscious). Basta, hindi ako nag-gegeneralize pero tao rin kami na mahilig mag-party at mag-cram. Marami ring bad ass sa amin. Yung iba nga lang, sumobra kaya napatalsik sa unibersidad o kolehiyo nila.
"Pia! Nagmumuni-muni ka na naman diyan!" bungad sa akin ng kaibigan kong si Gavin. Tinabihan niya ako sa bench na kinauupuan ko.
"Well, yeah. Ang sarap kayang tumambay dito sa sunken garden," sabi ko.
"Natapos mo na ba schoolworks mo?"
Umiling ako. "Not yet," may bahid ng konting inis na sagot ko. Actually, ayokong gawing issue ang ADHD ko. Hindi ito lingid sa kaalaman ni Gavin kaya alam niyang may bihirang inattention at impulsivity ako kung minsan.
Mabilis din akong mainip at laging distracted.
Makalilimutin.
Hyperactive. Minsan parang uod na binudburan ng asin.
Laging kinakausap ang sarili.
"Why should we accept you in this org?" nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Clint.
Bakit mo pa ako tinatanong? Alam mo na naman ang sagot! Leshe.
Bagaman gusto ko nang umatras ay nanatili pa rin akong nakatayo sa harap ng panel.
"Because...Uhm..."
"What?" halatang naiinip nang tanong ng isa pang orgmate ni Clint.
"Because..." nagsimula nang lumikot ang mga kamay ko.
"Ms. Fuentes, put your hands on your side."
"Because I am..." Saglit kong tinitigan ang panel ko. Ang totoo, kaya lang naman ako sumasali sa org ay dahil gusto kong makasama si Clint. Gusto kong lagi siyang nakikita. Kung hindi dahil sa kanya, baka wala na ako ngayon sa UP.
Kailangan ko siya...
"So? Ano na?"
"Wala kang maisagot?"
"You're wasting our time!"
Biglang umakyat ang dugo sa ulo ko."Shit! You know—"
"Shit!" ani ni Clint.
Ikinagulat na lang naming lahat nang bigla siyang tumayo at hinila ako sa mga kamay palabas ng silid. Walang lingon-likod na dinala niya ako sa loob ng kotse niya na naka-park sa tapat ng Palma Hall.
"Piandra, uminom ka ba ng gamot?" mahinahong tanong niya.
"No."
He sighed.
"You have to continue the interview. Sayang yung pinaghirapan mo sa application process."
"I don't care! Alam mo, nakakainis sila e. Tsaka ayaw kong uminom ng gamot kasi para ko na ring tinanggap na may problema sa akin. Basta! Basta! Ayo—"
He embraced me. "I love you. I love you."
That's it. His soothing words. Very much effective than meds.
First of all, wala kaming relasyon.
Asungot ang tingin niya sa akin.
Weird it may be called, but his mere saying of those words can literally bring me back to sanity.
His my shelter
...and my first love.