I tried hard not to look to the court so I diverted my attention to other things.
While spacing out, naalala ko na nagtext ang Org President namin kagabi. Magcover din daw ako ng interview with the MVP of the game. Ang daming pinapagawa.
Kagustuhan ko rin naman na sumali sa Journalism Club dahil hilig ko rin magsulat at mabuti nang may katuturan ang sinasayang kong oras.---
Nasungkit muli ng West State ang third-quarter. Mahigpit ang labanan sa gitna ng dalawang unibersidad.
Nagfocus akong muli sa laro nang magsimula na ang fourth-quarter game. Ayon sa score board, nangunguna na sa fourth-quarter game ang Southgate over Westgate with so close score of 97-96
This is exciting. Matatapos na ang laro at isang minuto na lang ang natitira.
Hawak ni Sullivan ang bola at hawak rin nito ang nalalabing minuto. This is so frustrating at the same time! Afterall, kampi pa rin ako sa dapat ko kampihan.
"BOOOOOOOO!!! LOSERRRR SULLIVAN!! DI KA MAGALING!! ANG PANGET MOOOOO!!!" Nalunod ang court ng sigaw ko na abot hanggang litid ko para makadistract sakanya.May mga kasabayan akong sumigaw pero puro yun pag-cheer sakaniya. Umalingawngaw talaga ang sigaw ko kesa sa kanila. Nasan kayo ngayon West State supporters?
Hello? Narito ako para sa coverage at dapat wala akong kinikilingan e!
Nakita ko syang napalingon sa akin na kunot ang noo.
Shoot!
"WHOOOOOOOOOOO!!!" Sigawan at tayuan sa loob ang inani nito pagkatapos niyang maipasok ang pinakahuling bola.
Padyakan, ngisay, at sigaw ang naging laman ng court dulot ng mala Lebron James na 3-point shoot na yun.
"IDOL ANAKAN MO AKOOO WAMPORT!!"
"LAWAYAN MO SALIVA KO SULLIVAN!"
"WALANG KUPAS CRUSSSSHHHH!!"
Kanya-kanyang sigaw ang mga tao sa loob na pinapangunahan ng Southgate supporters at.. West State supporters?
Naka 3-point shoot si Sullivan ending the game with a score of 100-96. Aminin ko, hindi naman mapagkakaila na magaling siya watching his moves and how he played very well in the court.
Nagkatinginan kami habang naglalakad siya papuntang bleachers sa mga kateam niya sa loob ng court habang nakangisi siya na naglalakad at hinihingal pa.
I feel a little bit shocked again and awkward at the same time. That stare is already intentional right? Ugh! Yabang mo!
Napapikit na lang ako sa kahihiyan na ginawa ko.
Awarding came for MVP and as all expected who will it receive...
"Sullivan Randall Wilson!" Isang malakas na hiyawan at sigawan na naman sa home court nila habang wagaywayan pa ng mga banners.
And their Rookie of the Year is "Marco Mendoza!"
Halos 2 hours and 30 minutes din ang itinagal ng laro dahil sa mga timeouts, breaks and whatnot.
Ano ka ngayon Clarisse? Magpainterview naman kaya yun sa sayo? Edi pag hindi ibalik na lang niya ang phone ko and I'm out of business here.
Ipinako ko ang mga mata ko sakanya para hindi mawala sa paningin ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at naglakad na patungo sakanya.
"Sullivan!" Sigaw ko habang hindi magkandaugaga sa aking mga dala. Pinilit ko silang habulin habang papunta sila sa dorm nila sa ilalim ng court.
Nagtinginan sa akin ang teammates niya na parang manghang mangha and God-knows-why. Ramdam ko rin ang iba't-ibang klase ng mga paninitig ng mga babae sa tabi-tabi. Marami ang nakasalubong ang kilay, may mga nagtataka o di kaya nama'y nagugulat ang mga mata.
Pinakahuli talaga syang lumingon sa akin na seryoso ang titig. I looked at his side dahil hindi ko kayang makipagtitigan.
Huminga muna ako ng malalim "U-uhmm. Can we talk?" I tried to look at him again.
"Whooooo!" kantyaw ng teammates niya.
"Iba ka talaga tol!" Tawang-tawa yung lalaking maliit na maputi pero siya ang maliksi kanina sa team nila, siya ata yung rookie.
"Ipakilala na kasi yan! Hindi na pinapatagal ipakilala pag ganiyan kaganda at seksi." nag-asaran pa sila ng paulit ulit. Ramdam kong pumula at uminit ang pisngi ko. Nakakahiya sakanya ang mga pinagsasabi nitong mga 'to!
"I don't talk to nothing." sinasabi niya iyon habang nakatingin sa katabi niyang player.
Naglakad na siya palayo at papasok sa loob.
Napanganga ako sa sinabi niya. Parang kanina lang binibigyan niya ako ng makahulugang tingin tapos ganyan siya ngayon.
Nadismaya kaya siya sa mukha ko? Wala naman akong tigyawat dahil makinis ang mukha ko. Chineck rin ng kamay ko kung may muta ba. Wala rin. Napangitan? Maganda naman ako. Naks! Hindi kaya dahil hindi niya ako nakita? Maputi naman ako.
May lumapit sa akin mula sa team niya "Para saan ba Miss? Pagpasensyahan mo na yun ganon lang talaga yon may pagka snabero."
"Ay hindi mukha naman syang mabait." sarkastiko kong sagot.
"I need to talk to him kasi regarding sa phone na kinuha nya saken atsaka kung papayagan niya, iinterviewhin ko sana siya for my project." pagpapatuloy ko.
Nagulantang naman sila sa sinabi ko.
"So kayo ang nakita kanina sa fountain while exchanging phone numbers?" na ikinatawa nila.
"Alam ko na. Puso mo ang ninakaw 'no? Ayiiiieee. Ibang tactic ang gamit mo a!" Nag-init ang pisngi ko and at the same time, I got frustrated.
I sighed "Phone ko ang kinuha hindi number." umirap ako sa kawalan.
"Sige sumama ka na sa amin sa loob para makausap mo na. I am Amaury by the way." nag-alangan ako sa paunlak niya dahil puro sila mga lalaki sa loob.
"Sean, isabay mo na." Sumenyas naman ito na nagaaya na sa akin pumasok sa loob.---
Naabutan ko ang suplado na nakaupo at nakatalikod.
"Sullivan! Sullivan! Napakagaling mo pumili." so kailangan mag chant?
"Labas mo na pre 'di ka naman naghihirap para kumuha pa ng phone!"
Nakarinig ako ng tawanan ng kaniyang team galing sa likuran ko.
"Shut up." hindi pa rin siya lumilingon. May inaayos ata siya sa bag niya.
"I need to talk to you rin pala para sa...uhm..school project ko. Atsaka babawiin ko na rin yung cellphone ko kailangan ko yan hindi magandang biro yan."
"And what do I have to do with your business at school?"
"Kailangan lang naman for uhm...i-interview? Uhm y-yeah for my project." lakas ko naman maka request.
Mahabang katahimikan ang namayani. Muntik na akong makatulog dios ko.
"Meet me later there at the carpark first area. 1PM. Don't dare make me wait for you."
Nagulat ako sa sinabi niya at napaangat ng tingin sa nakatalikod niyang katawan habang aamba ng paghubad sa kanyang jersey.
Nanlalaki ang mga mata ko. Damn that broad shoulders and sexy back!
He stopped from stripping his jersey. Hays.
"Please go out now. I don't like seeing you here." he said it while he's still on his back. Sungit niya talaga!
"Okay. I will go now. I won't be late. Thank you." nabuhayan naman daw ako bigla. Napanguso ako at pinipigil ang pagngiti. "See you, Sullivan!"
Narinig ko pa ang tawanan ng mga teammates niya while on my way to the exit.
YOU ARE READING
When Love and Hate Collide
RomansaI am hurting. All because my love and hate for him collide.