After three months…
“Kuya Steve!”
Psh. Kahit kalian ang ingay ng isang ‘to. Niyakap nya ako.
Nakatayo ako sa may bintana. Nakatanaw sa garden nitong osiptal, nakatingin sa mga pasyente na naglalakad doon. Maganda doon, kahit malayo ako ay tanaw ko ang makukulay na bulaklak. Hindi ko narating yung garden na ‘yun eh… wala kasing Bri na nagyayayang pumunta doon.
“Kuya. Buti naman nakakalakad ka na. Na-miss kita!”
“Psh. Na-miss mong mukha mo! Ni hindi mo man lang ako dinalaw! Tatlong buwan kang hindi man lang naka-isip dumalaw! Tsss. Muntik na kong tumakas. Alam mo ba ’yon?”
“Eeeh! Kuya naman eh. D’yan ka lang ha? Aasikasuhin ko lang yung bills para ma-pull out na kita dito. May sorpresa ako sa’yo pag-uwi natin ng Bulacan.”
Naka-ngiti sya. Hindi ko mabasa kung anong meron sa likod ng mga ngiti nya pero nakaramdam ako ng kaba.
“W-Wait Daise! P-pwede muna ba akong dumalaw sa Angel’s Hospital? Kahit saglit lang? Bago tayo pumunta ng Bulacan?”
“Idadaan kita dun Kuya. Ayusin mo na yung mga gamit mo jan. Pag-akyat ko, gogorabells tayo. Ok?”
“Gogorabells?”
“Go na! Shupi na! Aalis na tayo. Babushka!”
Umalis na si Daise. Ano ba namang babae yun? Napa-barkada ata sa bakla at kung anu-anong sinasabi.
Sa Angel’s Hospital…
“Uy! Steve! Magaling ka na pala. Good to see you here.”
Si Lou. S’ya ang naka-duty sa front desk.
“Nurse Lou. S-si B-Bri?”
“Ayyy! Si Bri? Aah-Ehh. Wala na sya ehh. Nag-resign sya a week after mong umalis dito.”
WHAT!?
Anong pumasok sa utak nung aning na yun at umalis sya dito?
Saan kaya s’ya nagpunta?
Aning talaga.
Psh.
“S-saan s’ya… B-bakit s’ya nagresign?”
“Hindi ko din alam ehh. Basta na lang inabot nya yung resignation letter nya. Hindi nga nya natapos yung contract nya ehh. Pero hindi na din sya pinigilan ni JC.”
“May number ka ba nya? Or means para ma-contact s’ya?”
Sana meron.
Please.
Sana meron.
“Wala eh. Pasensya na. Una na ko ha? Magchecheck pa ko ng BP ng mga pasyente eh.”
“S-sige.”
“Sige.”
Nakalayo na si Lou. Aalis na din sana ako ng biglang may humila ng damit ko.
Pag-lingon ko…
Si Lou.
Hingal na hingal.
“Huuu! (humawak sa dibdib nya) Haaay. S-Steve.(biglang nagging seryoso ang expression ng mukha nya) Hindi ko alam kung anung meron sa inyo ni Bri. Or kung may something nga. Pero nung bumalik s’ya galing Tagaytay, ikaw agad ang hinanap nya. Nung nalaman nyang nakalabas ka na, umiyak sya. Sobra syang nalungkot. Umalis ka ng walang paalam at nasaktan mo s’ya ng dahil dun. (hinawakan nya ang kamay ko and she looked at me straight into the eyes) Hanapin mo s’ya Steve. Look for her and explain. P-please.”