Chapter 4

130 2 0
                                    

Errol's POV

Nae-excite ako ng sobra. Ang dami kong binili para kay Julie, teddy bear na orange, keychain na orange, watch na orange. Ewan ko ba, Julie seemed so special for me.

I have this feeling na hindi ko nalang to ginagawa to make my brother jealous. Pakiramdam ko, may nararamdaman na ko para sakanya.. paghanga.

"Errol, hijo?" si tita.

"Yes tita? Ano po yun?" Binilisan ko na yung pag aayos nung mga binili para matulungan ko na si Tita magluto.

"Ahh, gusto ko sanang ipagluto mo si Julie ng steak, nakita ko kasi sa table kahapon na may steak, eh favorite nya yun."

"Hindi naman po yun orange pero favorite nya?" biro ko kay tita.

" Ikaw talaga hijo, oo!"

Pagkatapos ko mag ayos ng mga binili namin nagumpisa na akong magluto. Nakita kong pagod nadin si Tita kaya naman sinabi kong ako nadin ang magliligpit doon.

School

Julie's POV

Muli kong sinagot si Elmo, ayoko syang mapahiya sa mga tao. Naguguluhan din talaga ako sa pinagsasabi ko. Whew!

"Babe, pwede mo naman na akong ipakilala kay Tita eh. Para I can visit you naman sa bahay nyo." Elmo.

No. Not now. Lalo na at nasa bahay si Errol. Ang kakambal nya.

"Babe, pagod na ako. Gusto ko nang umuwi." Nasabi ko kay Elmo. Tapos nadin naman ang klase.

"Hatid na kita.." Malungkot na sagot ni Moe.

FF

Errol's POV

4 pm na pala. Nakakapagod din ah. Hahaha! Naligo na ako at nag ayos. Kaya lang medyo, inaantok ako. Umupo muna ako sa couch dito sa sala at nakita kong kakalabas lang ni Tita sa kwarto.

"Hijo, mukhang pagod ka na talaga. Gusto mo matulog ka na muna, gigisingin kita pagdating ni Julie." Nakangiting sabi ni Tita. Gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi ni Tita, antok na kasi talaga ako.

"Okay lang po ba, tita? Iidlip lang naman po ako.."

*blink*

*blink*

ZZZZZ...

Julie's POV

Nandito na ako sa bahay, sa kanto lang ako nagpahatid kay Elmo. Baka makita sya ni Mommy, at ni Errol.

*Tok tok*

"Mama, nandito na po ako.." tawag ko kay Mama. Binuksan nya naman ang pinto at niyakap ako.

"Anak, maaga ka yata umuwi?" Takang tanong saakin ni Mama.

"Pagod po ako eh, medyo masakit padin ulo ko.." pumasok na kami sa loob. ".. si Errol po?"

"Nako, pagod yan. Nakatulog sa couch."

Agad akong lumapit sa couch at tiningnan si Errol. Parang kerubin.

"Bakit to napagod, Mama?" nakita kong gumalaw si Errol, napalakas yata yung salita ko. Maya maya pa umupo na si Errol.

"Julie, nandyan ka na pala!" gulat nitong sabi.

"Kakadating ko lang din. Haha! Gulat na gulat ka naman, ano bang ginawa mo at pagod ka?" wika ko sabay upo sa couch, katabi si Errol.

"Ahh.. ehh.. kasi.." Errol.

Maya-maya sumulpot si Mama galing sa kusina, may dalang cake!

"Happy Birthday Papa! Happy Birthday Papa! Happy Birthday, Happy Birthday.. Happy Birthday Papa!" Si Mom yan.

"Julie, Happy Birthday to Tito!" tapos niyakap ako ni Errol. Dahil sa sobrang stressed ako kay Elmo, nakalimutan ko tuloy na birthday na pala ni Dad. Pero bakit kaming tatlo lang? Ussually nandito ang mga kaibigan ni Mom.

"Mommy, sorry po. I almost forgot." Maluha luha kong sabi kay Mama, naramdaman ko nalang yung yakap ni Errol mula sa likod dahil nakaharap ako kay Mama.

"Julie anak, ayos lang. Alam ko naman na stressed ka dahil sa studies. Studies nga ba?" sabay natawa si Mama. Naalala ko tuloy si Elmo..

"Errol, ahhm, nakayakap ka padin sakin." tapos tinuro ko yung braso nya. Napabitaw naman ito agad.

"Sorry.."

Nilapag na ni Mama yung cake sa center table. Tapos I made a wish before blowing the candle. Wish ko na sana maging okay na ang lahat, at syempre na sana masaya si Papa sa heaven. :(

Nakita kong tumayo si Errol at dumiretso sa kusina. Hala? Di kaya nahiya sya sa sinabi ko kanina? Lagot na! Sabi ko pa naman sana okay na lahat tapos ganito ako kay Errol. Tatayo na sana ako para sundan sya ng makita kong pabalik na ito at papalapit na saamin ni Mom. May dala dala syang.. lollipop?! Malaking lollipop na orange! OMG. <3

"Sorry dun sa kanina.. Here!" at inabot nya sakin ang isang lollipop, dalawa kasi yun. Napangiti naman ako.

"Ano ka ba! Okay lang yun! Ikaw talaga! By the way, thanks for this!"

Si Mom biglang nagsalita na para bang nang-aasar! >ͺ<

"Dyan nagsimula ang lolo't lola ko anak! Ayieeee!"

"Moooom!/Titaaaa!" sabay pa kami ni Errol. Si Mama kasi! Nakakahiya tuloy!

"Aysus! Kayo talaga! Osya, madami pang ibibigay si Errol sayo. Magpahinga lang muna kayo dahil kakain nadin tayo maya-maya, lagay ko muna tong cake sa ref." Kinuha na ni Mama ang cake at nagpunta sa kusina. Habang kami ni Errol nasa awkward situation dahil kay Mom.

- - - - - - - -

Author's note

Jusko! Sorry sa sobrang late na update. :( Hindi ko akalaing may nagbabasa pala nito. </3 Sorry talaga! Babawi po ako. :)

Sa mga readers kahit konti lang kayo, I'll make sure na nakaka entertain padin to. :)

Salamat po ulit! :)

- Jessica XOXO

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Da WHO??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon